~♥~ Flashbacks (17) ~♥~

Start from the beginning
                                        

Sakin nagmana sa ekspertong paggamit ng baril si Jakxic.

'And I'm so proud of my son!'

Naghahalo ako ng mga chemical na maaring ikaparalisado ng taong matuturukan nito.

'Napakagandang uri ng bala sa isang Sniper, sakto sa mga taong dapat maparalisado.'

Final procedure na nang biglang lumabas si Mora.

" Old Master, nandyan po si Parasite and his Gang." Sabi ni Mora na ikinakunot ng noo ko.

'Oo nakakapunta rito si Mora. Pero ang ikinakunot ng noo ko ay ang sinabi nyang pangalan at ang itinawag nya sa'kin.'

" Who the hell is that old man?" Tanong ko sakanya at nagkunwari akong nag-ti-tingin tingin sa paligid na ikinatawa ni Mora.

'Hindi ako 'yon kasi hindi ako MATANDA!'

" The one who's wearing a white gown." Sabi nya na ikina iling ko.

" Parasite and his Gang?" Tanong ko ulit sakanya na ikinaikot ng eyeballs nya.

" Yor son, Head Master. Jakxic and his Gang," sabi nya na ikinatawa ko ng malakas.

'Hmmm, I smell something.. .'

Tinanggal ko 'yung eye protection, white gloves and white gown at nakangiting sumakay ng elevator. Hinayaan kong mag-plano ang anak ko sa plano namin kung paanong pag kikitain sila Dust at Durst. Gusto kong malaman kung paabong mag-plano ang anak ko.

'May tiwala at bilib naman ako sakanya pero bilang ama gusto kong makita kung paano sya mag plano sa isang laban.'

Gusto ko ring makita 'yung skills ng tracker nya.

'HAHAHA! I'M SO EXCITED!!'

Dumiretyo ako sa office ko dahil alam kong do'n dederetyo ang anak ko.

Nang makarating ako sa office ay nangunot 'yung noo ko ng hindi ko makita si Durst. Lumapit sa'kin si Jakxic at 'yung kaibigan nyang si Frances at nagmano pero iniiwas ko'yung kamay ko.

'Hindi ako MATANDA!!'

Tumawa naman 'yung anak ko at umupo na. Dumiretyo ako sa table ko at humalukipkip. Bumalik naman na sila sa sofa na inuupuan nila kanina. Tumingin sa'kin si Jakxic habang 'yung kaibigan nya ay busy sa kakatipa sa laptop na nakapatong sa hita nito.

" May plano na'ko dad," sabi sakin ng anak ko na ikinangisi ko.

'Let's see.. .'

---

( Durst Point Of View )

" HAHAHAHA MALALA!! TATAWA BA'KO O MATATAKOT? TAN-- AHEHH AHEHH!" Malakas na sabi ni Frances.

" Walang nakakatawa. Itinali ko kaya para makinig sa saloobin ko," sabi ko sakanya at binato ko sakanya 'yung kutyilyo.

" NANAY TATAYYY HUWA----" Malakas na sigaw nya.

" FRANCES!" Sigaw ko at bigla kong ibinangon 'yung ulo ko.

'Aiish!! Nandilim bigla 'yung paningin ko. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo sa biglaan kong pagbangon..'

Hingal na hingal ako at pawisan. Inilibot ko 'yung paningin ko sa buong paligid at nasa kwarto ko naman ako.

'Bakit may inihagis akong kutyilyo kay Frances? Bakit mukhang seryoso ako sa panaginip ko? Anong nangyari? Parang totoo 'yung panaginip ko kanina. Nananaginip lang naman ako diba? Oo diba? B-bakit b-bakit? Aaiishhhh!!'

'Til The Perfect DayWhere stories live. Discover now