Chapter-4

1K 437 32
                                    

Hindi rin naging matagal ang paghahanda ni Pilak ng pagkain at ilang sandali lang ay sabay sabay na kaming kumakain.

Tahimik lang ako habang kumakain dahil ino-obserbahan ko ang mga kilos ng mga kasabay ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang lihim na mapangiti dahil sa kakulitan ng mga kaibigan ni Pilak. Hindi naman kasi n'ya niyaya ang mga kaibigan n'yang kumain pero nang naamoy nila ang mabangong luto ni Pilak ay nag unahan na silang pumunta rito at halos mag unahan na rin sa pag sandok.

"Taga saan ka nga pala and what's your name?"

Napatingin ako sa lalaking may pulang buhok at ngumiti.

"Maria Konstantina ang aking pangalan pero Mariko na lang at galing pa ako sa probinsya namin sa Alta Gracia."

Panandaliang nagkasalubong ang kaniyang mga kilay bago ngumiti. "My name's Zypher yang may blue na buhok naman ay si Azul at sya..." tinuro n'ya si Pilak na tahimik lang na kumakain at hindi man lang kami tinapunan ng tingin. "...si Reckless."

Tumingin ako kay Pilak at ngumiti nang mag angat siya ng tingin sa akin pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya. Napaka seryoso n'yang tignan.

"Natutuwa akong makilala kayo," nakangiti kong sabi sa kanilang lahat.

"Wow, you really speak straight tagalog. Is that how people from the province typically speak?" tila namamanghang tanong ni Zypher kaya bahagya akong natawa.

"Bukid naman kasi iyong lugar namin kaya walang nagsasalita ng englis at lahat ng naroon ay tagalog ang wika lalo pa't iilan lang din ang mga nakapag aral," malumanay kong sagot.

Sa mga sandaling oras na kasama ko sila ay unti unti ko ng nakikita ang mga pagkakaiba nila. Si Zypher ang nakikita kong pinakamasigla at masayahin sa kanilang tatlo base sa kan'ya ng mga kilos at pananalita, s'ya rin ang palatawa. Si Azul naman ang masasabi kong neutral lang, ngumingiti, tumatawa, at sumasabay sa mga biro ni Zypher pero hindi siya ganoo'n ka likot. At si Pilak naman 'yong masasabi kong pinaka seryoso sa kanila. Kanina ko pa napapansin ang kaseryosohan niya. Simula rin kanina hanggang ngayon ay hindi ko man lang siya nakitang ngumiti o tumawa. Palagi ring walang emosyong mababakas sa kaniyang mukha at para bang palaging may maitim na aura ang nakapalibot sa kanya, 'yong parang kaunting pagkakamali lang ay bubugahan ka na n'ya ng apoy. Iyong pakiramdam na kapag tumitig na sa'yo ang kulay pilak n'yang mga mata ay manghihina na lang 'yong buo mong katawan na para bang hinihigop nito ang lahat ng lakas mo. S'ya 'yong tipo ng tao na parang hindi mo pwedeng biruin kaya nga hanggang ngayon hindi ay medyo hirap akong paniwalaan na magkakaibigan sila.

"Bakit ka nga pala nagpunta dito eh masyadong malayo yung probinsya nyo?"muling tanong ni Zypher. Tumingin din sa'kin si Azul na para bang interesado rin s'ya sa magiging sagot ko.

"Nagtatrabaho kasi rito ang nanay ko at ipinasok n'ya rin ako sa pinagtatrabauhan n'ya"

"You will not go to school? I thought you're going to study? ito ang unang beses na si Azul ang nagtanong kaya napangiti ako.

Totoo naman kasing pag aaral talaga ang ipinunta ko rito pero paano naman ako mag aaral kung wala akong pera 'di ba? Kaya ipinasok ako ni nanay sa pinagtatrabahuan niya at doon ay mag iipon akong pangpaaral sa sarili ko. Hindi naman kasi pwedeng iasa ko sa mga magulang ko ang pagpapaaral sa akin lalo pa't hirap din kami sa buhay at may mga kapatid pa akong nag aaral sa elementarya. Kaya kung makakaipon ako, hindi na nila kailangan pang problemahin ang aking pag aaral at maari pa akong makapag-abot ng maliit na tulong sa kanila.

"Hindi muna sa taong ito dahil kailangan ko pang pag ipunan ang pangpaaral ko kaya magtatrabaho muna ako. At siguro pag lipas ng isa o dalawang taon, kung may sapat na akong pera saka ako papasok sa paaralan."

Rebellious Boys #1: She's the Gangster's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon