"Okay." Pagsuko ko.

"Bakit ba pumasok ka pa kahapon? Dapat sinabihan mo na lang si Rin, nabinat ka pa tuloy." Sermon niya pa sa'kin bago ako sinubuan. Pagkalunok ko ay saka lang ako nagsalita.

"Hindi kasi pwedeng iba ang pumunta sa meeting kahapon saka uminom na rin naman ako ng gamot bago umalis kahapon." Katwiran ko.

"Sa susunod huwag mo nang ipilit, ha? Paano kung hindi kita nakita kahapon? Baka hinimatay ka ro'n mag-isa." Kunot noong sabi niya.

"Opo, nay. Hindi na po mauulit." Pang-aasar ko sa kaniya.

Tinignan naman niya ako ng masama pagkatapos ay sinubuan ng hindi pa hinihipang isang kutsara ng lugaw.

"Hindi ka na mabiro, Cat! May sakit ako, 'di ba?" Sabi ko pagkatapos uminom ng malamig na tubig para maibsan ang pagkapaso ng dila ko.

"Tsk! Fine, sorry." Masungit na sabi niya.

"Tinawagan ko na si Mimi kahapon. Gusto niya akong umuwi." Pag-iiba ko ng usapan.

"Anong gagawin mo? Uuwi ka ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"No... I don't think I can set my foot in that house again." Malungkot na sabi ko.

"Pero hindi ka naman pwedeng habambuhay na lang na umiwas. Pamilya pa rin naman kayo."

"Uuwi ako ro'n tapos ano? Magiging masaya na parang walang nangyari?" Galit na bulalas ko. "Let's not talk about this." Sabi ko at nahiga na patalikod sa kaniya.

"Hindi niyo naman siya kakalimutan." Rinig kong sabi niya.

"You don't understand, Cat. Please, gusto ko nang magpahinga. Salamat sa pag-aalaga." Sabi ko at nagtalukbong na.

"Exactly, it's been a long time since that day but I still have no clue what the hell happened. I feel like, after that day, I lost both of you." Nahimigan ko ang sakit sa boses niya. Sobrang lungkot, pakiramdam ko ay umiiyak na siya.

Gusto ko mang bumangon para yakapin siya ay hindi pwede. Kapag ginawa ko iyon ay alam kong kailangan ko na ring sabihin sa kaniya ang nangyari. She deserves to know but I'm not ready yet.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko narinig ang mga hakbang niya palabas ng kwarto ko.

I'm sorry, Hecate.

Lumipas ang mga araw at hindi pa rin ako pinapansin ni Cat habang napapadalas naman ang pagkikita namin ni Lilith.

"I'm glad that you decided to be my date tonight." Masayang sabi ni Lilith. Lumingon ako sa kaniya sandali pagkatapos ay nginitian siya. "I can't let my favorite customer down." Napanguso naman siya dahil sa sinabi ko.

"Customer? Really?" Disappointed na sabi niya.

"Oh, bakit?" Naguguluhang tanong ko. Bumangon naman siya at pumunta sa ibabaw ko saka ako tinignan ng seryoso. "What if I don't want you to be someone I only slept with?"

"T-That's funny, babe. You almost got me." Kinakabahang sabi ko.

"I'm not trying to be funny, Iniko. Date me." She said that confidently while looking at me straight in the eyes like she's not expecting me to reject her.

"Woah, Woah! Wait!" I said. I was about to get up but she pinned me down.

"I won't let you go until you decided to date me." She said casually.

"D-Date? Like date-date?" Shock pa ring tanong ko.

"Like date-date." She said that using her seductive voice. Kanina ay pinipilit kong tumingin sa noo niya dahil masyadong distracting ang mga mata niya pero ngayon ay na-stuck naman sa lips niya ang mga mata ko.

"Exclusively?" Mahinang tanong ko habang papalapit na ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Exclusively."

**

"Mate! Yohoo! Pakigalaw ang baso kung nandito ka pa sa earth." Sabi ng epal kong pinsan. Inirapan ko naman siya. "Lubayan mo 'ko, Rin."

"Come on, Mate. Kanina ka pa tulala d'yan tapos bigla ka lang mapapatampal sa noo mo. Magaling akong mag-advice." Sabi niya at tinaas baba pa ang mga kilay niya habang nakangiti sa'kin. Tinitigan ko naman siya sa mata. "Come on, what is it?" Pilit niya pa sa'kin.

"Nothing." Sabi ko at tumingin ulit sa bintana. Nandito ako ngayon sa kwarto niya sa loob ng office niya, nagtatago.

"Ikaw bahala." Sabi niya pagkatapos ay nagkibit balikat lang.

Parang may mali.

"You're not gonna bother me?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Yup."

"For real?" Naguguluhang tanong ko.

"For real." Simpleng sabi niya.

"Wow! I'll have my peace today." Manghang sabi ko.

"Just to clarify things. I said, 'I'm not gonna bother you.' because someone else will." She said then flash her crappy smile.

"Iniko, anong problema? Okay ka lang ba?" Tanong ng babaeng bagong dating sa kwarto ni Rin.

Oh, great!

Tinignan ko naman ng masama si Rin bago humarap sa bagong dating na si Cat.

"I'm fine. I was just taking a break." Paliwanag ko naman pagkatapos ay nag-dive ako pahiga sa kama ni Rin.

"You're taking a break. In Rin's room. While she's here. Nope, you're not fine." Sabi niya pagkatapos ay humiga siya sa tabi ko.

May punto naman siya pero, hay nako.

"Grabe ka naman sa'kin, Cathy my loves." Nakangusong sabi ni Rin pagkatapos ay humiga rin sa tabi ko.

"No offense meant, Rin." Sabi naman ni Cat.

"I'm dating someone." Mahinang sabi ko. Napabangon naman ng sabay ang dalawa.

"You're dating someone?" Kunot noong tanong ni Cat.

"Holy shit, Mate! Who's the unlucky guy?" Natatawang sabi ni Rin.

"That someone isn't a guy, I'm dating a woman, and yes. I am dating someone, again." Sabi ko. Ginamit ko naman ang unan na yakap ko pantakip ng mukha ko.

"Oh. My. God. You're gay, too! What the fuck! Kailangan kong makilala ang nagpatunay na bakla ka rin, Mate." Masayang sabi ni Rin.

"S-So, kailan naging kayo?" Tanong ni Cat.

"Last week. No'ng umuwi ako, bago tayo magkabati." Sagot ko kay Cat habang may nakatakip pa ring unan sa mukha ko.

"Nice one, Cous! Maganda ba? Sa'n kayo nagkakilala?" Sunud-sunod na tanong ni Rin habang sinusubukang kunin ang unan sa'kin.

"Basta! Huwag mo ngang kunin ang unan!" Saway ko naman sa kaniya.

"Mahal mo?" Nabitawan ko naman bigla ang unan dahil sa tanong ni Cat kaya naman nahulog si Rin sa kama.

"Aray ko naman, Cous!" Reklamo niya.

"Mamaya ka na makipagharutan, Rin." Seryosong sabi ni Hecate.

"Y-Yes, boss!" Sabi ni Rin pagkatapos ay nag-salute pa.

"Mahal mo?" Tanong niya ulit. Mahal ko nga ba si Lilith? Masaya ako kapag kasama siya pero hindi ba parang ang bilis masyado? Alam kong naisip ko ang possibility na maging girlfriend siya pero...

Am I really in love with her?

"Of course, she is. Hindi naman magiging sila kung hindi, right? Cous?" Sabi naman ni Rin.

"Y-Yeah, of course." Wala sa sariling sagot ko.







No Strings AttachedWhere stories live. Discover now