Para sa close ko na talagang friend, dear rubi this one is for you... Maikli lang sana pagpasensyahan n'yo na ha... Inaantok na kasi ako eh:)

______________________

Ethan

“Ann! Ann!” Kinatok niya ang bintana kotse ni Mary. Nakayuko ito sa manibela.

            Ang bigat ng loob niyang iwan ang asawa. Alam niyang labis niyang nasaktan si Karina. Pero hindi niya kayang hayaan na lang si Mary na umuwing mag-isa. Hindi pagkatapos ng namagitan sa kanila kanina.

“Ann, saan ka pupunta? Anong nangyari bakit?” Nagtataka siya kung bakit kanina lang ay masaya ito kasama si Mark tapos bigla itong tumakbong palabas.

            “Ang tangga ko kasi ikaw Ethan, ikaw ang mahal ko. Hindi mo ba nakikita? Mahal kita ng higit pa sa kaibigan.” Umiiyak na sabi ni Mary Ann.

            Natigilan siya. Nararamdaman niyang mabait sa kanya si Ann, malambing, maalalahanin pero kahit kailan hindi niya inisip na magugustuhan siya nito ng higit pa sa isang kaibigan. Matagal na niya itong kaibigan at parang kapatid na ang turing niya rito.

            “Hahaha.” Pekeng tawa ni Mary Ann habang umiiyak. “Wala ka bang sasabihin? Hindi mo ba sasabihin sa akin na ‘Sorry Ann, mahal ko si Katrina, ay hindi Karina na pala’.”

            “Ann.  Alam mo naman na.” Ang tanging nasabi niya.

            “Oo alam ko. Alam ko na mahal mo si Katrina noon pa man at na minahal mo din si Karina kahit niloko ka niya. Pero ako, bakit ganoon? Ang tagal kitang minahal Ethan, pero kahit minsan hindi mo ako magawang mahalin? Bakit hindi na lang ako Ethan? Bakit kailangan na si Karina pa ang pagbalingan mo ng pagmamahal mo kay Katrina. Bakit ha Ethan?”

            Sinubukan niyang humakbang palapit rito pero itinaas nito ang kamay para pigilan siya.

            “Ann, nalaman ko na si Karina pala talaga ang una kong nagustuhan noon pa man. Siya pala talaga ang minahal ko, siya lang ang minahal ko.”

            Pinunasan ni Mary Ann ang mga luha nito sa mata pero patuloy pa rin ang pagtulo niyon. “Alam mo bang may lalaking handang magmahal sa akin ng buong puso pero sinaktan ko lang kasi akala ko kung kaya kang agawin ni Karina kay Katrina kaya ko rin. Na pwede ding magustuhan mo ako, na mahalin mo ako.”

            Napalunok siya. Ano ang dapat niyang sabihin? May magagawa ba siya para mapagaan niya ang kalooban nito? Siya ba ang dapat sisihin dahil hindi niya napansin na may pagtingin na pala ito sa kanya?

            Pero bigla siyang nagulat ng tumingkayad si Mary Ann, hilahin payuko ang kanyang ulo at idikit ang mga labi sa bibig niya.

            Hindi niya iyon inaasahan kaya hindi siya agad nakakilos. Hinawakan niya ang bewang nito para ilayo ang katawan nito sa kanya. Pero bago pa man niya iyon nagawa, dumating na si Karina at galit na galit na sinugod si Mary Ann.

Nag-angat ng mukha si Mary Ann at nakita niyang namumugto na ang mga mata nito sa kakaiyak.

            “Buksan mo ito!” Utos niya rito.

            Sumunod ito at ibinababa nito ng bahagya ang bintana ng  kotse.

            “Move aside. Ihahatid kita.” Sinubukan niyang buksan ang pinto ng kotse pero naka-lock iyon. “Open up.” Utos niya uli.

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!