[17] Trip To Sito Maligaya

710K 13.2K 3.2K
                                    

[17] TRIP TO SITIO MALIGAYA

NATHAN'S POV

KURT CALLING...

"Oh, dre morning."

[Good morning. 10AM ang alis natin papuntang Sitio Maligaya diba?]

"Oo, pero pasensya na. Mauna nalang kayo dun. Don't worry, nandun na rin naman sina Warren para maasikaso kayo."

[Why?]

"Isasabay ko na kasi si Kulet sa akin. Hihintayin ko pa kasi siya after class."

[Oh, may klase pala siya? Sige sige.]

"Anything else?"

[Wala na. Okay, I'm hunging up already. Bye.]

*TOOT TOOT TOOT*

Ngayon ang araw ng alis namin papuntang Sitio Maligaya para sa birthday ni Ate Lie, yung nakakatanda kong kapatid kung nakakalimutan niyo. 23 years old na siya. Ang tanda na niya.

Wala na akong dapat i-empake kasi may mga damit at gamit naman ako dun. Cellphone, cash at kotse nalang ang dadalhin ko. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at kinulikot ang phone ko. Napunta ako sa Photo Gallery at tinignan ko ang mga photos dun.

May ilang pictures na magkasama kami ni Gail nung nasa Germany pa kami, pati na rin nung nasa Palawan kami. Napabuntong hininga ako nang makita ko ang picture na magkayakap kami.

"At least, nakasama kita..." I mumbled then chuckled a bit. Para na akong sira-ulo nito. Kinakausap ko ang sarili ko.

Ipinatong ko ang braso ko sa noo ko habang iniiscroll ang mga pictures pa rin namin ni Gail.

Nathan, hayaan mo ang sarili mo na mag-move on. Wag kang magkulong sa nakaraan. Masaya na siya, dapat hanapin mo rin ang kaligayahan mo.

Bakit ganun? Madali lang magsabi ng payo sa iba pero kapag ikaw na ang nasa ganung sitwasyon, dun mo lang mararamdaman na mahirap pala talaga.

I continued scrolling our pictures. Mga kulitan, harutan, wacky shots at pati na rin ang mga cuddling videos namin ang nakapaloob dito. Nang mawala ang phone ko sa Palawan, itong phone na 'to ang pinalit ko at trinansfer ko from my laptop to here ang mga pictures namin. Pero sa pagkakataon na ito, kailangan ko na talagang simulan ang proseso.

I immediately tapped the 'delete Yam album' button. I-eexit ko na sana kaso tinap ko ang received files, baka kasi meron pang natira dito. I was surprised when I saw some pictures of Kaye Anne and me taken in 7Eleven the other night. Napangiti ako nang makita ko yung pisngi ni Kaye Anne. Chubby cheeks talaga, hahaha. :D

Natutuwa talaga ako kapag nakikita ko si Kaye Anne. Ewan ko pero iba yung dating niya sa akin. Hanga pati ako sa kanya kasi bihira nalang sa mga babae ang NBSB sa edad na 20 years old. To think na maganda at matalino si Kaye Anne diba? Namiss ko rin pati siya. Lagi ko ngang naaalala yung mga kakulitan ni Kaye Anne nung nasa Germany palang kami ni Gail. Wala katulad ang kakulitan niya.

Pero saglit lang... Pang highschool lang ba ang crush? Hindi naman diba? Eh sa crush ko si Kaye Anne eh. 

Reason?

She's the only reason why I'd been smiling lately despite of my heartbreak.

GAIL'S POV

Saturday. Ngayon na ang araw ng pagpunta namin sa Sitio Maligaya. Kakakausap lang ni Kurt kay Nathan. Nagtanong ata about sa trip. Nakaupo kami ngayon ni Kurt sa sofa. Actually, nakaupo kami in opposite sides ng sofa bed. Nakapatong ang dalawa kong paa sa lap niya habang minamasahe niya at kinakausap si Arthur on the phone at the same time. Senyorita ang peg? Hahaha!

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon