"LUMAYAS KA NA DITO! NAPAKAMALAS MONG BATA KA! WALA KANG KARAPATANG MABUHAY DITO! SIMULA NANG DUMATING KA NAGKANDA LETCHE LETCHE NA ANG BUHAY NAMIN! TANGINA KA!" Napayuko nalang ako sabay pulot ng mga damit ko sahig na inihagis hagis sa akin ni tatay.
"SANA PINABAYAAN KA NALANG NAMIN! MALAS KA! MALAS!" Sabay duro sa aking mukha.
"Ano ba! Hindi ka ba titigil? Walang kasalanan yung bata!" Sagot naman ni nanay sa kanya.
"ANONG WALANG KASALANAN?! SIYA! SIYA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAMATAY ANG SARILI NATING ANAK TAPOS SASABIHIN MONG WALA SIYANG KASALANAN!?"
"Tama na walter. Parang awa mo na wag mo nang saktan pa ang bata" pagmamakaawa sa kanya ni nanay.
"Hindi ako titigil hanggat hindi napapalayas yang tanginang malas na yan!" Sabay tingin sa akin ng masama. Napayuko ulit ako.
Lumapit naman si nanay sa akin.
"Pasensya na anak. Okay ka lang ba?"tanong niya sa akin.
Ngumiti naman ako. "Okay lang po ako nay. Wag niyo po akong alalahanin. Ayos na ayos po ako" Napatawa naman siya.
"Ikaw talagang bata ka" sabi niya sabay gulo ng buhok ko.
"Halika na kain na tayo"
"Ayusin ko lang po ito nay. Mauna nalang po kayo" saad ko sa kanya sabay pulot ng mga damit kong nagkalat sa sahig. Inilagay ko ito sa aking kwarto at itinupi.
Sa 19 years kong nabubuhay dito sa mundo hindi ko pa naranasan ang naging masaya. Sa buong buhay ko puro masasakit na salita ang mga naririnig ko tungkol sa akin. Si nanay na lang ang tanging nagmamahal sa akin. Si tatay? Hindi eh! Naiintindihan ko naman kung bakit ganun na lang ang trato niya sa akin. Ako naman talaga ang dahilan kung bakit namatay si dhalia. Ako naman talaga ang dahilan kung bakit ganito ang buhay ko ngayon. Ako lahat! Ako ang dahilan ng lahat ng ito.
Hindi ako tunay na anak nina tatay at nanay. Ampon lang ako. Hindi ko alam kung sino at nasaan ang aking mga magulang. Sa istorya ni nanay lalabas daw sana siya sa bahay ng makita niya akong nasa ilalim ng isang puno sa kanilang bakuran wala pa silang anak noon. Ipinagbubuntis palang niya si dhalia noon. Kaya ang ginawa niya inalagaan niya ako. Pinakain, inayusan, at pinag aral. Nang nasa sampung edad na ako siyam naman si dhalia naglalaro kami noon sa gilid ng kalsada ng biglang may sasakyan na humaharurot ng takbo kukunin sana ni dhalia ang linalaro naming bola nang nakita kong may paparating na sasakyan agad akong napatakbo sa kanya at itinulak ko siya sa gilid para hindi masagasaan at ayon nga hindi siya nasagasaan. Mas mabuti nang ako ang nasagasaan wag lang siya. Nabalian ako ng buto. Wala akong malay ng dalawang linggo. Nang magising ako nasa katabi kong kama si dhalia natutulog tinanong ko kay nanay kung nagising na siya pero hindi pa daw. Umabot ng isang buwan hindi pa rin siya nagigising.
Dahil sa pagkakatulak ko sa kanya naitama pala ang kanyang ulo sa sa semento sanhi kung bakit nabasag ang kanyang ulo dahil na rin dito ikinamatay niya iyon. Sobrang ang pagdadalamhati ko noon. Kung sana hindi ko ginawang itulak siya, kung sana hindi ko siya hinayang maglaro, kung sana ako na lang ang kumuha ng bola edi sana buhay pa siya ngayon. Edi sana masaya ako ngayon.
Kung sana ako nalang ang namatay. Total wala naman akong silbi dito sa mundo.
Araw araw pinagdarasal ko na sana bumalik ang mga oras. Na sana bumalik so dhalia. Na sana namatay nalang ako noong sanggol pa lamang ako.
Iniisip ko sino kaya ang totoo kong mga magulang? Nasaan kaya sila? Kung inalagaan at hindi nila ako itinapon lang maganda kaya ang buhay ko? Hindi ba ganito kapait ang buhay ko pag sakanila ako?
.....
Pagkatapos kong tupiin ang mga damit ko at inilagay sa cabinet at agad akong dumeretso sa kusina. Nadatnan ko doon si tatay at ang kapatid niyang si uncle herman. Nakaramdam ulit ako ng takot.
YOU ARE READING
Under The Same Sky
Teen Fiction"When you miss me just look up the night sky, and remember. Im like a star, sometimes you can't see me but im always be there"
