Introduction

3.5K 138 51
                                    

Ako si Kylie Reyes, 19, bunso sa limang magkakapatid, at ang mga kapatid ko? lahat sila lalaki, lahat sila over-protective pag dating sakin. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko dahil nasa akin ang atensyon nila at mahal na mahal ako ng mga kuya ko o ikakabaliw ko dahil nga sa sobrang higpit nila sakin wala nang lalaking gustong lumapit o makipagkaibigan manlang sakin. Hindi sa gusto ko palibutan ng mga lalaki ha! gusto ko lang din naman maranasan ma-INLOVE ano, bagay na malabong mangyari kung ganito ang mga kuya ko, haaay.

Oo nga pala, it's time to meet my dear brothers..

si kuya Alex AKA Lex, sya ang panganay sa aming magkakapatid, dahil nga sya ang panganay, sya ang naging tagapag mana ng aming maliit na business na ngayon ay nag eexpand na dahil nadin sa kanya, kung di nyo naitatanong si kuya Lex ang laging nangunguna sa klase, consecutive honor student since junior kinder! gwapo at matalino kaya lang may pagka seryoso at mainitin ang ulo, in short MASUNGIT! pero pag dating sakin sobrang bait. hehehe. wala e ako ang favorite.

Si kuya Vincent naman, AKA Vin, sya naman ang pangalawa saming magkakapatid, sya naman ang kapatid kong baliw na laging kaaway ni kuya Lex, pano ba naman instead na business namin ang atupagin, mas inuuna pa nya ang pag paparty, eto naman ang kuya kong pogi na sobrang kulit at pasaway! kaya naman nung minsang tumakas ako sa bahay para mag overnight sa bahay ng friend ko sya ang naging kunsintidor..este.. tagapagtanggol ko. hehe

Si kuya Timothy, AKA Tim, pangatlo sa aming magkakapatid, sya naman ang kuya kong fashionista (eww) pano ba naman MODEL sya, kaya ayun GGSS si koya, kung sabagay gwapo naman kasi talaga sya yun nga lang masyadong conceited, walang ibang nakikita kung hindi ang sarili, pero syempre dahil nga LOVE ako ng mga kuya ko, nakatuon padin sa akin ang atensyon ng kuya kong to, oo wala padin akong kawala. T-T

aaaat syempre ang aking best friend kuya, si Kyle, sya ang pang apat sa aming magkakapatid, hindi ko sya tinatawag na kuya dahil halos magka edad lang naman kami kaya nga madalas kami mapag-kamalang kambal eh, hmm oo medyo may hawig nga kaming dalawa lalo na last year noong nag long hair sya xD sya nga pala ang kuya kong rocker, sya ang lead vocalist ng isa sa pinaka sikat na banda sa school namin, tulad ko nag aaral palang din si Kyle, para lalo akong mabantayan ng mga kapatid ko, kinailangan ni Kyle tumigil ng isang taon para maging ka-batch ko sya, oh di ba may pagka baliw talaga ang mga kuya ko?

***A: di ko alam kung may nakakakita ba nito? wahahahaha. first time ko mag publish dito sa wattpad e anyway kung meron man comment naman po if itutuloy ko pa. suggestion po?

My Four Brothers and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon