SC - 1

1K 83 26
                                    

Author's note: This story contains spoilers of His Story to Tell. If you're not done reading HSTT yet, please finish it first before proceeding here. Thank you!

Hindi ako mapakali habang iniisip ang napag usapan namin ni Ryoga. Hindi ako paladasal na tao pero ngayon palang uumpisahan ko ng magdasal. Magdasal na mali siya at ako ang tama.

"Fuck! But that is Ryoga. Si Ryoga 'yon." Sabi ko sa sarili ko.

That guy is always right! When he concludes, he never goes wrong. Kaya madalas siya ang hinihingian ng advice ng mga taga underworld e. Dahil lagi siyang tama. Laging nananalo. So, anong laban ko ron?

I looked at my phone when it vibrates. And speaking of the devil, nakita ko ang number ni Ryoga ron at siya ang nagmessage. I sat on my bed and read it.




Ryoga

Kay Red ka magpa enroll. Huwag mong sasabihin sakaniya na pinapapasok kita ron. Basta sabihin mo gusto mo magaral ng Rockwell. Ako ng bahala sa allowance mo. Love you soon to be girlfriend ni Axel.



I rolled my eyes with the last part of his message. Pasalamat ka talaga Ryoga at takot ako sa'yo. Dahil kung hindi, naku! Malilintakan ka talaga sa akin. I just stood up from my bed and went outside. Buti na lamang at nandirito si Red sa mansyon. Makakausap ko siya at masasabihan.

Naabutan ko siyang nagkakape sa sala habang nakatuon sa laptop nito. Malamang busy nanaman siya sa mga obligasyon niya sa mga kumpanya ng pamilya namin. Hindi naman kasi siya tinutulungan ni Ryoga. Ryoga has his own business. Ang tanging ambag niya lamang ay mag bigay ng critical decisions para sa critical problems. Just like what I've said he is good at giving advices.



"Red." I called him and I sat beside him.

"What?" He asked without looking at me.

"Mag aaral ako sa Rockwell."

Napahinto siya sa pagtype sa laptop niya at 'di kalaunan ay nagpatuloy din. Siguro nagulat sa sinabi ko. Home school ako ngayon dito sa Pilipinas at ngayon lamang ako tatapak ulit ng paaralan. I studied in Japan.

"Buti? Anong nakain mo?"

"Wala naman. Gusto ko lang pumasok. I-enroll mo 'ko."

"I'll call Brandon later. I'll make him enroll you."

"Sa Monday ko na gustong pumasok. Ayaw ko nang maghintay ng mas matagal."

Today is Friday and tomorrow is Saturday. Siguro naman magagawan ng paraan 'yon ni Brandon. Ang alam ko may connection siya ron e.

"Okay. Don't worry. You'll go on Monday."

"Thanks, Red."

"Hindi ba't doon nag aaral si Luther ngayon? He transferred, right?" He stopped from what he is doing and he looked at me

"Oo doon nga. Kaya gusto ko ron e."

"You're still chasing him? Ayon, move on. Mukhang wala ka namang pag asa ron." Tumatawa na sabi niya na nagpasimangot sa akin.

Is he also concluding about my future with Luther?! Parehas sila ni Ryoga kung ganon!

"Kapag kami ang nagkatuluyan ni Luther, I won't invite you on our wedding."

"Kung mangyayari."

"You're making me feel depressed."

"Let's go outside then. Kain tayo. I'll treat my princess."

Sinara niya ang laptop niya saka siya tumayo. I smiled at him atsaka ko ikinawit ang kamay ko sa braso niya. He just smiled back and tapped my head.

Stupid CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon