Akira's POV

"Akira!" Tumango lang ako kay Candy sabay talon at palo sa bola.

Sa lakas ng palo ko walang makatira at puro iwas lang sila.

PRRRRRRTTTT...

"Winner, Blue team!" sabe nung lalake.

"YES!" nag-apiran ang mga ka-team mates namin. Syempre, kami nanalo.

Naglakad na kaming tatlo papunta sa upuan.

"Wooh! Grabe, kapagod." sabe ni Candy sabay inom.

Nagpunas lang ako ng pawis. Kapagod talaga.

"L, oh." napatingin naman ako kanila Sully. Kasama niya si Rain. Psh.

Well... I'm still happy for, Sully. Sana lang talaga di na siya lokohin ng sira ulong cassanova na yun.

Kinuha ko yung inuminan ko... "Oh? Wala na?" inalog ko pa yung inumin para ma-check. Aish!

"AM, ito oh." napatingin naman ako sa boteng nasa harap ko.

Kinuha ko yun. Dahil na rin sa nauuhaw na ako.

"Nice game." napatingin ako sa harap ko. Si Jiro.

Di ko siya sinagot. Ininom ko nalang yung tubig.

"Galing talaga ni Akira! Kung hindi dahil sa kanya di kayo mananalo." rinig kong sabe ni Lucas.

Di ko nalang pinansin. Alam ko namang inaasar niya lang si Candy e.

"Ano?! Hoy! Di mo ba nakita na ako ang nagpasa ng bola kay Akira? Tsk." inis na sabe ni Candy. Kitams?

"Pinasa mo nga, ikaw ba tumira? Hindi di ba? Psh." ayan nanaman po silang dalawa.

"Che! Lumayas ka nga dito! Sinisira mo araw ko!" sabe ni Candy. Napailing nalang ako.

"L, kami naman ang panuorin niyo mamaya ha?" rinig kong sabe ni Rain.

"Okay." rinig ko namang sagot ni Sully.

Aysus, kahit pa di magsabe si Rain e talagang pupunta yang si Sully. Kagabi pa kami kinukulit niyan e.

"Manuod ka din, AM ha?" napatingin naman ako kay Jiro. I shrugged.

"Manuod ka na. Ipapanalo ko yung laro para sayo." sabe niya habang nakangiti. Ewan ko ba pero biglang uminit ang mukha ko. Aish!

I nodded. I'm sure naka-ngiti yan. Di kasi ako nakatingin. Nakayuko lang ako.

"Ikaw, wag ka na pumunta. Baka masira laro ko dahil sayo." napatingin naman kami kanila Lucas.

"Talaga? Hmm... geh! Pupunta ako para masira laro mo! Mwahahaha!" napatawa ako ng mahina kay Candy.

"Tsk. Baliw." yun nalang nasabe ni Lucas. Pero sure ako kaya niya sinabe yun kasi gusto niya din talaga pumunta si Candy.

Di niya lang talaga alam kung paano sasabihin sa kanya.

"Anong oras ba laro niyo?" tanong ko. Napatingin naman sila sakin.

"Mga hapon pa naman. " sagot ni Jiro. I nodded.

"Punta muna tayo sa mga booths after magbihis?" tanong ni Candy. Tumango nalang kami.

"Lets go, girls." sabe ko sabay tayo. Sumunod naman sakin yung dalawa.

Kinuha na namin yung mga gym bag namin.

"Kita nalang tayo sa stage." sabe ni Sully sa kanila. (boys)

"Okay. See you later, L." sabe naman ni Rain habang kumakaway.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!