CHAPTER ELEVEN (Her Unexpected Doom)

80 4 1
  • Dedicated kay Pauline Elibaran
                                    

"Huwag kang makikipag-boyfriend sa isang lalaking katatapos lang ang relasyon sa ibang babae, Mari. You will be on the rebound. In the end, ikaw ang masasaktan."

- Marjorie -

---

"ANONG gusto mong pag-usapan natin, Jelene?" narinig ni Maristel na tanong ni Christian. Nasa tinig nito ang pagkainip. Nasa itaas siya at nakapanungaw sa bintana. Ni hindi ito naupo sa loob ng swing kung saan naroroon si Jelene at doon na naghintay sa pagdating nito. "And where's Maristel? Kung may sasabihin ka sa akin ay gusto kong marinig din niya."

"Oh, really?" she taunted, smiling a little. "Gusto mo bang marinig din niya na ang sasabihin ko? Na nagdadalang-tao ako at ikaw ang ama? Huwag kang mag-alala, malalaman din niya. Ako mismo ang magsasabi."

"What?!"

Kahit siya'y mapapasinghap nang malakas kung hindi niya nailagay sa bibig ang kamay.

"Narinig mo, Christian. Nagdadalang-tao ako at ikaw ang ama."

"Hindi totoo ang sinasabi mo, Jelene!" Christian said angrily. "Paanong mangyayari iyon gayong halos dalawang buwan na tayong hindi magkasama? Bakit hindi mo ipaako kay Louie ang batang iyan na natitiyak kong siyang dapat managot?!"

Jelene let a long suffering sigh. "Iyan mismo ang dahilan kung bakit nag-break kami ni Louie, Christian." wika nito sa mapagkumbabang tinig. "I am ten weeks pregnant. Do the math, Christian. Hindi si Louie ang ama ng dinadala ko!"

"No!" Marahas nitong sinipa ang poste ng swing sa matinding galit. "Ginagawa mo ito upang sirain ang relasyon namin ni Maristel!"

Sa pagkakataong iyon ay hindi na nagawa pang itago ni Maristel ang hikbing lumabas mula sa bibig niya. Napatingala si Christian at nagpanagpo ang mga mata nilang dalawa.

Ang mga mata ni Christian ay puno ng kalituhan, galit at kung anu-ano pang hindi niya kayang basahin. While there was no accusations in her eyes. She was too numb to feel any emotion. Kanina pa niya nararamdamang may nakaambang masamang mangyayari sa gabing ito. She just didn't know what?

At higit pa pala sa isang bangungot ang narinig niya kaysa sa kung anu-anong bagay na pumapasok sa isip niya kaninang maaaring sabihin ni Jelene kay Christian. Ni sa hinagap niya'y hindi pumasok sa isip niyang nagdadalang-tao ito.

She wanted to scream at the unfairness of it all. Pareho silang nagdadalang-tao ni Jelene at ni hindi niya nagawang sabihin kay Christian ang tungkol sa sariling kalagayan. Now she didn't know whether to be sorry or be thankful that she hadn't had the chance to tell him that she, too, was pregnant with his child. 

Mahihirapan si Christian na gumawa ng desisyon. It was her fault that she had gotten herself pregnant. Ipinagkaloob niya ang sarili rito sa mismong araw na nag-break ito at si Jelene. Na ipinagkaloob niya ang sarili kay Christian nang walang pinaghahawakang kasal. Ngayon ay nakatakda niyang pagdusahan ang mga konsekwensya.

THE DAY SHE WENT AWAY (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon