CALOY'S POV
" naa na ta dire boss "
( nandito na tayo boss )
Napadilat ang mga mata ko at napatingin sa bintana ng sasakyan.
" boss? "
Tapos nabaling ulit sa kanya ang atensyon ko.
" dito na po ba? " tanong ko.
" ayy! Tagalog ka pala boss hehehe kaya pala tahimik ka, hindi mo pala siguro ako naintindihan "
Napangiti ako ng bahagya.
" oo boss, ito na yung lugar na sinasabi nyo " he added.
" okay kuya. Salamat ho, ito po yung bayad "
Inayos ko ang bag na dala ko, saka bumaba ng taxi
" salamat sa tip, boss ha! "
Napalingon ako ulit sa kanya.
" walang ano man, kuya ingat po
kayo " tugon ko.
Nanatili akong nakatayo sa harap ng up and down na puting bahay na nasa harapan ko.
" anong klaseng tao kaya sya? " i whispered.
Puno ng tanim na halaman ang paligid. May garahe, pero walang nakaparadang kotse... tapos nakapatay pa ang mga ilaw at halatang walang tao
" hay!! Kailangan ko pa tuloy makisama sa ibang tao " buntong hininga ko.
" ikaw ba yung galing maynila? "
Nagpalinga-linga ako para hanapin kung saan nang-gagaling ang boses na yun
" dito sa taas!! " dagdag nya. Napatingala ako sa direksyon ng terrace, pero wala akong maaninag na tao
" dito sa kabilang bahay oy! "
Napatingin ako sa terrace ng katabi ne'tong bahay and there!! I saw someone, pero madilim ang bahagi kung nasaan sya nakatayo kaya hindi ko pa rin sya maaninag
" umalis si ck ey! Ang sabi nya susunduin ka daw nya, pero mas nauna ka pa sa sumundo sayo hahahahaha " sambit nya.
" Sinundo... sinundo nya ako? " ani ko sa sarili.
" open naman yung bahay nya. Pwede ka nang pumasok, expected na nya na magkakasalisi kayo, kaya ibinilin ka na nya sa'kin " he added.
" actually kanina pa yun
pabalik-balik... anyways, sige na pumasok kana don't worry walang aso jan " saad nya.
Napatingin ako sa kabuoan ng bahay.
" anong klaseng tao kaya ang makakasama ko sa bahay na'to? Ano kayang mangyayari sa dalawang buwan kong pamamalagi dito... " muli kong tanong sa sarili.
YOU ARE READING
If i'm not inlove with you
FanfictionDiana Mae Carlos, a 25years old tomboy was suffering on a stage 4 brain cancer. as she suffering on the said sickness, anxiety also gradually develops on her. she was afraid to talk to someone elses except on her cousin Aie, which also her bestfrien...
