CHAPTER FOUR

11 3 1
                                    

Ashley's POV

Nang makalabas ako ng sinehan ay napagpasyahan kung libutin na lang muna ang buong mall baka sakaling mahanap ko si Mark.

Maski isang text o tawag hindi nagawa ni Mark, magmula ng hindi siya dumating kanina sa sinehan.

Habang naglilibot ako ay may nadaanan akong isang store H&M ang pangalan mga Bags, Clothes and anything else ang meron sa store na ito.

Nang makapasok ako sa store ay pumunta muna ako sa mga Clothes area, nang makapili ako ng magandang dress ay dumerecho ako sa fitting room.

-Fitting Room.-

Isinukat ko ang mga damit na sa tingin ko naman ay babagay sa akin at ang huling sinukat ko ay ang dress na kulay light blue backless na dress na may kahabaan na hanggang sa tuhod ko.

Humarap ako sa malaking salamin sa fitting room at napaisip ng masuot ko na ang dress na bumagay naman sa akin kahit na medyo may katabaan ang aking pangangatawan.

'Kelan kaya ako papayat noh? Pero para sakin okay naman din kahit ganto ang aking pangangatawan, kase hindi naman malaking kabawasan para sakin itong chubby body ko.'

Matapos kong maisukat ang mga damit na napili ko ay dumerecho na ako sa cashier para bayaran.

"Ahm miss etong mga Clothes nga bibilhin ko." Nakangiting sabi ko sa cashier pero tinignan muna ako neto mula ulo hanggang paa.

"Psh. Lakas ng loob bumili ng dress na pang sexy e, hindi naman siya sexy.

"Ay naku teh! Sinabi mo pa."

"Siguro pag sinuot niya yan hindi bumagay sa kanya."

"Oo nga baka pumutok lang sa kanya yung dress haha."

Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga sales lady na sinasadyang iparinig sa akin, pero para sakin binalewala ko na lamang dahil sanay na naman ako sa mga ganyang usapin na naririnig ko.

Sinaswipe na nung cashier na babae yung mga tags ng damit ng magsalita ito. "Alam mo miss nainggit lang yan sayo, kase kahit mataba ka maganda ka naman" Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Ay hehe okay lang po sanay na ko sa mga katulad nilang mga inggit na nga, mga wala namang gandang maipagmamalaki." Nakangiting sabi ko din sa cashier at saka nilingon ang kaninang sales lady'ng naguusap.

Kita ko naman na halatang nagulat sila sa sinabi ko, at nung mahimasmasan sa gulat ay inirapan naman ako ng mga ito.

'Mga pesteng 'toh! Magdadal-dalan na nga lang kayo yung maririnig ko pa.'

Sakto namang tapos na mag swipe si miss cashier ay nilabas ko na ang credit card ko atsaka inabot dito.

"Thanks miss.. Come again." Sabi nito tsaka inabot sa akin yung credit card. Nginitian ko na lang siya tsaka ko binitbit paalis yung mga paperbags na naglalaman ng mga damit na binili ko.

'Tss. Babalik lang ako diyan kapag wala ng klase ng tao na mga katulad niya'ng mga chismosang inggitera na iyan!'

Habang naglalakad ako ay tinitingnan tingnan ko ang phone ko baka kase nag message o kaya naman ay tumawag si Mark.

May nakita akong Sweet's Shop ay agad naman akong dumerecho dito para bumili ng makakain. Agad namang may lumapit para kuhanin ang order ko.

"Welcome to Candice Sweet's Shop. What do you want to have ma'am?" Magalang na sabi sa akin ng isang lalaking crew.

Agad ko namang tinignan ang  menu at nung makapili nako ay in-order ko na.

Accidentally Fallin' In Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon