Chapter One

145K 1.6K 14

CHAPTER ONE

Ako si Zayl Rodriguez. 
Mahirap lang kami. Maysakit ang itay ko at hindi na kayang magtrabaho, samantalang kasambahay naman ng mayamang mag- asawa ang inay ko dito sa Pilipinas. Mas lamang sa gamot ng Itay napupunta ang sweldo ng Inay. Bayarin pa sa tubig, kuryente, bahay at pang- araw- araw na gastusin. Konti lang naman ang gastos ko sa school. Iskolar kasi ako kaya nakakapag- aral ako sa isang pribadong paaralan dito sa Maynila.

Dalawang linggo na buhat nung gr- um- aduate kami ng high school.

May boyfriend ako, schoolmate ko. First boyfriend. Si Jack Santaniel. Mayaman. Sikat siya sa school namin, campus hearthrob kasi. Hindi nga ako makapaniwalang siya ang boyfriend ko at ako ang girlfriend niya.

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya. Galing kami kay Itay, naka- confine na naman kasi sa ospital. Inatake na naman sa puso. Sinamahan ko si Jack sa paglabas kasi pinauuwe ko na siya dahil kanina pa siya dito sa ospital. Naisip kong sumama na hanggang sa parking area dahil may mahalaga akong sasabihin sa kanya at sinabi ko sa kanya na sa loob na kami ng kotse mag- usap.  

"Babe, ano'ng pag- uusapan natin?" Tanong ni Jack habang nakangiti pero umiwas ako ng tingin.

Bakit ba 'di ko masabi sa kanya? Inisip ko na kanina 'yung mga sasabihin ko pero bakit 'di ako makapag- salita ngayon? Mahirap pala talagang makipag- break sa taong mahal mo ng wala naman siyang ginagawang masama.

Oo, makikipaghiwalay na nga ako at sigurado na ako sa gagawin ko.

"Babe?" Sabi niya nung mapansing hindi ako makasagot.

"Ah kasi..... Kasi... Kailangan na nating...." Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy.

Sigurado na nga ba talaga ako? Oo, dahil kailangan, sabi ng isip ko.

"Kailangan na nating maghiwalay Jack." Sabi ko at hindi talaga ako makatingin sa kanya. Hindi ko magawa.

"What?.... Are you serious?" Tanong niya.

Kita ko sa gilid ng mata ko na napatingin siya sa akin.

"Y- yes." Sabi ko.

Napatungo ako.

"Come on, may mga naririnig ka na naman ba? If you think na may iba akong bab--" Hindi ko na siya pinatapos.

Kadalasan kasi kapag nakikipag- break ako eh dahil nagse- selos ako sa mga babaeng nali- link sa kanya.

"Hindi. Wala." Sagot ko at tumingin na sa kanya.

"Why?" Tanong niya.

"Wala kang kasalanan." Sabi ko.

"Then tell me why are you breaking up with me?!" Sabi niya at medyo nagta- taas na ng boses.

"Ako. Dahil sakin." Sabi ko ng mahina.

Hindi ko na mapigilang tumulo ang luha ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko 'to gusto. Ang hirap- hirap.

"Aalis na kami.. Magpapa- gamot ang Itay. Sa America na kami titira... Tinulungan kame ng amo ng Inay. May kapatid 'yung amo niya na doktor sa America at mas matutulungan daw ang Itay doon. Pinag- retiro na nila ang Inay at pinautang ng malaking pera.. Pinahiram din kami ng matitirhan doon sa America. May naghihintay na ring trabaho doon ang Inay. " Patuloy ko.

"Pero bakit dun pa kayo titira? Kapag gumaling ang Itay mo puwede namang bumalik na kayo dito." Sabi niya.

"Ang Inay ang may gusto. Mas maganda daw 'yung magiging trabaho niya doon." Sabi ko.

"Kung ayaw mong sumama, may magagawa ka." Sabi niya.

Oo nga pero napakabata pa namin para piliin kong makasama siya.

"Jack, sila lang ang pamilya ko. Ayaw ko silang bigyan ng sama ng loob...." Sabi ko.

"At ako? Tell me, sino at ano ako sa buhay mo?" Sabi niya.

"Mahal kita, pero mas... Mas mahal ko ang pamilya ko." Sabi ko.

Siguro kailangan talagang ipa- mukha ko na sa kanya na mas mahalaga ang pamilya ko kaysa sa kanya. Kailangan ko siyang saktan para magalit na siya sakin, para hindi na ako mahirapang iwan siya. Mahal ko rin ang pamilya ko. Sana maintindihan niya ako.

"Bakit kailangan pa nating maghiwalay?" Tanong niya.

Naisip ko na mas mabuti kung putulin na namin 'yung namamagitan samin.

"Hindi ko alam kung kelan ako babalik dito o kung babalik pa nga ba... Ayokong paghintayin ka. Ayokong mangako... Ayokong umasa ka... Ayoko ring umasa. Mga bata pa tayo... Madami pa tayong makikilala..." Sabi ko.

Oo masakit. Mahal ko siya eh. Pero kaya kong i- sakripisyo ang pagmamahal na 'yun ngayon para sa pamilya ko.

"Ganun na lang ba 'yun? Sinasabi mong mahal mo ako, pero bakit nagagawa mo akong saktan?" Sabi niya.

Pinipigilan kong umiyak pero 'yung luha ko kusang pumapatak. Nasasaktan din naman ako eh.

Isang taon pa lang kame. Isang taon na siyang hindi playboy simula nung maging kame. Alam ko. Alam ko sa sarili ko kahit mga bata pa kami, sigurado kami sa nararamdaman naming pagmamahal sa isa't isa.

"Jack.... Intindihin mo naman ako...." Sabi ko na lang.

"Ako ba iniintindi mo? Nagbago ako para sa'yo." Sabi niya.

Oh sh*t, sumbatan na ba 'to?

"Sorry, sorry......." Sabi ko.

Ayoko ng magpaliwanag pa dahil baka hindi ko na siya matiis at mabawi ko pa ang sinabi kong pakikipag- hiwalay sa kanya.

Bubuksan ko na ang passenger's door nang bigla niyang hawakan ang kaliwa kong kamay. Alam kong kahit wala siyang sinasabi, gusto niya pa rin akong pigilan. Tatlong segundo saka ko binawi ang kamay ko at binuksan na ang pinto ng kotse. Nagtatakbo na ako papasok sa loob ng hospital pagkalabas ko ng kotse.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!