A/N : May update ulit guys. Medyo mahaba baka matagalan ulit. Medyo busy na ako sa study ko :)) Keep supporting lang sa M2B guys. Thank you!

Iyong nasa multimedia ay sa amin iyan, sa Calayan island :)) Gusto ko lang mag imagine kayo sa pupuntahan nina Mika. Let's just assume na ito iyon! Thanky :))

Follow me @ ahsirk07...


Part 28

MIKA'S POV

Matapos ko magbihis ng maayos ayos ay nagtuloy na kami sa pupuntahan namin ni Brix kaso nakisuyo ako na dumaan muna kami sa Mall para bumili ng ireregalo.

Agad ko nakita iyong Escalator kaya naman napatigil ako sa paglalakad.

" Bakit? " Nabangga ko si Brix na nakasunod lang sa akin papasok ng mall. Napahawak siya sa balikat ko para umalalay.

" Asan dito iyong stair? Doon na lang tayo Dadaan papunta sa taas. " Kumunot ang Noo niya. " Exercise, para pumayat pa ako konti. " Ngumiti pa ako para itago sa kanya ang takot ko sa escalator.

Noong unang Sakay ko kasi, sa kaba ko sa kakaisip gagawin ko ay pakiramdam ko ay muntik na ako maipit kaya natatakot na ako ulitin pa. Madalas iniiwasan ko dumaan sa escalator at dumadaan ako ng hagdanan.

" Ha? Okay naman na katawan mo. Besides, It doesn't concern me what I SEE but what I FEEL. " Gumanti siya ng ngiti sa akin.

Ayon oh!

Hinawakan niya kamay ko. Pero gulat siyang humarap sa akin. " You're trembling. " Hindi siya makapaniwalang tumingin sa mga mata ko. Sinabi ko sa kanya ang totoo na takot sa Escalator. Nagulat ako nang guluhin niya ang buhok ko. " Sige. Sa elevator tayo. " Nakangiti niyang yaya. At saka ngumiti.

Pagkarating namin sa tapat ng elevator.

- Out of service! Be guided! Sorry for the inconvenience. -

d-__-b

Inaayos daw pareho ang mga ito.

" Ano ba namang kwenta ng mall niyo. Sana pala hindi na lang kayo naglagay kung ganitong bulok lang! " Pinagsisinghalan ni Brix ang guwardya na sumalubong sa amin. " Alam niyo bang may mga natatakot sa Escalator? Eh Bakit pa kayo naglalagay ng bulok na elevator! " Hinatak ko siya palayo. " Heart, Teka lang hindi pa ako tapos! " Pigil niya. " Kailangang pagsabihan sila para magtanda! Paano na lang kung nagmamadali iyong tao! "

TSUP!

Hinalikan ko siya bigla nang manahimik na. Maya maya ay bigla na lang siya nangingiti ng nakakaluko!

" Ikaw heart ah..Sinusunggaban mo ako, kunwari ayaw mo kanina. " Pang uudyok niya pa. " Pero nakakabitin pala ang halik mo. Haha "

" Kanino mo ba sinasabi iyan? " Inis kong singhal sa kanya. " Kung ipagkalandakan mo, parang walang tao. Tsk! "

" Bakit ba? Kung HALIKan mo nga ako dito parang walang tao naman. I'm just returning the favor heart. " Pang asar pa niya at iyon ang nagpapangiwi sa akin.

" Oo na lang. "

-------

Kahit kasi papaano ay may natitira pa sa ipon ko. Lalo pang dumami nang dahil sa ibinenta namin ni Rie ang binigay ni Luke. Justified naman kami eh! Akala kasi namin noon ay isa siya sa mga nanlalait sa akin at pinagtripan ako! Praktikal lang akong tao. Imbes itapon, ibenta na lang. Kikita pa ako! Haha

" Oy, heart Anong nangyayari sa iyo. Tumatawa ka mag isa diyan. " Sita ni Brix sa akin na sumama sa akin sa pag iikot ng mall.

Ang mamahal naman mabibili dito! Dapat ba sa divisoria na lang ako? O sa Ukay kaya?

MEANT 2 BE ( LoiShua❤️ )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!