Confession

21.2K 328 6
                                    


"Alam kong mali ang nangyari, pero masyado akong na-curious at nag padala sa nararamdaman ko kaya pinasok ko ang hindi dapat, na hindi ko alam na ito pala ang magiging simula ng mapait at hindi magandang pangyayari sa buhay ko" ..

< Avery's P.O.V >

"Wag nga kasi kayong maingay!"

"Tabi nga! Hindi ko makita ang board!"

"Umupo nalang kasi kayo! May mga nagsusulat oh"

"Ang iingay nyo!"

"Ohh nandito na si ma'am! Joke! Hahahaha"

Yan ang mga ingay na naririnig ko, wala ngang pinalalampas ang tenga ko. Kahit bulong lang rinig na rinig ko. Ano bang nangyayari sakin? Parang lahat ng senses ko gising.

"Hoy Avery, ano ba nangyayari sayo huh?"

Napabaling ako sa bandang kaliwa ko kung saan nandun si Diara. Isa sa mga kaibigan ko

"Ang tahimik mo ngayon uh!"

At napabaling din ako sa bandang kanan ko kung saan nandun si Antonia. Isa din sa mga kaibigan ko.

"Bakit kelan ba naging maingay yan?" Sagot ni Diara kay Antonia

Well, anim sila! Anim ang kaibigan ko. Apat na lalaki at silang dalawang babae. Pero syempre mas close ako sa dalwang babaeng to. Wala pa kasi ung apat na lalaki.

At dun sa apat na un, kasama si Shawn. Tama kaibigan ko sya. Isa sya sa mga nakakasama ko lagi, araw araw.

"Wala lang" simpleng sagot ko

Biglang hinila ni Diara ang kwelyo ng blouse ko at mataman akong tinitigan.

"Magtapat ka! Alam kong may ipagtatapat ka!" Nang gigigil na sabi nya

Wag na kayong magtaka, maangas kasi yang si Diara. Pero magandang babae yan! Habulin nga ng lalaki, kaso walang makapagtangkang manligaw kasi nga matapang. Bully pa, masyadong honest.

"Oo nga!" Dagdag naman ni Antonia o Anton.

Sya naman ang fashionista at babaeng babae kung kumilos saming tatlo. Magandang babae din. Habulin din. Pero isa lang kinababaliwan nyan!

Napalunok ako ng mariin. Hirap talaga pag kilalang kilala ka na ng mga kaibigan mo.

Lumingon lingon ako sa paligid, baka kasi may makarinig. Well, busy naman lahat.

Yumuko ako at huminga ng malalim.

"Wala na kong V-card." Malungkot kong sabi

Girls, you know na what's the meaning of v-card right? I hope you know.

"ANO?!!" Sabay nilang sigaw.

Patay na ko nito. Nakakahiya sakanila, ang bata pa namin pero wala na.

"Shhhh" inis na sagot ng mga nerd naming kaklase.

"Oo." Sagot ko pa

"Halika nga!"

At pagkasabing pagkasabi nun ni Diara ay kinaladkad na nya ko palabas ng room at isinandal sa pader. Psh. Brutal talaga

Ngayon. Corner na ko ng dalwang maldita. Huhu. Help!

"Ayusin mo ang paliwanag mo! Gigilitan ko talaga ng leeg ang lalaking kumuha ng v-card mo!" Nang-gigigil na sabi ni Diara.

Patay patay patay! Sasabihin ko ba? O sasabihin ko? T____T Wala na kong takas nito!

"Uhm. Ano .. kasi"

"SINO?!!" Sabay nilang sigaw.

Napapikit ako ng mariin at yumuko saka sumagot.

"Si Shawn .."

(Silenceeeeeeee)

Tiningnan ko ang reaksyon nila at pareho silang nanlaki ang mata at di ko maintindihan kung mananakit ba sila o yayakapin ako o hahampasin ang ulo ko sa katangahang ginawa ko.

"Hoy!" Kinakabahan kong sabi

"Tsk. Bakit sa kanya pa?"

"Hindi mo pa sya kilala, Avery"

Kalmadong sagot nilang dalwa. At sa sobrang kalmadong tono nila, biglang lakas ng kabog ng dibdib ko. Mas nakakatakot ang pagiging kalmado ng dalawang to

"Alam kong mali ang nangyari, pero masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko. Umiiyak kasi sya at niloko sya ni Hailey" sagot ko habang kinakalma ang sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim

"Tsk. Anyway, nangyari na. Gumamit ba kayo?" Si Diara

"Anong gumamit?" Napa-pout kong sagot

"You know .. Like .. Bubble gum, Uhm .. Plastic Balloon." Sagot ni Anton

"Gaga! Protection?" Sagot naman ni Diara

"Huh? Hindi ko alam?"

Promise hindi ko talaga alam kung gumamit ba sya o hindi. Dapat ko pa bang silipin yung ano nya bago kami mag simula??

"Ano ka na Avery!"

"Bobo"

Yan ang mga comment nila, kaibigan nga talaga!

"Bakit? Ano bang epekto pag di gumamit??" Tanong ko

"Gaga, di mo alam?! Baka mabuntis ka"

*sigh*

Wala sana akong ibang iniisip ngayon kung hindi ito lang, kung pano ko lang sasabihin sakanila na may nangyari samin ni Shawn. Pero may dumagdag pa T_T

Bakit ko kinalimutan iyon?! Hindi nga pala tama ang makipag totoot lalo kung hindi pa kami handa at mga bata palang kami! T__T

Isa pa, wala namang kami ni Shawn.

Huminga ako ng malalim at hinarap sila

"Hindi pa ako handa"

"At alam naming hindi parin handa si Shawn." Sagot ni Diara na mas nakapagpataranta pa lalo sakin.

"Anong gagawin ko?!" natataranta kong tanong

"Teka, di pa naman natin sure eh. Pag na-delay ka na at hindi ka na dinatnan sa mga susunod na buwan. Alam mo na" si Diara

"Ninang ako huh!" Nakangiting sabi ni Anton

"Walang hiya ka! Nakuha mo pang mang-asar!"

Hindi na ko magkanda ugaga sa kaba, maling mali ang ginawa namin ni Shawn. At panigurado, hindi naman ako ang una nya. Marami kami.

Pero ako? Sya ang una ko. At yun ang nakakalungkot.

3rd year college palang kami. At hindi ppwedeng mabuntis ako agad! Marami pa kong pangarap! Gusto ko pang makapag libot ng buong mundo! Gusto ko pang puntahan sina mama.

Alam ko namang hindi ako nababantayan ng mga magulang ko dahil nasa ibang bansa sila, pero may disiplina naman ako. Dahil narin sa malaki ang tiwala nila. Hindi talaga pwede to!

Matapos ang confession at kwentuhan namin nila Diara .. Pumasok na uli kami ng room at nandun na ang tatlong lalaki. At sya lang ang wala!

Nakakapagtaka dahil hindi naman sya pala absent pero bakit?

Iba ang kaba ko ngayon, parang wala ng bukas. Dumagdag pa ang mga sinabi nila Diara sa isipin ko.

It's All About BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon