"Mr. Hanford! What a lovely surprise. Upo kayo. Upo." Magiliw kami nitong giniya sa sentro ng silid.

Kakaupo ko pa lamang nang bigla akong mapatayo sa gulat nang magsalita si Evankhell.

"I want a gown for her."

"Excuse me?" I snapped.

"Wala akong planong i-date ang isang babaeng mukhang basahan sa ball bukas." He picked up a fashion magazine from the center table and said, "Ikaw na ang bahala sa kan'ya, Lorenzo." He started leafing the magazine's pages.

"Of course, Mr. Hanford. And by the way, it's Lorenza with a big A." Maarte nitong pagtatama bago ako binalingan. "Sister, halika na at nang mahanap na natin ang perfect fit for you."

"Teka nga muna." Alma ko. Bigla yatang nag-evaporate ang pagod sa sistema ko dahil sa mga nangyayari.

"When did you even asked me to be your date? Dahil sigurado ako na hindi ako papayag kung inaya mo ako!"

Tumaas yata ang blood pressure ko nang hindi man lang ako nito binigyan ng pansin.

"Sis, kalma." Napalingon ako sa baklang umangkla sa braso ko at nagsimulang humila sa'kin sa gawi ng mga hilera ng damit. His voice dropped to a confidential whisper as he said, "Alam mo sis, hindi na bago na may dinadalang babae si Mr. Hanford dito. You know na, iba ibang social gatherings demands iba ibang dates. You won't believe kung sino na ang-"

"Okay, I get it." Hindi ko maipaliwanag ang iritasyon na bigla kong naramdaman. "Let's just get this over with."

"Owkay. Hmm." Pinasadahan ako nito ng tingin. "Maputi... that curve..." He nodded in approval, snapped his fingers and smiled broadly. "I think I have it."

Pinanood ko siyang isa-isang hinalungkat ang mga gown sa rack.

I sighed and let my mind wander. Why would he even want me to be his date? Just a few weeks ago we were seen biting each other's neck and just imagine the reaction of the students if we were seen together tomorrow night. I have a feeling that I won't enjoy this ball at all. This is terrible.

"Found it!" The guy's excited voice broke the train of my thoughts.
Bahagyang umawang ang bibig ko nang mapagtuonan ng pansin ang gown na hawak nito. I'm not a stranger to revealing gowns, I've even tried wearing garments that barely cover my body. I was a sexy dancer, after all.

Pinaglakbay ko ang mga mata ko sa kahabaan ng damit. It's a sexy hot red, gown, but it has class and I realized that I silently approved of this choice. Mukhang babagay nga ito sa'kin.

"MR. HANFORD, she's ready."

Maingat akong humakbang palabas ng fitting room. I met Evankhell's eyes with defiance, knowing full well how I look. The gown hugged my body, accentuating my curves, the front was modestly covered with silver sequins, and a slit ran on the left side, revealing one long leg every time I take a step.

Evankhell opened his mouth as if to say something but nothing came out. He closed them again as he openly stared at me.

Muntik na akong mapaigtad nang bumulong ang bakla sa'kin. "I've seen him brought an array of girls here but sis, this is the first time I've seen the great Evankhell Hanford gawking. Wagi ang ganda mo sis!"

Napatungo ako nang maramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Saka lang ako nagtaas ng tingin nang marinig ko ang mahinang pag-ubo ni Evankhell.

He cleared his throat and wet his lower lip. It was almost a nervous act but it was enough to send bolts of electricity charging even the tip of my hair and the soles of my feet. Alam kong wala sa agenda nitong mang-akit pero bakit ganoon na nga ang itsura nito?

"We'll take that."

Nagsimula akong magprotesta pero sinapawan niya ang sinasabi ko. "I'm paying so just shut up."

Ibinaba niya sa mesa ang hawak na magazine bago tumayo. Pansin kong hindi niya na ako tinapunan ng tingin. He seemed so busy glaring at the floor.

"Take a tricycle back to the suite."

"What?" tigagal kong bulalas.

"Masikip sa kotse. Ayoko ng may kasama." And he left without a backward glance. Unbelievable.

"Sis," tatawa-tawang sabi ni Lorenzo, "pansin kong may tumayo."

"Uh yea. Kakatayo lang ni Mr. Hanford diba?"

He laughed again. "Bukod sa kan'ya ay may isa pang tumayo gurl."

Blangko ko siyang tinignan. Wala talaga akong ideya kung ano ang ibig niyang sabihin.

"I'm gonna go change. Excuse me."

I took one last look at myself in the mirror. If I were a man I'd say I look good enough to eat. Biglang nag-init ang mga pisngi ko nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Lorenzo. So 'yun' ang isa pang tumayo.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now