Chapter 17

"Inatake ang Papa mo Mia, punta kami ng kapatid mo sa papa mo, kinausap ko na sila Minerva at mukhang sasama din sila " hindi ako tinitingnan ni mama dahil abala sya na pag iimpake ng mga gamit

"Sa abroad yun ah? May pambayad ba kayo ng ticket? "

"Nangutang na ako kala Minerva, mamaya na ang flight namin, dito kana lang at may pasok kapa" halata sa boses ni mama ang sobrang pag aalala,

"Bat hindi mo nalang iwan din si tin tin diba may pasok din sya?"

"Maliit palang si tintin umalis na ang papa mo, so dapat lang na isama ko sya para makita sya ng papa mo"

"Terresa handa kana ba? " pasok si mama minerva sa kwarto

"Ah oo kakatapos lang, aalis na ba?"

"Yup everything is ready, lets go na para hindi tayo mahuli sa flight!"

Nilingon ako ni mama at niyakap "Pag pray mo ang papa mo ha? Tawagan kita pag nandun na kami, sabado bukas kaya wala ang mga katulong, ikaw na bahala sa mga food ng mga mag kakapatid ha? And behave" saka nya ako kiniss sa noo

"Okay ma"

"Pasensya na Mia ha? Hindi ko sana sila pinauwi kanina kung alam ko lang, kayo kayo lang dito, i would be more at ease kung nandito si Terrence para atleast may adult kayong kasama pero may business trip nanaman sya eh, kaya ikaw muna ang incharge sa mga boys ko" lumapit din si mama minerva at niyakap ako. Pagkatapos ay tinulungan na si mama sa mga gamit at dali dali naring umalis.

Sana okay kalang papa..

Bumama na ako para pumunta ng kusina at mag luto ng dinner.

"Anong lulutuin mo?" Bungad sakin ni Elliot na naka upo lang sa bar stool sa harap ng kitchen table.

"Uhm di ko pa alam eh, ano ba gusto mo?" Binuksan ko yung ref para tingnan kung ano ang pwedeng lutuin

"Anything" Walang ganang sabi nya habang ginamit ang kanang kamay para e-rest ang ulo sa table

Napabuntong hininga ako, ang awkward kasama ni Elliot nasan naba si Lance? T_T

"Chicken alfredo kaya? My thick pasta naman dito" pag aalok ko habang nag taas baba lang ang balikat ni Elliot bilang pag sagot.

"Oh! My favorite!" Pasok ni Liam sa kitchen at umupo sa tabi ni Elliot habang nag tetxt

"Chicken Alfredo it is then" kumuha na ako ng mga ingredients and start cutting them

"Tirhan nyo ko ah! Kainin ko bukas" biglang tayo nya at nag mamadaling umalis

"Wait di kana kakain dito?" Habol ko,

"Nope, bukas na ako uuwi see ya!" And he left.

"Favorite daw aalis din naman " tiningnan ko si Elliot na nakapikit ang mata, "kakainin nila kaya to? " bulong ko

"Ill eat it" sagot nito ng hindi bininuksan ang mga mata nya.

Oh my god ang lakas naman ng pandinig nito! Makapag luto na nga at mukang gutom talaga sya kanina pa dito nakatambay nag aantay ata ng pag kain

Abala ako sa pag luluto ng mag salita ulit si Elliot

"Can you make leche flan too?"

"Err okay, pero medyo matatagalan, ilan ba?"

He shrugged " dunno,i think i just need one"

Pag ako pumayat humanda kayo!(on going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!