Chapter 17

69.6K 3K 607
                                    

Chapter 17: “I love you, Sue” -Von

SUE's POV:

Naka indian sit ako sa kama habang pinapanood si Von sa pagsuot sa kaniyang uniporme papuntang trabaho niya. Pupuntahan niya daw ang kumpanya na pinatatakbo niya dahil may biglaang meeting. Bakit parang napilitan lang itong si Von eh priority nga dapat niya yung trabaho niya.


"Von, uuwi na ako? Kay Hunter nalang ba ako magpapahatid pauwi?" tanong ko. 5 pm na kasi ng hapon. Eh kailangan ko pang mag review sa bahay dahil may exam pa kami bukas para sa last subject namin.



Lumingon siya saakin habang inaayos yung necktie niya. Nagmamadali siya kaya hindi ganon kaayos ang pagkakatali. Bumungisngis ako ng palihim. Ganto ba palagi si Von kapag nagmamadali? Hindi kaya tawanan siya niyan dahil hindi maayos ang pagkakalagay niya ng necktie niya?


Sinubukan kong i-imagine na tinatawanan siya ng mga employees. Pero ang lalabas naman sa isip ko eh ang galit na itsura niya at-



“Die! ” tapos boom! Wala na silang trabaho.



Bumaba ako sa kama at tumakbo papunta sakaniya. Lumapit ako at nakangiting inayos ang kaniyang necktie. "Ayan! Hehe okay na Von, " mabuti nalang at marunong ako. Nagtumbs-up pa ako pagkatapos. Tsaka tatalikuran ko na sana siya ay bigla naman niyang hinila ang braso ko at, "hmp!!" aray.... ngayon yung pisngi ko naman ang nasaktan. Ang sakit nun ha! Huhuhu



"Bukas ka na umuwi. Hintayin mo ako mamaya. Uuwi din ako agad," ang ganda pakinggan nung boses niya. Parang boses ni Kim Taehyung.


"Pero hindi--"



"Sinabi ko na sa tita mo, na bukas ka na makakauwi," Sa totoo lang natatakot na ako dahil hindi naman nadadala sa pagpapaalam si tsang. Baka nga mas lalo lang ako nun mapagalitan at isipin na naglalakwatsa lang ako huhu



"O-oh sige. Dala ko naman mga gamit ko kaya... makakapag review pa ako. Tapos hihintayin kita umuwi hehehe," niyakap ko siya pabalik. Hmmm! Ang bango talaga niya grabe!



"Mm. Let's eat dinner before I leave. Let's go, " hinila niya ako palabas ng kwarto.


"Dinner? 5:20 pm lang ah?"


"Eh sa gusto ko."


"Von, ngayon ko lang napansin na malamig pala talaga ang tiles niyo noh?" Tanong ko habang pinapanood ang mga tiles na natatapakan namin. Ang ganda rin nila at ang kikintab.


"This woman. Who told you not to wear slippers?" nagulat ako nang bigla niya akong buhatin na parang bagong kasal.


"Hala, Von! Ibaba mo ako. Makukusot yung polo mo, sige ka," banta ko. Pero hindi siya nakinig. Wala naman akong nagawa at nagpabuhat nalang, dahil ang kuliiiit niya.


Nang makarating kami sa dinning area ay umupo si Von nang hindi padin ako binibitawan at ibinababa kaya, ayun, kinandong ako. Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.


The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon