Lumapit siya sa akin. Napatayo ako bigla.

"Kitty come here."

Umiling-iling ako."Bibihisan ko pa si Cherry," turo ko pa sa naglalambiting unngoy." ^.^"

"She doesn't need that," lumapit na siya sa akin at dahil wala na akong maatrasan ay wala na akong nagawa.

Pumikit na lang ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng ahas sa balikat ko. Isampay ba naman ang ilang kilong ahas na 'to. Huhu, hindi ko pinangarap maging Suma. 

"Nice..the freakin kitten rug doll is scared," nakangisi niyang sabi.

"Aaaahhhhhh....." Napatalon ako nang kiniskis nito ang ulo sa mukha ko. Sa takot at gulat ko ay nabalibag ko ang higanteng ahas.

"What the hell........" galit na sabi ni H. Kung may paa lang 'yong ahas malamang lumpo siya sa lakas nang pagkakabalibag ko.

.............................

Ano naman kaya ang gagawin ko dito

Nagpatugtog si D ng isang korean pop music. Napanganga ako sa galing niyang sumayaw. Grabe lungs, humahanga talaga ako sa mga lalaking magaling sumayaw.

"Stop staring me Dora."

Huh? Dora? Nilalait ba n'ya ang bangs ko? Grrrr...

Nginuso niya ang panlinis sa isang sulok.

"Make sure to clean my studio well. I hate dust and stain," seryoso niyang sabi.

Hmmpp...sungit. May monthly period ba silang lahat?

Sinimulan kong linisin ang mga salamin. Napapatingin ako sa galaw ni D. Galing. Dancer din ako. Ang kaso ako lang ang nakakaalam. Tinatago ko ang talent ko, baka madiscover eh.

Gusto kong gayahin ang moves niya. Maya-maya pa umiindak na rin ako habang naglilinis. Nagheadbang ako habang ginigitara ang walis. Hindi ko na nga napansin na wala na palang tugtog.

"Yeah! Hoo!"

"Ahem."

"What the hell are you doing?" sabi niya, kunot-noo.

"Kakaindak kasi lord D. Naalala ko kasi nong...."

Pak!

"Don't ruin my moment. Linisin mong mabuti ang studio," sabi niya sabay talikod sa akin.

Otso..Suntukin ba naman ang salamin. =.=++

...................

"Yahhh!" Ayaw. Isa pa. "Yahhh!!"

Mangitim-ngitim na ako sa pagaayos ng music intruments ng lalaking 'yon. Ang sabi niya ibahin ko raw ang posisyon ng music room niya. Ang lechugas na kulot na 'yon, anong akala niya sa akin si Darna? Pabuhat ba naman 'tong mga naglalakihang instrument. Pati grand piano sinaksak pa rito. Ambwibwisit nila.

"What the F*ck! Hindi ka pa tapos?" sabi ni F na kapapasok pa lang. Buti pa siya nagmemeryenda na. Kamusta naman 'tong alaga ko?

"Lord If.."

"Sucks. It's F rug rats," bulyaw niya.

Rugrats? Tong fukulot na 'to. Ihambalos ko sayo 'tong piano mo eh.

"I'm sorry Lord F," half apologitic half angry ang mukha ko. " Baka pwedeng meryenda muna," sabay nguso sa lasagna na dala niya.

"Wala ka pa ngang nagagawa gusto mo nang magmeryenda. Tsk. Walang meryenda hanggat hindi mo nalilipat 'yong grand piano. And I change my mind ibalik mo na lang yan malapit sa mini bar."

Umusok yong dalawang butas ng ilong ko. "Yah! Hindi ako si Darna? Bwisit!" sabi ko sabay alis.

" Hey, rugrats whe're you going?"

"SA IMPYERNO!"

.................................

Krukrukru......

"Hmm... Grabe kakagutom. Sinundan ko 'yong mabangong amoy na 'yon. Hindi na ako bumalik sa bwisit na F na 'yon. Bahala siya sa buhay niya. Hindi na rin naman niya ako hinabol pa.

Napunta ako sa may kichen cum dining room. Namangha ako nang makita ko si Q na nagluluto. Ang cute-cute niya sa suot niyang apron at nakasombrero pa. Napatingin ako sa hinahanda niya.Otso yong laway ko tumagas na.

"You look hungry," sabi ni Q nang makita ako.

Ako naman nod lang ang sagot habang nakatitig do'n sa niluluto niya. Tinuro niya sa aking maupo sa high chair sa harap ng kitchen countertop. Mabilis naman akong umupo at takam na takam ang mukha. Hindi pa kaya ako nagaalmusal.

"Here," nilagay niya sa harap ko ang isang bowl ng umuusok na soup. Hindi ko alam kong anong pagkain basta mukha s'yang masarap. Grabe takam naman ako.

Linamon ko kaagad ang sinerve niya sa akin.

O.O - si Q na nanlalaki ang matang nakatitig sa akin habang kumakain.

"Hmmmm...sarap...hmmm..."

"Careful," mahina at mukhang ngiwi niyang sabi.

"Lord Q..umm.." tinanggal ko 'yong tinga sa ngipin ko gamit ang kuko. "May lasagna ka pa d'yan? Favorite ko kasi 'yon."

Napakamot ito sa may gilid ng labi. "Uhm.."

"Galing magluto. Haneeeppp!" Napapailing na lang siya. Tinalikuran niya ako at nag-prepare pa ng pagkain.

"Here's your lasagna,."

Nag-shining, shimmering, glow in the light ang mga mata ko. Kinain ko kaagad ang binigay niya.Para akong patay-gutom kung makangalngal.

"Kinuhanan ka ni F kanina. Nabitin ka ba?"

Nabulunan ako sa narinig. Inabutan niya ako ng tubig.

"Lintik na Fukulot 'yon. Pinatakam pa ako sa 'kin naman pala," inis kong sabi, sabay nguso na parang baboy.

Napatingin ako ay Q na nakangiti na naman. Hobby ba nitong ngumiti? "Ay pasensya na po Lord Q," sabi kong nakapeace sign pa. "Ang sarap naman ng luto mo. Lalo na 'tong lasagna."

"Si X ang gumawa niyan."

Pfftt...Nabuga ko nang wala sa oras ang kinakain ko.

"Anong nangyari sayo?" inabutan niya ulit ako ng tubig.

Otso naman. Pumait tuloy 'yong lasa ng kinakain ko. Pwede bang iluwa ko na lang lahat. Baka mamaya mahawaan ako ng demonyong 'yon.

BAM!

Napatingin kaming dalawa sa may pinto. Ang hilig lang ng lalaking 'tong kalabugin ang pader. Hobby niya rin ba 'yon?

"Tsk. You're not yet finish with your work. What are you doing here rug doll?" iritado niyang sabi.

Napalunok ako. Hard.  "Ahh...eeehh... Lord X pwede naman siguro akong kum..."

"Did I tell you to speak?"

Huh lechugas naman 'to. Nagtanong kaya siya.

"OUT!" Nabitiwan ko yong kutsara sa gulat ko. Tumingin ako kay Q na nakangiti lang.

"Hindi pa ako tapos eh... Pwede pabalot?"

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now