Prologue

4 3 7
                                                  

Dixine

Ika 13 ng Hulyo 2018. Alas siyete ng umaga, bumangon ako para magtimpla ng kape, hanggang ngayon ay namumugto ang mga mata ko dala ng matinding pag iyak kagabi. Inilapag ko sa lamesa ang tinimpla kong kape at saka pumunta sa ako banyo upang mag hilamos.

Papikit pikit pa ang mga mata ko at hindi ko maimulat ng maayos, kinapa ko sa gilid ang headband ko at inilagay ng hindi pa rin iminumulat ang mga mata. Saka ko binuksan ang gripo at isinahod ang aking kamay, nang dumampi sa mukha ko ang malamig na tubig ay nabuhay ang diwa ko.

Kinuha ko ang sabon sa basket at saka ito pinabula bago ikuskos sa mukha ko, pagkabanlaw ko ay ayun na naman ang malamig na tubig na hinahanap hanap ko sa umaga, pagkatapos kong mag hilamos ay tumingin ako sa salamin, nakita ko ang magulo kong buhok at ang sobrang namumugto ko pa ring mata, kita ko rin ang malaking eyebags sa magkabilang ilalim ng mata ko.

Nang kukunin ko na ang bulak at toner ay biglang nangilid ang luha sa mga mata ko, pagkaharap kong muli sa salamin ay tumulo na ang mga ito, ibinuhos ko ang toner sa bulak at saka sinimulang ipahid sa mukha ko, habang panay ang pahid ko ng bulak ay panay din ang pagtulo ng luha ko.

Ganito kahirap,ganito kahirap-

MASAKTAN.

Pagkatapos maglagay ng toner ay lumabas na ako ng banyo at umupo sa silya kung saan nakapatong ang kape ko,tinitigan ko itong umusok hanggang sa ininom ko rin ito at inubos.

May pasok ako ngayon pero mas pinili kong magmukmok dito sa condo ko.

Biglang nag ring ang phone ko.

Red Calling....

Balak ko sanang iignore pero nakakairita yung tunog at paulit ulit.

"kelangan mo?" sagot ko.

" sorry na kasi dixine, hindi ko naman sinasadya e, malay ko bang pupunta ka sa bar kagabi e ang sabi mo may group study kayo nila Michelle"

"whatever" pagkasabi ko noon ay ibanaba ko na at saka inoff ang phone para hindi na sya makatawag.

Your reason is unacceptable Red.

Muli akong nahiga, hindi ko na nalamalayang nakatulog na ako. Nagising ako ng alas singko ng hapon, kung hindi pa mag riring ang phone ko ay hindi talaga ako magigising, ang haba naman ng tulog ko, siguro dahil alas kwatro nako nakatulog at alas siyete ako gumising.

Michelle 20 missed calls

Michelle calling.....

"not now Michelle" inaantok kong sagot.

"open the fucking damn door Dixine" mahinahong sabi nya pero parang galit sya, amazona rin to e, mana sa nanay nya.

Pumunta ako sa pinto at sinilip kung nandon nga ba talaga sya, nakita kong may dala syang pizza at mocha cake kaya naman agad ko ring binuksan ang pinto.

"kung hindi pa ako tatawag hindi ka magigising" mataray na aniya.

Pumasok sya sa loob at inilapag sa mesa ang mga dala, ako naman ay sinara ang pinto at sumunod din.

Binuksan ko yung dala nyang cake at pizza dahil gutom nako, nakita ko syang pumunta sa kusina at pagbalik ay may dala ng Plato at tinidor, binigay nya sakin and isa kaya tinanggap ko.

"okay ka lang?" tanong nya nang makaupo ako sa tabi nya sa sofa.

Binuksan ko muna at TV at nilagay sa netflix bago sumagot.

"andun ka kagabi diba, alam mo na sagot" walang emosyon kong sabi.

Pinili ko yung horror na movie.

"tanga mo rin kase, sinabi ko na sayong babaero si Red pero hindi moko pinakinggan, kung hindi pa kita pinilit na pumunta kagabi hindi mo malalaman"

Tumigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya. "alam mo kung sesermonan mo lang ako, umuwi ka na lang, mas maiging tahimik yung buhay ko"

"aba, pasalamat ka dahill pumunta ako dito at may dalang pagkain, if i know wala kang stocks ng grocery sa ref mo"

"samahan moko mamaya, grocery tayo, malapit ka lang naman e"

"fine, pasalamat ka mabait ako"

"thank you" sarkastiko kong sabi, sama muling sumubo ng cake at kumagat ng pizza. Tataba ako ng wala sa oras.

"ano oras mo balak mag grocery? Hello? Alas sais na Dixine baka inaakala mo"

"oo na, tara na" saad ko pagkatapos patayin yung TV.

Sumakay ako sa kotse nya dahil tinatamad ako nag drive, dumeretso kami sa pinakamalapit na mall.

"kumuha ka ng cart" utos ni Michelle sakin kaya kumuha ako.

"dun lang ako sa liquor section ha" pagpapaalam nya, kukuha na naman yon ng alak.


Dumiretso ako sa mga sitsirya, iniwan ko sa isang tabi yung cart dahil hindi kasya, kumuha ako ng tatlong piattos, apat na nova, dalwang d'patata saka limang bote ng stik-o.

Pabalik na sana ako sa cart ko dahil nasa kabila yung ibang sitsirya na gusto ko.

Habang naglalakad ay may nabunggo akong isang lalaking may hawak na basket sa kaliwang kamay nya. Nahulog tuloy lahat ng dala dala ko, mabuti at gentleman sya kaya tinulungan nya akong kunin lahat ng nahulog.

"bakit kasi hindi ka kumuha ng basket miss?" tanong nung mamang lalaki.

"ayun yung cart ko o" turo ko kung saan nakaparada yung cart na nilagay ko.

"tsk" narinig kong singhal nya kaya napairap ako at naunang pumunta sa cart ko.

Nilagay ko don ang mga kinuha ko at nakita ko naman syang sumunod para ilagay din yung mga nahulog.

"salamat" walang gana kong sabi. Tumango na lang sya saka umalis.

Itinulak ko ang dala kong cart at saka hinanap si Michelle. Nakita ko sya doon sa liquor section, nakita kong namimili sya sa dalwang bote na hawak nya. Nilapitan ko sya at hindi naman nya namalayan.

"mas masarap yung nasa kanan mo" pag kuwan ay sabi ko dahilan para mapaligon sya saakin.

Napansin ko na agad ang nanunukso nyang mga mata. "umiinom din pala, pano mo nalaman ha?" patungkol nya don sa alak na na sinabi kong masarap.

"natikman ko na e, obvious ba" pagkasambit ko ay inirapan ko sya.

"teka wait" pigil nya ng akmang tatalikod na ako.

Inis akong lumingon. " ano?" tanong ko.

"sino yung guy na nabunggo mo kanina" tanong nya habang nanliliit ang mga maga na akala mo nakagat ng ipis.

"wala, nabunggo nga diba alangan namang tanungin ko pa"

"muka syang mabait, hays type ko sya" aniya na kinikilig pa habang hawak ang dalwang bote ng alak.

"sungit non e" nagpauna na akong lumakad saka pumunta sa cashier, nawala na sa isip ko kung anong bibilhin ko dahil sa guy na yon, bukas na lang uli ako mag gogrocery.

Habang nasa daan pauwi hindi matigil tigil si Michelle kakabanggit dun sa guy, naririndi nako at the same time naaasar.

"ano ba Michelle, kanina ka pa puro ka na lang yung guy sa mall e hindi mo naman kilala"

"isa ka pang masungit e, porket brokenhearted"

"manahimik ka"

"pasalamat ka sa retoke, hindi ka magugustuhan ni Red pag nagkataon" seryosong sabi nya.


Biglang nanumbalik ang lahat kung panong ako ang naghahabol sa heartthrob ng campus imbes na ang lalaki, sabagay pangit ako e, nerd pa, sinong magkakagusto sakin diba?







Thank you! Stay safe!

I'm Inlove With You Attorney[falling series 1]Where stories live. Discover now