Isang linggo. Isang linggo na simula nung nalaman kong mahal ako ni KC. Ni-isa sa mga ka-tropa ko, walang pumapansin sakin. Oo alam ko, alam kong galit sila sakin.

"Monster, I'm sorry." Bulong ni Megan mula sa kanang tenga ko.

Tinignan ko lang siya, tapos niyakap. Yung yakap na sobrang higpit. "Wag kang mag-sorry, wala kang kasalanan." Sagot ko.

Nagulat na lang ako dahil naririnig ko na ang hagulgol niya. "I'm sorry. Sorry talaga."

"Shhhh.." Sambit ko habang hinahagod yung likod niya. Nagtataka nga ako eh, kung bakit siya nagsosorry? Eh wala naman siyang nagawa o ginawa. 

"Basta.. Sor-ry." Utal utal na sabi niya.

Hindi na ako sumagot. Hinatak ko siya palabas ng campus. At nilibang ko siya. Nagpunta kami ng Mall at binilhan ko siya ng Ice cream.

Naaalala ko si KC sa mga ganitong pagkakataon.. Yung kapag nalulungkot siya, ililibre ko siya ng Ice cream. Pagkatapos nun, ngingiti na yun. Tapos magsisimula na ulit makipag-harutan. Hindi ko alam, pero bakit ganito? Bakit ang lungkot lungkot ko kapag wala siya?

"Naiintindihan mo ba yung kwento ko?" Biglang sabi ni Megan. Teka, nagku-kwento pala siya. Parang wala naman akong naririnig.

 

"Ha? O-oo naman." Sagot ko.

Nginitian niya ako, sabay haplos sa ulo ko. "Sus, monster.. Sinong niloko mo? Alam ko naman na hindi ka nakikinig sakin noh? Halata kaya." 

 

 

 

 

"Nakikinig ako.."

"Ah. Pero hindi ako yung nasa isip mo, tama diba?" BOOM.

At muli, natulala ako sa sinabi niya. Nagulat na lang ako ng bigla niya ako hawakan sa mga kamay ko. "DJ, andito lang ako. Alam ko naguguluhan ka ngayon, per hindi yun dahilan para iwanan kita." Napangiti ako sa sinabi niya. 

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!