Chapter 50

2.5K 44 2
                                    

CHAPTER 50

Damon's POV:

"Nice to see you here, Damon!" Ngisi ni Reige.

Sinamaan ko siya ng tingin. First day of school pero wala akong pakialam. Binugbog namin kahapon ang isa niyang member dahil sa nalaman kong sinusundan niya kami.

"Shut up and start!" Sabi ko.

Signal 'yon para sumugod na sina Hunter. Si Reige naman ay sumugod sakin. Sinuntok ko siya sa mukha pero nakaiwas siya. Nagpapalitan kami ng suntok at sipa pero pareho kaming nakakaiwas. I would never get tired of having a fight with Reige. This is fun! Ako ang palaging gumagawa ng paraan para mag-away kami. Simula kasi nung pangyayaring 'yun, karibal na ang turing ko sa kanya.

"Walang mananalo kung puro tayo iwas." Sabi ni Reige.

"Bakit? Gusto mo magpasuntok ako sayo? Hindi ako tanga!" Sigaw ko.

"Ikaw naman ang nag-uumpisa ng gulo."

"Ang daldal mo!" Sinuntok ko ulit siya sa mukha.

I hit him on the face. Gumanti siya kaagad kaya natamaan rin ako sa mukha. Nagpatuloy ang laban hanggang sa makarinig kami ng pito. Nagsitakbuhan na kami. Nakakainis ang epal na guard na 'yun! Hindi pa nag-iinit ang laban namin pero umepal na siya.

Bumalik na kami sa university. Humiwalay na ako sa mga kasama ko. Badtrip na badtrip ako lalo na nung makita kong may nangahas na umupo sa pwesto ko. Pagkaupo ko, sinipa ko ang upuan niya. Dalawa silang babae na nagku-kwentuhan pero hindi sila exempted sa pagka-badtrip ko. Nilingon ako nung babae.

"Ano ba? Ba't ka naninipa ng upuan? Inaano ka ba?" Sigaw niya sakin.

Hindi ko siya pinansin. Ang ingay! Nainis ako sa ingay niya. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa pader saka pumikit. Umalis ka diyan dahil pwesto ko 'to!

Narinig ko si Jane na sinabi kung sino ako at walang dapat na uupo sa tabi ko dahil pwesto ko ito. Nagtaka pa yata sila na frat leader ako. Tss! Sino ba sila at hindi ako kilala?

"Hindi halata. Sinisira niya ang maganda kong pagtingin sa mga frat." Bumulong pa siya kung rinig ko naman.

Nagmulat ako ng mata saka ko siya nilingon. Maganda siya. Pero maingay at nakakainis. Pumikit na lang ulit ako. Buong oras ng klase ako tulog. Sanay na naman ang prof ko dahil matataas pa rin ang grades ko. Dumilat na lang ako nung alam kong 5 minutes na lang before dismissal. Tumayo na ako at sinukbit ang bag sa balikat ko. Hindi ko nilingon yung maingay na babae. Sino siya para tignan ko?

Nasa labas na ng building ang mga kasama ko sa Alpha Gamma Phi. Tinapik ako ng nakangising si Hunter.

"Sino siya, Dame?" Tanong niya.

"Sino?" Kunot-noong tanong ko kahit na alam ko ang sinasabi niya.

"'Yung babaeng umupo sa pwesto mo? First time, brad! Baka transferee?"

"I don't care!"

Nauna na akong maglakad sa kanila. Wala akong panahon sa babaeng maingay. Buti sana kung maganda siya-- okay! Nasabi kong maganda siya kanina pero wala siyang laman. Hindi siya sexy para sakin at unang tingin pa lang, boring na. Nagpunta kami sa cafeteria at siya agad ang sumalubong sakin. May sinasabi siya sa kasama niya pero nung magtama ang mga mata namin, agad bumusangot ang mukha niya.

Napangisi ako nung mag-iwas siya ng tingin sakin. Ang sarap niyang inisin. Kailangan niyang magbayad dahil umupo siya sa pwesto ko.

Sinundan ako ng mga kasama ko papunta sa pwesto nila. Huling part na ng sinasabi niya ang narinig ko.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon