15: "Happy Winter" pt.1

11 2 0
                                    

+Lee Jiyeon

Nasakalagitnaan ako ng panonood ng mga memes dito sa Twitter ng biglaan nalang mag vibrate yung phone ko nang walang humpay, kaya naitapon ko sa gulat.

Takte naman oh, sino ba tong nambubulabog sakin. ;-(

Aakmang tatayo na sana ako sa higaan para kunin yung tumilapon kong selpon ng maapakan ko yung mga rubber duckies ko na nakakalat sa sahig at sa minamalas nadulas ako. Ebargs naman ng weekend ko ito pang bungad. SAKIT.

"Kuya!!! Tulungan mo ko uhuhu" panghihingi ko ng tulong sa kuya ko at mas mabilis pa sa alas kwatro at nandito na sya sa harapan ko.

"Oh bat? Anong katangahan nanaman yan?" Nagtataka nyang tanong habang hinihingal. "Di mo ba ako tutulungang tumayo?" Tugon ko at inilahad yung kamay ko para abutin nya at inalalayan nya akong tumayo.

"Kalat kasi ng kwarto mo kaya kung ano anong naapakan mo. Maglinis kana nga" at heto nanaman sya nagsesermon. "Linisin mo muna kwarto mo bago mo ko sabihan nya." Pambabara ko sa kanya at natahimik naman sya. "Alis na nga!" Pananaboy ko sa kanya at napailing nalang sya.

Binuksan ko yung phone ko at salamat sa Dios walang basag. Baka ibang panenermon nanaman kasi abutin ko. Pagtingin ko ay bumungad sa akin ang sangkatutak na messages ni Kang Minhee.

.

Kang Minhee
Active Now


Minhee:
Lee Jiyeon!

Asan kana?

Sasama ka ba o sasama?

Baka naiwala mo yung
ticket 😡

O baka natutulog ka pa?

Gusto mo gisingin pa kita?

HOY GISING NA *slaps ur face*

Ikaw na nga nilibrehan ah.
Wag abusada. Bangon na.

Dapat 3:00pm naka gayak
kana. Susunduin kita jan.

Bihis bihis well.

.

Pagtingin ko sa orasan ay 2:58pm na pala. Kaya napabalikwas ako at dali daling nagtungo sa CR para magshower kahit medj masakit pa pwetan ko. Awet

Habang nasakalagitnaan ng pagliligo ko ay narinig kong kumatok si Kuya sa pinto. "May bisita ka, bilisan mo jan. Mahiya ka naman"

Ebargs talaga tong si Kuya Hangyul, kung makapagsalita grrr na grrr.

"Heto na malapit na akong matapos!" At narinig ko na yung paalis nyang mga yapak kaya mas binilisan ko yung pagligo.

3:18pm, pagkatapos kong magbihis ay chineck ko yung wrist watch ko at dali daling bumaba. "Dahan dahan ka nga sa pagbaba, baka mapano ka." Nakita ko si Kuya na nasa paanan ng hagdan habang sinusubaybayan ako pababa.

Teka bat nagmamadali ako?

Sigaw ng demonyo sa utak ko: aba napaka swerte naman nya. Mag antay sya. At sigaw naman ng kunsensya ko: aba syempre may pinagantay kang tao. Masama yun.

Syempre nakinig ako sa kunsensya ko, di naman ako bad. Medjo lang hehe.

Napatayo kaagad si Kang Minhee pagka kita nya sakin. Parang kanina pa nga sya nag aantay. Kaya nagpaalam na ako kaagad kay Kuya at syempre sobrang Protective ng kuya ko kaya bawal daw akong gabihin. Kung hindi sa labas ako matutulog.

Pagkalabas namin ng gate ay bumungad sakin yung mint green na bike, sumakay na si Minhee habang ako di maka galaw. "Sasakay kaba o maglalakad ka?" Tinaasan pa nya ako ng kilay. Sungit mo naman.

Like | Kang MinheeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon