Kabanata 31.0: Cheesy!

20.8K 480 59
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 31.0: CHEESY!
Writtenby: JoeyJMakathangIsip

Cheesy Demoiselle
"Ba't antagal ni Fear?" Napatanong ako sa sarili ko nang makita kong wala pa siya sa upuan n'ya. Malapit nang magsimula ang first bell para sa first subject pero hindi pa rin siya dumadating. Ngayon lang 'to nangyari. Early birds kaya kaming pareho!

Humalumbaba ako da desk ko at napanguso na lang sa malungkot na paraan. Saan na kaya si Fear? May quiz pa naman sa Statistics, wala akong makopyahan!

Galit kaya 'yun sa'kin? Hala!  Baka ganu'n nga! Sumugod pa naman mommy ko sa bahay nila kahapon. E pa'no ba naman kasi? Kinalbo n'ya ako kahapon sa laro nung babyloves n'ya e. Ang daming nalagas sa buhok ko lalo na sa may ibabaw ng noo ko! Nawala lahat! Kaya eto, may bangs ako ngayon! Artificial bangs!

Waaa! Fear? Nasaan ka na ba? Hindi ako mabubuhay kung wala ka! Baka may mang-api na naman sa'kin dito e! Walang magtatanggol sa'kin. Nagiging malakas lang ako 'pag nandyan ka sa tabi ko! Totoo 'yan!

Simula nung first year kami, si Fear na ang tagapagtanggol ko. Nung nagsimula akong mag-aral dito sa university, isa talaga akong apihin na babae dala na rin siguro ng kabobohan at katangahan ko. Pero nung dumating si Fear sa buhay ko, lahat nag-iba. Tinuruan n'ya akong lumaban at hindi basta-bastang magpa-api sa iba. Pati magnakaw ng santol, tinuruan n'ya rin ako. Hihihi.

'Yun nga lang, bumabalik ako sa pagiging weak ko 'pag wala si Fear. Hindi ko alam kung bakit, pero 'yun talaga ang nararamdaman ko 'pag wala siya e.

Kinuha ko ang mahigawang salamin ko sa bag ko para magsuklay ng bangs ko kaso nung makita ko kung ano ang nasa repleksyon ng salamin na hawak-hawak ko ay agad kong naihubad ang panty ko at dali-daling itong itinago sa bulsa ng bag ko.

Pero biro lang, hindi panty ang hinubad ko kundi ang itim kong brief. Hihihi! Pero biro lang ulit, baliw na ako kung maghuhubad ako ng salawal sa loob na maraming estudyante no? Tsk!

Ang totoong ginawa ko ay agad akong nagtakip ng libro sa mukha ko. Nakita ko kasing papasok na ng room si Niko Satto e.  Si Niko Satto! 'Yung miyembro ng Five Fingers na nanliligaw sa'kin?

Oo! Nililigawan n'ya ako! Simula pa 'yun nung maaksidente si Fear at lumiban siya ng ilang araw. Ako lang palagi mag-isa nun, loner type kasi ako e. Walang lumalapit sa'kin kahit sino maliban kay Fear, mukha raw kasi akong tomboy kung kumilos! Pati pananamit ko! E kasalan ko bang niloko ako ng ex ko at nagkamuhi ako sa mga lalake? Gusto ko lang naman maranasan kung pa'no maging lalake at malaman kung gaano kasarap sa kanila ang pakiramdam ng nakikita ang isang babaeng umiiyak! Pero epic fail e, nagmukha lang akong babaeng adik sa kanto na sumisinghot ng floorwax.

So ayun nga! Nung wala si Fear, parating ako lang ang mag-isa, parating malungkot at parating umiiyak lalo na 'pag naaalala ko 'yung ex ko. Tapos isang araw, habang umiiyak ako sa may bench, biglang lumapit ang isang Niko Satto sa'kin...

"Puntahan mo na si Cheesy, dali!"

"Ayoko nga e! Nakakaderder 'yang tomboy na 'yan e!"

"So ganu'n? Pa'no kung ipagkalatat n'ya na bading tayo?"

"Ahh! Kabanas naman Kei? Ba't ako pa!?"

"So ayaw mo? Hahayaan mo na lang na--"

"Oo na! Oo na! Tsk."

"Hi mahal ko?" Napalingon ako sa may gilid ko nang marinig ko ang boses na iyon. Agad kong nakita ang isang guwapong lalaking naka-university uniform, kulay bronze ang bohok, may masasayang mga mata at may matatamis na mga labing kumikintab 'pag natatamaan ng liwanag.

Panay din ang pagkamot n'ya sa ulo n'ya habang hinintay akong magsalita, nakangiti rin ito ng malapad na animo'y binabati ako ng isang magandang umaga.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon