II. Other Me

11 1 0
                                    

Kinabukasan

Maaga akong nagising at dahil off ko sa work at pangumaga ang klase ko tuwing miyerkules kaya gamit lang sa school ang dala ko. Pagkatapos ko magligpit ng hinigaan ay naligo na ako.

At ngayon nakaharap ako sa salamin. Maganda naman ako kung tutuusin pero bakit walang nagtatangkang manligaw.

Ah meron nga pala nagtangka kaso basted din. Hayskul pa kasi ako noon una akong nagkamali. Lumandi hahaha pero hanggang ngayon single pa din saklap.

Habang pababa ako ng hagdan naririnig ko ang sermon ni mama. Sinisigawan si Miguel pangalawa nilang anak ni tito.
Napatingin sila lahat sa akin nang makalapit ako sa lamesa.

"Oh! Iha upo ka na ng makakain ka na din. Ang aga mo gumising ah mamayang alas-otso pa pasok mo alas-sais palang." Wika ni Tito Marvin.

"Dadaanan ko pa po kasi si Erin. Baka kasi naghihilik pa din." Sabay tawa ko ng kaunti. Napasulyap ako kay mama nakasimango pa din.

"Ganun ba iha!, Alarm clock ka talaga niyang kaibigan mo. Oh ito kain ka masarap yang nilutong creamy chicken ng mama mo." Sabay kindat nito sa akin na nagpapahiwatig tulungan siyang pangitiin si mama. Ganyan si tito kapag alam niyang may kasalanan ang anak niya. At hindi kumakalma si mama sa pagbubunganga.

Napangiti na lang ako at tumingin kay mama na ngayon ay nakaupo na sa hapagkainan dahil inakay na ni tito.

" Ma, ang aga naman yata niyan?." Panimula kong tanong kay mama.

"Papaano ba naman anak yang kapatid mong si Miguel anong kalokohan na naman ginawa. At ngayon umuwing lasing kagabi." Galit na galit si mama. Akala mo mangangain kaya ako napapakain na lang para mabawasan ang tensyon.

At tinignan ko si Miguel sabay pitik sa noo niya na di inaasahan. " Kalokohan mo talaga, di porke't lalaki ka eh magkikilos ka na ng ganyan. Umayos ka Miguel nagagalit tuloy yung mama nating maganda. Pagyan pumangit kasalanan mo. Dating reyna yan ng lugar nila. Kaya magsorry ka kay mama na di mo na uulitin." Mahaba kong lintanya.

Habang si Miguel,Mauwie at Maureen ay natatawa na lang ng palihim. Nagsorry naman si Miguel at nilambing si mama. Kaya si tito ay nag-okay sign sa akin. Napatingin ako sa relo ko 6:30am na kaya kailangan ko nang umalis.

Pagkatapos ko kumain ay umalis na ako at dumiretso kina Erin. Dalawang kanto ang layo niya. At sigurado kagigising lang nun o kaya naghihilik pa.


Nakita ko na ang tiyahin niyang nagsasampay ng tuwalya nito sa terrace nila. Napakaway na lang sya sa akin at kumaway din ako pabalik. At sabay senyas na pasok na lang daw ako.

Pumasok na ako at nakasulubong ko pa ang pinsan ni Erin na sampung taong gulang palang. Tinanong ko kung tulog pa si Erin sabi niya at tumango naman ito.

Kaya dali dali akong pumunta sa kwarto at dinag-anan. Sanay naman na ang tita niya na nandito ako. Dahil parang anak na din turing niya sa akin at kay Erin. Kung tutuusin dapat ampon na si Erin ni tita kaso hindi pumayag ang magulang niya.

"Ynnaaaaaaa!!! Alis ka na gising na ako oh!. Dali na ang bigat bigat mo kaya." Sigaw niya dahil nahirapan na huminga paano tulog mantika si gaga.

Tatayo na sana ako ng hilahin niya pa ako kaya natumba ako sa ibabaw niya. Si gaga tawa ng tawa akala mo eh siraulo.

" Ang ganda mo pala talaga Ynna. Bakit single ka pa din?." Sabay sulyap nito sa labi ko at balik tingin sa mata ko. Napalunok ako bigla at tumayo. Sabay hampas sa kaniya.

BOES: OUR REALITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon