CHAPTER ONE

''Sigurado ka ba sa gagawin mo?'' tanong ni Drake kay Kean na ngayon ay abala sa pag hahanda.''Tuso si SED alam mo yun. Walang pakundangan yun kung maglaro.''

''kaya ko to. ako pa'' Kalmadong tugon ni Kean. Hindi sya kinakabahan sa mangyayaring karera. Alam nyang mananalo sya dito gaano man ka tuso si SED. Tatlong taon na rin syang nag kakarera sa underground pero ni minsan ay hindi pa sya natatalo. Nung nakaraang buwan lang ay natalo nya si Uno ng Crimson Dragon at Neiji ng Hisamitsu. Pumasok na sya sa sasakyan at at ini -start ang ignition; kinabit rin nya ang seatbelt at tumingin sa suot na relo. 1a.m .

''Hey sis! wear this'' nakangiting sabi ni Ken, daladala ang isang helmet. Napangiti si Kean nang makita ang kakambal.

''Buti nakarating ka? paano mo natakasan si Lolo?'' tanong nya dito. Hindi nya pinansin ang dala nito dahil alam nyang nagbibiro lang ito. Kapag kasali ka o sasabak sa drag race, bawal ang helmet. Tanging seatbelt at hand gloves lang ang protector mo.

''Same strats'' nakangiting tugon nito.''Goodluck. Alam kong kaya mo. Sisiw lang yan'' Tumango lang sya at itinaas ang salamin ng kotse. Ilang sandali pay may babae nang pumunta sa harapan at may dalang flaglets.

''3...2...1...GO!!'' sigaw nang babae sabay baba ng hawak na green flaglets. Umarangkada kaagad ang limang magagarang sasakyan sa kahabaan ng Uranian Lane.

Mabilis ang patakbo ni Kean habang kasunod naman sa kanya ang sasakyan ni SED. Matulin rin itong magpatakbo kaya nauna ito sa kanya nang ilang dipa.

''Kaasar to ah'' sambit ni Kean nang ayaw syang padaanin ng mga ibang sasakyan.''Tsk. nagkampihan pa'' Napansin nyang nasa Hinthra Section na sila kung saan ang daan ay zigzag at pababa. Nakita nya si SED na nasa kalagitnaan ng H.S at sya ay nasa tuktok pa. Na pa ngiti sya sa naisip. Inapakan nya ng mariin ang accelerator at bumwelo. Pinalipad nya ang sasakyan patungong finish line na nasa dulo ng H.S Lane.

Nakita ni SED ang ginawa ni Kean kaya napangiti sya. Sinabayan nya ito at sabay silang nakarating sa finish line.

Nag hiyawan ang mga nakakita.Napanganga ang mga taong nanunuod sa nangyari. Bakit nga ba hindi? Nakapatong lang naman ang kotse ni Kean sa kotse ni SED?

Namangha ang lahat. Si Ken at Drake ay hindi naka kilos sa nasaksihan. Nakakita sila ng lumilipad na sasakyan at bumagsak sa isa pang sasakyan. Sa totoo lang, hindi sa lumilipad na sasakyan sila namangha kundi sa pagbukas nang pintuan sa yuping kotseng nasa ilalim.

''Buhay pa pala ang gago'' bulong ni Kean sa sarili.

[FLASHBACK 3 months ago]...

''Alam mo bang natalo si Uno ni Drei?'' simula ng isang lalaking prenteng naka upo sa silya habang humihithit ng sigarilyo.

''oo'' simpleng sagot ng kausap sabay sulyap sa tatoo ng kaharap.

''Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Drei na yan. Lahat nalang natatalo nya.Nakakainis na''

''Kung gusto mo,dadalhin ko sayo'' tumayo sya at nilapitan ang bote ng alak na nasa mesa at nagsalin sa baso bago ininom ng paunti-unti. Tumayo din ang lalaking may tatoo at nag punta sa may malaking bintana.

''Gawin mo'' anito sa naiinis na tono. '' sa lalong madling panahon'' pinagdiinan nya ang 'madaling panahon'

''masusunod'' inilapag nya ang hawak na baso at lumabas sa silid na iyon.

[PRESENT]...

Agad na lumabas ng sasakyan si Kean at tumalon sa tabi ni SED.

''Akala mo siguro mamamatay na ako no?'' ani SED na tila wala man lang nararamdamang kirot sa katawan.

''[...]'' hindi sumagot si Kean at inayos lang ang suot na sumbrero.

''Alam mo, ang masamang damo mahirap mamatay kaya hindi pa tayo tapos''

''Nasaktan ka na nga, ang yabang mo pa rin'' ani Ken na nakalapit na pala. Dun lang napansin ni Kean na may sugat pala ito sa sa kaliwang braso.''tapos na kayo dahil talo kana'' hinila ni Ken ang kapatid at pinuntahan si Drake na hanggang ngayon ay di pa rin makapaniwala sa nangyari.

''Ayos kalang bro?'' ani Ken nang makalapit. Kumurap ito ng dalawang beses bago nag sink in ang sinabi nya.

''yeah. Ikaw ayos ka lang?'' baling nito kay Kean na ngayon ay hinahaplos ang kanang binti.

''medyo'' sagot nito na nakangiwi.

''hindi ka ok'' ani Drake at binuhat sya papasok ng sasakyan.

''HEY!'' nagulat sya sa ginawa nito pero naipasok na sya sa loob.Lihim namang napangiti si Ken sa nakita.

''san tayo pupunta?'' tanong ni Kean ng mapansin nyang hindi pauwi ang ruta nila.

''Isn't it obvious? sa ospital syempre'' sabat ni Ken habang nag lalaro ng PSP sa backseat.

''OSPITAL?! naman e, alam mo namang ayoko sa ospital! umuwi na tayo!'' kaagad nyang react. Kinakalampag nya ang pinto sa tagiliran.

''easy sis, baka matanggal yan sege ka''pananakot ni Ken

''TALAGANG MATATANGGAL TO PAG DI TAYO UMUWI!'' sigaw nya.

'At papaano mo ipapaliwanag yan?'' tukoy nito sa binti nya.

''Bahala na basta umuwi na tayo! inaantok na ako''

tsk. iniantok daw? kakalaro lang a.

''Drake, sa bahay'' utos nya sa kaibigan.

''Yes boss''

.........................................

Puzzle Of My HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!