“That’s why I’m sorry, I’m not asking for your forgiveness but at least accept my apology”

[why did you kissed whoever that guy was anyway?] napakagat ako sa labi ko nang maalala kong hinalikan ko si Zydn.

[babe?] nagulat ako sa pagtawag niya saakin [andyan ka pa?]

“Andie. why are you mad?”

[kasi girlfriend kita, mula sa hibla ng buhok mo hanggang sa paa mo akin.]

“is that so?”

[kasi mahal kita] he killed the call when I’m about to answer. Napansin ko lang na pagkatapos niyang sabihin ang L-word lagi niya akong binababaan.

“Coreen! Bakit hindi ka pa nagbibihis? Halika na! magswimming ka din” medyo nagkakulay na ang maputi niyang balat, medyo mamula-mula na siya dahil sa sikat ng araw

“nakita mo ba si Zydn?” tanong niya habang kinukuha ang pagkain sa lamesa, naka one-piece swimsuit siya na kulay itim.

“no” pagsisinungaling ko. kumuha nalang din ako ng kinakain niya.

“dapat maligo ka na din! Ang saya-saya kaya! Ilang araw din tayo dito!” kinuha niya yung twalya niya para ipambalot sa basa pa niyang katawan.

“no thanks. Susunduin ako ni Andie mamaya”

“Andie? yung college? Siya ba boyfriend mo?” nagtatakang tanong niya saakin.

Kumuha ako ng chicken at saka ng barbeque pati na din ng spaghetti. Hindi naman ako gutom, umiiwas lang akong magutom. Hindi ako nagdala ng pocket money. Sakto lang, isa pa nag-iipon pa ako ng pambili ko ng fuck-me heels ko.

“oi ano? Boyfriend mo? Siya ba?”

“yes” kumuha na din ako ng juice at saka umupo sa tabi ni Ivy.

“grabe! Kelan pa? kwento ka naman!”

“we’re dating, the end” nag-pout siya sa naging sagot ko na dahilan ng bahagyang pagngiti ko. kumain nalang ako at hinayaan nalang siyang ngumuso buong oras.

Bumalik na siya sa iba naming kaklase nung hindi niya ako mapilit na maligo. I hate places like this one. Hindi ako kumportable sa madaming tao.

Muli, umalis ako para maghanap ng lugar na sa tingin ko ay ‘ligtas’ para saakin. Sa paglalakad ko nakahanap ako ng isang bahay na abandunado. Medyo malayo na ito sa lugar ng mga kasama namin.

Tinignan ko ang cellphone ko para tignan ang oras. 5pm na, maya-maya lang magdidilim na.

“bakit ka nandito?” nagulat ako dahil bakit din ba siya nandito?

“looking for a safe place.”

“safe ito sa tingin mo?” he asked me wryly

Prove Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon