Chapter 05

34 3 0
                                        

Nang magising ako ay nakatigil na ang aming sasakyan sa harapan ng Jollibee, nasa kalibo na pala kami. Sakto naman na binuksan ni Spencer ang pintuan ng sasakyan.

"oh, gising ka na pala.. Gigisingin ko palang sana kayo ng mga bata eh. Masyado yatang napasarap ang tulog niyo"

"sorry napagod lang kasi ako kakapack kagabi eh" sabi ko sabay gising sa mga bata at nagsimulang naglakad papasok sa fast food restaurant.

Nakarating na kami sa Boracay at nagpunta na sa kaniya-kaniyang suites. Kasama ko si Ate sa kwarto, si kuya Denver naman at kuya mark, si Spencer at si Brent at syempre nag mga bata ay nandoon sa mga oldies.

Pagkarating namin ay pinilit agad ako ni ate na magpalit ng damit, maliligo daw kami at magpi-picture kaya wala akong nagawa kundi  magbihis ng two piece black bohemian swimsuit ko at pinatungan ko nalang ng white laced cover up.

Nauna na si ate sa beach front kaya mag isa akong pumunta doon.

"wow ang hot naman ng chicks" narinig kong sabi ni Spencer na may kasamang sipol pa. Natawa nalang ako at nagbesonsa kaniya. Sinamahan niya ako kay ate at siya ang photographer namin.

Hinubad ko ang cover up ko at nag umpisang gumawa ng ibat ibang signature pose.

Habang nag po-posing ay nakaramdam ako ng may nakatitig sa akin kaya iginala ko ang aking paningin at nakita ko sa di kalayuan si Brent na nakaupo sa hammock chair sa di kalayuan habang mariing nakatitig sa akin. He's topless and is only wearing a boardshorts.

I'm starting to feel uncomfortable because of his stares kaya sabi ko nalang kay Spencer na maligo nalang kami.

"Grabi kung makatitig ah, parang hindi nang-iwan hahahaha" biglang sabi ni Spencer habang sumusulong kami sa tubig kaya bahagya akong natigilan.

"Ano ka ba, hayaan mo na. Tapos na yon."

"Aba, kung akala niya ay okay lang dahil pinapansin mo siya, sa kin ghorl hindi okay yun kahit mag pinsan kami. Sino bang ginagago niya?" sabi niya.

"sa mga tinginan niyang yan parang ang lagay ay wala siyang jowa ah. Ayos din naman ah. Parang tanga lang. Hoy ikaw babae, wag kang maging marupok. Tandaan mo ang lahat ng sakit na idinulot niya sayo noon. Wag kang tatanga-tanga na naman." pangangaral niya sa akin. Napaka caring talaga ng bestfriend ko. Niyakap ko nalang tuloy siya.

" Hoy ano kabang babae ka? Bat nangyayakap ka nalang jan? Alam naman naka two piece tapos ididikit sa akin ang katawan. Hindi tayo talo day. "sabi niya habang tumatawa at lumayo sa akin.

" Balita ko nag-away sila nung Janice at nag-break bago pa tayo makarating dito kaya siguro ganiyan itsura niyan" sabi na naman ng asungot na to.

" wala akong paki, at pwede ba tigil tigilan mo ako sa mga ganyan mo. Ayaw ko ng ma attach sa kaniya. Sisirain niya lang ulit ang buhay ko" sabi ko at tsaka umahon na at sinuot ulit ang sheer cover up ko habang ang asungot ay nakasunod lang sa akin.

Nung hapon na ay nagpasya kami ni Spencer na maglakad lakad tsaka may sinabi siya sa akin na pagselosin daw si Brent para mapaamin daw siya kung ano talaga ang nararamdaman niya.

Umayaw nga ako pero pinipilit niya talaga ako kaya ayun pumayag nalang din ako.

Ang dami talagang kabulastugang naiisip tong asungot nato.

Kinagabihan, napag desisyunan namin ni Spencer na pumunta sa beachfront kung saan may ihe-held na party. I just wanted to drink and to have fun while we're here.

Nang makarating na kami ni Spencer ay crowded na ang lugar, marami na ang nagsasayawan sa gitna at umiinom.
I am wearing a two piece white offshoulder swimsuit and I topped it with my black sheer cover up. Spencer is wearing a white sando and a bohemian boardshorts, he looked so hot yet hindi kami talo hahaha.

Always In All Ways Where stories live. Discover now