Naramdaman kong unti unti kong nilalapit yung muka ko sa muka nya.

Bakit parang gusto ko syang halikan?

Ang mga labi nya. I want to kiss him for the last time.

10 .

7..

5..

Hanggang sa

2 inches nalang ang pagitan ng labi namin sa isa't isa.

Nararamdaman ko ang bawat paghinga nya.

Itutuloy ko ba? Hahalikan ko ba sya? Siguro pag hindi ko pa to ginawa, magsisisi din ako. Last nanaman to, parang goodbye kiss ganun .-.

Tinuloy ko. Hinalikan ko sya.

Parang nakuryente ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at biglang pumatak ang mga luha ko.

Pinikit ko ang mata ko.

Sa pagkakataong ito, sigurado na ako sa nararamdaman ko.

MAHAL KO SYA.

Minulat ko ang mga mata ko, dahan dahan kong inilayo ang labi ko mula sa mga labi nya.

Nakatungo lang ako at patuloy na umiiyak.

Bakit?

Bakit ako nagkakaganito? Bakit minamahal kita ng ganito? Bakit.. ang sakit.

"Kung pwede lang, sana akin ka na lang..."

"Sayo lang ako."

Napatingin ako sa kanya, tinanggal ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya at tumayo ako mula sa sahig.

"Ka-kanina ka pa gising?"

"Mahal kita Jessa."

"Mahal din kita, Maha na Mahal"

Ano ba tong iniisip ko.

HINDI SYA SAYO JESSA.

May nangyari na sa kanila ni Natasha, kung nagkataon baka maging pamilya na sila. WAAAA Bat na ako nagkakaganito -.-

"Okay ka na ba?" - tanong ko.

"Medyo, magaling kasi yung nurse ko"- sabi nya sabay ngiti sakin.

"Umuwi ka na." - sagot ko.

Tumayo sya at tinangkang lumapit sa akin pero muntik na syang matumba.

"Ohhh.. okay ka lang?" - sabi ko habang akay ko sya.

"Medyo masakit yung ulo at katawan ko-- ahh.. aray." - sabi nya sabay hawak sa may itaas na bahagi ng kilay nya.

"Teka teka, dun ka muna sa kama." Sabi ko.

Nabasa kasi yung sofa dahil basang basa sya nung humiga sya dun. At isa pa hindi mabuti para sa kanya yung matulog sa basa at malamig na sofa.

Inakay ko sya papasok ng kwarto ko. Dalwa lang kasi yung kwarto sa bahay namin. Tig isa kami ni Josh.

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Where stories live. Discover now