The One Night Negotiation

205K 1.8K 10

Naranasan mo na bang mawalan ng pag- asa sa buhay?

Naranasan mo na bang mawalan ng ganang bumangon sa umaga dahil alam mong matutulog ka lang ulit sa gabi ng may problema?

Hanggang kailan ka magtitiis lumaban kahit sobrang sakit na?

Nabaliw ka na rin ba kakaisip kung ano nga ba ang makakabuti para sayo?

Narito ang kuwento ng isang babaeng pinaglaruan ng tadhana.

Ang babaeng naniwalang may himala kahit dala- dala niya'y puro kabiguan sa buhay.

Tunghayan po natin ang kapalaran ng babaeng ito, maging masaya pa kaya siya sa bandang huli?

Magbago pa kaya ang kapalaran niya kung ang isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay niya ay ipagpalit niya lang ng salapi sa isang gabi lamang?

Here is, THE ONE NIGHT NEGOTIATION.


All names, characters, locations and incidents are products of the author's imagination, or have been used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead, locales, or events is entirely coincidental.

_______________________________________

Tiningnan ko muna kung saang direksyon siya pupunta at nakita kong sa kwarto yata niya 'yun. Jusko, kinakabahan ako! Akala ko wala na kanina 'to, bakit bumabalik ka na namang kaba ka.

Tumayo na ako at sinundan siya. Nakapasok na siya sa loob ng kwarto samantalang ako ay papunta pa lang. Nakabukas ang pinto. Pagkapasok ko, nagulat ako sa nakita ko. Naka- boxer shorts na siya. Napalunok ako, sana hindi niya napansin. Nakalimutan kong kailangan ko nga pa lang maging artista. Paano ko kaya gagawin 'yun eh this will be my first time. Bahala na. Heto na talaga 'to.

"Come here." Sabi niya na parang may itinatagong ngiti sa mga labi.

Kanina pa pala ako nakatayo sa may pinto ng kwarto. Come here- come here ka diyan! Tse!

Nakaupo siya sa kabilang side ng kama, sa may table na maliit. Hawak niya ang cellphone niya. May ka- text yata siya. Doon ako umupo sa kabilang side malayo sa kanya. Hooh! Ano'ng gagawin ko? Ngayon na ba talaga? Agad agad? Nakita kong ipinatong na niya 'yung cellphone niya sa side table. Tumayo siya at tumabi sa akin sa pagkakakaupo. Relax Zayl, relax.

Napatingin ako sa kanya, nakatingin din pala siya sa akin. Matagal kaming nagtitigan at nararamdaman kong parang natutunaw na ako. Hinawakan niya 'yung kaliwang pisngi ko ng kanang kamay niya. The way he touches it, ang sarap sa pakiramdam. Parang gusto kong maiyak sa pagka- miss ko sa kanya, naku Zayl tama na 'yan! Mag- focus ka sa pag- arte dahil alam mong wala na naman siyang nararamdaman para sayo at alam mo ang habol niya lang sayo ngayon. Ang virginity mo! Iyan ang sabi ng konsensiya ko.

Nakatitig pa rin kami sa isa't- isa at napansin ko na lang na palapit na ang mukha niya sa mukha ko. He's now going to kiss me, inilipat niya 'yung kamay niya sa batok ko para mailapit ang mukha ko at naramdaman ko na lang na magkalapat na ang mga labi namin. Hindi ko napansing nakapikit na pala ako while also kissing him.

I remember the first time he kissed me, the first time we were together. Parang ingat na ingat siya sa ginagawa niya. Parang walang nagbago. It also feels like the first time.
______________________________

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!