Lala's POV
Sa wakas! Makakalibot na ako rito sa bahay ni Kurt! Kauna-unahang fangirl na mabusising makikita ang bahay ng aming mahal.
Di naman ako ganun kadamot.
"So as you can see this is the living room." Sabi niya at tinuro ang buong sala.
"Anong ginagawa mo sa sala?" Sabi ko habang nakangiti at vini-videohan siya.
"Don't film me, Love." Sabi niya sa akin mukhang naiinis.
"Hindi to film, video 'to. Go tuloy mo na"
Pinagpatuloy niya ang pagsasalita. Kasi alam niyang wala rin siyang magagawa
"Here, in the kitchen. I have refrigerator. And some canned goods."
"Buksan mo ref mo" utos ko sa kaniya
Binuksan niya naman. "Oh di'ba guys? Walang kalaman-laman yung ref niya. So bakit nga Mr. Munan?"
"Because I don't like eating alone. I'm alone at his house. So I don't eat in this house. Ngayon lang." at tiningnan niya ako nang diretso.
"A-aahhhh, yon naman pala, ayaw ni idol raffy—ayy si idol Ethan Kurt na kumain mag-isa. Suggestion ko lang, Kurt. Mag-live ka sa facebook. Alam mo 'yon? Di ka na mag-isa. Nandiyan naman mga fans mo ee"
"I will try it, next time" sabi niya at nagsmile ng napaka-tamis pwede ng langgamin.
"Ilibot mo na ako, Mr. Ethan, baka marape kita"
"That's not rape, I'm not against to it." Sabi niya at kumindat.
"H-hoy! Mag-house tour ka na lang!"
Nagkibit-balikat lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa pero this time nakangiti na siya nang abot sa magkabilang tenga niya.
"We're now at the bedroom."
"So anong ginagawa mo sa kama mo?" Tanong ko sa kanya
"Nagpapatangkad." Sabi niya habang nakangiti
"Guys, natutulog lang siya."
"Why? May gusto ka bang gawin natin?"
"NATEN? Wala no! No way!"
"Why? Maraming pwedeng gawin sa kama, Ms.Green minded"
"Okay let's proceed" sabi ko at tumalikod sa kanya. Ako na lang ang magha-house tour, puro kabastusan nasasabi nito. Halatang gustong-gusto ako.
"So guys, nandito tayo ngayon sa bathroom. Dito ginagawa ni Kurt ang... you know" sabi ko at pinahawak sa kanya ang cellphone na nagrerecord. "So ihahot seat po natin ngayon si Kurt kung saan pinagamatang!!! 'Pinakama-sweteng lugar sa buong mundo!!'"
"So kurt, anong ginagawa mo rito sa banyo?"
"Taking a bath?"
"Ano pa?"
"Doing my things?"
"At anong things iyon?"
Tinuro naman niya ang bowl.
Tumango-tango naman ako at "ano pa?"
"Anong 'ano pa?' Yun lang"
"Susssss,, lam ko na mga lalakii, sabihin mo naa" pang-aasar ko sa kanya. At umupo sa tub, hinawakan ko iyon, sigurado akong napakaswerte nito at nakikita niya ang buong katawan ni Kurt. As in buo! You know what I mean.
Tuloy naman siya sa pagrerecord sa akin kahit na mukhang naiinis na siya.
"Okay, change topic. Mukhang naiinis na si Kurt."
BINABASA MO ANG
When I fall to my fan
RomanceSi Ethan Kurt ay may mala-artistang mukha, mala-model na katawan at makalaglag-panting ABS! Sa kabilang banda ay si Lala na isang taga-hanga lang ni Kurt, pero paano mabubuo ang kanilang love story kung ang kanilang pagkikita ay sa hindi inaasahan...
