Chapter 20: Love Advisers.

Magsimula sa umpisa

"Salamat Megan ha?" Sagot ko naman.

"Wala yuuun." Sambit niya, tapos tumayo na siya. Kaya tumayo na rin ako. "Ihatid mo na ako samin, gusto ko ng umuwi, umuwi ka narin, para makapag-pahinga ka, okay?" Sambit niya.

Tumango na lang ako at inihatid na siya.

Nung makarating na kami sa kanila. Bigla kong napansin na parang may mali.. Hindi sa inaasal niya, kundi sa mukha niya. "May problema ba?" Tanong ko.

She faked a smile. "Wala naman. Sige. Ingat ka. Ba-bye. I love you." Hindi pa ako nakakasagot pero tumakbo na siya. Anong meron? Ba't parang may nagbago?

Umuwi na ako sa amin, sa labas pa lang sobrang ingay na, bawat hiyawan ng tao naririnig ko.

Pero sa lahat ng narinig ko, isang hiyaw lang ang nakapagpa-tigil sakin sa paglalakad.

"I love youuu KATH." 

Sigaw ni JC. Naghihintay ako ng sagot. Kahit gaano pa katagal, hihintayin ko pa rin. 

"I love you too, JC." Halos mapaupo ako ng marinig ko yun. Sa mga oras na 'to, sobrang nasasaktan ako. At hindi ko alam kung bakit. 

Nagulat na lang ako ng may tumapik sa balikat ko. Si Julia. "Oh ano?" Sambit niya. Himala, kinausap niya ako? 

Tumayo ako at inayos ang buhok ko, wala akong pakialam kung sabihin niyang bastos akong kausap. Eh sa wala ako sa mood eh. Aykong makipag-usap. "Tatalikuran mo na lang ba ako?" Sabi niya ulit. Pero pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko. "Kasalanan mo naman 'to eh, kasalanan mo lahat ng 'to." Namilog ang kamao ko sa narinig ko. Pero hinding hindi ko sasaktan si Julia. 

"Ang sakit noh?" She paused. "....Kapag may kahati ka. At kahit na pagbali-baligtarin pa natin ang mundo, sinaktan mo si Kath, kaya nasaktan siya. At ngayon. Ngayong nagbalik ka na, iba na ang mahal niya." Habang sinasabi yun ni Julia, gustong gusto kong ihampas ang sarili ko sa pader. Ewan ko, nanggigigil ako.

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!