Nagtuloy tuloy pa sa pagtatalo sina Sam and Jane ng ilang minuto. At narealize kong May point silang dalawa, kaya Kahit ako ay Naguguluhan padin. Kung sino ba talaga ang pipiliin ko.

"Tumigil na nga kayong Dalawa at Tara na sa Cafeteria." Singit ko naman sa pagtatalo nila at huminto na sila. Tumungo na kami papunta Cafeteria kung saan ay Nandun narin Sina Timothy at Harrison na nagaantay.

"Oh Ang late niyo naman ngayon." Sabi naman ni Tim.

"Eh May pinagusapan pa kasi kami saglit kaya Napahinti kami." Pagpaliwanag ko naman kung bakit Nahuli kami sa pagdating.

"Ahhh Ganoon ba, pero si Jericho Asan siya?" Takang Tanong naman ni Timothy.

"Here." Biglang sulpot naman ni Jericho sa likod ni Tim na ikinagulat naman ni Tim.

"Wag ka ngang mangugulat Echo." Inis na Sabi ni Tim.

"Sorry naman, kalimutan kong matatakutin ka pala."

"Tss. Tara na nga bili na tayo ng pagkain." Sabi naman ni Tim at bumili na kami. Pagkatapos bumili ay Umupo na kami, at laking gulat ko nang hindi si Tim ang umupo sa Kaliwa ko. Pagtingin ko naman ay Si Axel Ito, ngumiti naman siya. Bigla naman din tumabi si Jerome kay Sam.

"Ok lang ba kung dito kami Uupo ngayon?" Nakangiting Tanong ni Axel kay Timothy.

"Uhhh Oo naman, walang problema." Sagot naman ni Tim. Medyo kinakabahan ako at pinagitnaan ako ni Axel at Jericho. Sa kaliwa ko si Axel at sa Kanaan ko naman si Jericho, ramdam ko rin na parang May tension eh.

Nagtuloy tuloy lang sila mag kwentuhan habang kumakain kami, ako naman Eh Tahimik lang ako at medyo ako kinakabahan. Habang kumakain Eh laking gulat ko ng biglang Binigyan ako ni Axel ng Food niya na Chicken Katsudon.

"Ahhh Thank You." Pagsasalamat ko naman sakanya.

"Mag paka busog  ka ah." Ngiti naman niyang sabi. Babalik na sana ako sa pagkain ng bigla, naman ako binigyan ni Jericho ng Lechon Kawali niya.

"Yan oh kain ka pa." Sabi naman ni Jericho.

"Uhhh Salamat." Sabi ko nalang. Babalik na sana ako ulit sa pagkain ng biglang.

"Ito Oh Mango Shake." Sabay na Sabi ni Axel at Jericho na parehas na May hawak na Mango Shake. Nagkatinginan naman sila, grabe ramdam mo yung tension sakanila. Kinuha ko namang pareho yung shakes nila.

"Thank you ulit." Sabi ko sakanila. Nagkatitigan parin yung dalawa ng ilang saglit, bago sila parehong tumayo at tumungo sa Canteen. Lahat naman kaming natira sa table ay pareho parehong napatingin sa canteen, para malaman kung bakit tumayo yung Dalawa.

Pagkalipas ng ilang saglit ay pareho silang bumalik, na May dalang Plato na May Slice ng Cake  na nilapag naman nila sa harapan ko.

"Ito oh BlackForest Cake, diba mahilig ka sa ganyan." Sabi naman ni Axel.

"Ito naman oh Caramel White Chocolate Cake, diba gusto mo din ng Ganito." Sabi naman ni Jericho. Hindi ko naman Alam kung ano dapat reaksyon oh gagawin ko.

"Hoy kayong dalawa, huminto na nga kayo sa pagbibigay ng pagkain diyan sa kapatid ko." Biglang sabi ni Timothy nung aakmang aalis nanaman sina Jericho ay Axel.

"Upo!" Utos pa ni Timothy at sumunod naman yung dalawa.

"Tandaan niyo kapatid ko yang Nililigawan niyo, at dahil dun Eh dadaan muna kayo sakin. Kaya sakin na tong dalawang cake." Sabi ni Timothy at Kinuha yung cake na dala ni Axel at Jericho.

"Kumain Lang din ng cake kaninang umaga yang si Ela, kaya sakin nalang to." Sabi pa ni Timothy sabay subo ng cake. Nganga namang nakatingin sina Axel at Jericho kay Timothy, na kumakain yung cake na binili nila na para sakin.

"Ok change topic, diba in 2 weeks na daw yung Prom. Sino bang magiging Partner mo Elaine?" Biglang Tanong naman ni Sam, sabay lahat naman sila ay tumingin sakin.

"Uhhhhh——." Hindi ako makasagot at Hindi ko din alam. Sino bang gusto kong maging partner si axel or si Jericho. Naguguluhan parin ako.

Inisip ko naman yung point nila Jane at Sam kanina. Oo tama si Sam na Sinaktan ako ni Axel dati ng paulit ulit, at sobrang sakin ang mga naranasan ko dahil sakanya. Pero tama rin si Jane, umamin na at nag sorry sakin si Axel. naman Dapat Bigyan ko ng Chance.

Pero still si Jericho Ang first crush ko dati, na walang ginawa the past few weeks kung Hindi pasayahin rin ako. Oo May Feelings parin ako Kay Jericho, pero still meron parin Kay Axel kahit akala ko dati eh nawala na.

Naguguluhan na ako ng Sobra sobra kung sino pipiliin ko na magiging partner ko. Bigla naman akong napatingin Kay Timothy. Si TIMOTHY! Pwede kong maging partner si Tim, Para Hindi ko na kailangan mag Decision sa pagitaan nila Jericho at Axel.

"Hoy Ela Sagot, sino magiging partner mo sa Prom?" Tanong ulit ni Sam.

"Si Tim." Sagot ko naman at pareparehas silang nagulat.

"Oh Bakit naman kayo nagulat, Eh partner ko nga si Tim nung Debut ko Eh. Edi siya narin sa Prom, diba Tim?" Sabi ko naman.

"Uhh Oo pwede naman, pero wait kailan ba yung Prom ulit?" Tanong pa ni Tim.

"In Two Weeks." Sagot naman ni Harrison.

"Anong araw?"

"Usually Friday siya ng gabi." Sagot naman ni Jerome.

"Ayy Sorry Ela, wala ako nun May pupuntahan ako. Kaya Hindi ako pwede maging partner mo." Sabi naman ni Tim sakin. Shittttttt

"Ok Ulitin natin ang Tanong Elaine."

"Sino Ang magiging Partner mo? Si Jericho or Si Axel???"

[SINO NGA BA ELA???]
(HELLO GUYS I'M SO SORRY NA HIDNI AKO NAKAPAG UPDATE NG ISANG HALOS 2 WEEKS. MAY MGA PERSONAL THINGS KASI NA KINAILANGAN KONG ASIKASUHIN, PERO SIMULA NGAYON AY OK NA SIYA. KAYA BACK TO NORMAL NA ANG SCED NG UPDATES EITHER TWICE OR TRICE A WEEK. SALAMAT PO ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT PAGBASA NG STORY.)
VOTE
COMMENT
SHARE

I'm done chasing youOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz