Reverse 3: Falling Petals

7.5K 344 129
                                    

REVERSE 3

FALLING PETALS

RAINA'S POV

Comets are beautiful. They come like a giant bright light, leaving a trail of magnificent beauty. They are up above, towering over us and yet as quick as they appear in our lives...they disappear. Dahil kahit gaano pa sila kaganda ay hindi sila nagtatagal.

They said that what makes a comet beautiful is also the same thing that eventually ends it. What held it together is also what makes it disintegrate into nothing.

I know a comet just like that. He was a beautiful person. I saw so much kindness in his eyes and I saw so much beauty in his heart. But he was gone too quickly. He loved too much. Loved despite and in spite...and in the end, that's what pushed him into his demise.

It was so unfair. He didn't deserve it. Not one bit.

His life could have been more. He could have given this world so much more. But his life was like falling petals. Bawat pagbagsak ng mga iyon sa lupa ay bawat panahon na nababawas sa kamay ng oras na para sa kaniya.

And all I could do was watch. Watch as his petals get blown by the wind until it withered into dust.

NAPAPITLAG ako nang maramdaman ko na may pumalo sa braso ko. Naiinis na hinila ko ang nakapasak sa tenga ko na earphone at masama ang tingin na nilingon ko ang umistorbo sa akin. Iyon nga lang mas matindi ang matalim na tingin na ibinalik sa akin ng taong ngayon ay nasa tabi ko na.

"Rachele Diana Eleazar!"

Napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. "Ma naman eh! Ang lapit mo na sa akin nakasigaw ka pa."

"Baka kako bingi ka na dahil kanina pa kita tinatawag."

"Iba po ang bingi sa ayaw lang makinig- aray!"

Nakasimangot na hinimas ko ang braso ko na pinalo niya na naman. Sasagot pa kasi alam namang mahahataw lang. Si Mama pa naman iyong klase na kapag masaya nakahataw, kapag kinikilig sa pinapanood namamalo rin, at kapag galit...alam niyo na. Namamalo pa rin. Kung may taong expressive ang mga mata ang nanay ko expressive ang kamay.

"Magbantay ka sa shop. Aalis ako at walang tatao ro'n."

"Bakit, Ma, saan ka pupunta?"

"Sasamahalan ko iyong kaibigan ko. May sakit iyong kaibigan niya. Naawa naman ako at walang kasama eh humingi lang ng pabor."

"Sus. Nagdahilan ka pa, Mama. For sure ikaw ang nag-volunteer kasi gusto mong mag-avail ng bulaklak iyong kaibigan mo para may maidala sa kaibigan niya. Maganda pa ro'n kapag..." Pinadaan ko ang hinlalaki ko sa leeg ko na parang ginigilitan ko ang sariling leeg. "Kapag nadedz iyon siyempre gusto mo na sa atin kumuha ng bulaklak."

Tumayo ako nang makita kong humakbang siya palapit sa akin habang nakataas ang kamay. Bago pa niya ako tuluyang mahataw na naman ay tumakbo na ako pababa ng bahay. Nasa baba lang kasi ang flower shop namin.

Bata pa lang ako ay aware na ako sa negosyo ng pamilya namin. Bulaklak kasi talaga ang source of income namin. Kahit ang namayapa ko na ama ay bulaklak din ang pinagkakaabalahan noon. May maliit kasi kaming flower farm.

Sari-saring mga bulaklak ang meron kami. May panahon na dinadayo talaga kami lalo na kapag valentines, mother's day, Christmas, at kung anu-ano pa na okasyon. Pero sa araw-araw? Mga patay talaga ang puhunan namin. Araw-araw naman kasi may namamatay talaga.

BHO CAMP ReverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon