Chapter Fourteen: Buking?

2K 75 0
                                    

Trixie.

Nakalipas ang isang linggo simula nung nagsabi siya sa akin na liligawan niya ko.

Hindi ako pumayag kaya naman pinalayas na niya ko sa bahay niya. Grabe siya. Napaka-ungentleman. Di man lang naisip na baka mapano ako. Kaya eto ako ngayon. Nagtatrabaho sa isang club. Nagpapakababa para kumita ng pera. Hindi ko matanggap na ganito na ko ngayon.

Hindi ko matanggap dahil hindi naman totoo. Bwahahaha. Siyempre nagpaligaw ako sa kanya noh. Hihi.

January 14.

Simula ng araw na yun, tuwing gigising ako may mga bulaklak sa kama ko.

May 2 gallon na ice cream siyang binibili sakin araw-araw. Kaya walang palya yung pagkain ko ng ice cream.

Ang sweet niya din sakin.

Palagi siyang may surprises.

Siya ata yung tao na gagawin ang lahat para lang mapatunayan kung gano ka niya kamahal.

Take note ha. Di pa ko umaamin na gusto ko din siya. Pakipot mode on noh. :P

Palagi din niya kong sinasama sa office tas tinuturuan niya ko ng tungkol sa company nila.

Nag-retire na nga pala yung secretary niya kaya ako ang pumalit. Ayaw nga niya nung una pero sabi ko gusto ko. Saka siyempre ayoko namang bigyan ako ng sahod tas wala naman akong pinagtrabahuhan.

Ang pagkakaiba nga lang namin ng secretary niya dati ay mas bata ako. And yung desk ko nasa loob ng office niya. ^_^

Kriing kriing

"Good Morning! Perez' corporation. How may I help you?" Pagbati ko sa tunawag.

"Yes sir. He's free from 10:30 to 1:30 sir. Noted sir. Thank you. Bye." Pagpapaalam ko.

Ni-note ko naman agad na may meeting si Sir with Mr. Aragon by 10:30 am. Siya na lang daw ang bahalang magpunta sa office ni sir.

By 9 am pumunta na kami ni Alex sa conference room for his meeting.

Blah blah blah.

Di pumapasok sa utak ko yung sinasabi nila.

Report lang naman to ng iba't-ibanh head ng company e.

10 am natapos na ang meeting kaya bumalik na agad kami sa office.

Nakatunganga na lang ako sa desk ko while Alex is still reading some files. Workaholic kase e.

Knock knock knock

I immidiately open the door and saw a very familiar guy.

Kilala ko siya e.

San ko nga ba siya nakita?

Friend ba siya ng friends ko.

Think Trixie. Think.

Hmm.

AHH! Alam ko na. Siya yung sumalo sakin nung tumakas ako sa amin. Remember guys?

"You look familiar. Have we met?" Bati niya sakin.

Ngumiti na lang ako at umiling.

Siyempre di niya ko pwedeng ma-recognize noh. Mabubuking ako ni Alex.

"Btw sir, are you Mr. Aragon?" Tanong ko.

"Yes but please just call me Kian." Inabot niya sakin yung kamay niya.

"Pare! Napadalaw ka?" Narinig kong bati ni Alex sa kanya.

Don't tell me close sila?

Pano na lang kapag naalala niyang ako yung sinalo niya?

Eh di malalagot naman ako nito.

Akala ko okay na. May problema na naman palang dadating. Haaay.

My Maid Is My Wife To Be?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon