Nang makita ko kung sino ito, tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata.


“Alam kong wala pa akong gaanong alam dito sa Academia pero alam ko kung bawal gumamit ng kapangyarihan kapag hindi ito pinahintulutan ng guro.” Sabi ni Lina sa akin na parang nag-aalala.


“Hayaan mo na siya. Huwag mong ibaba ang sarili mo para sa isang makitid na katulad niya.” Kumalma ako dahil sa sinabi niya.


Walang sinuman ang nakakahawak sa apoy ko kaya, papaanong? Siya ang unang tao na nakapagpakalma sa akin.


“Ikaw na naman?!” Narinig ko ang boses ni Pierre.


“Hindi pa ba sapat ang suntok sa iyo ni Pierre?” Sabat ni Dahlia.


Ito ang lalaking nakaaway ni Pierre kaya kami pinagbantay sa front gate ng Academia.


Lahat ng estudyante dito ay nagbulong bulungan dahil ang lakas daw ng loob nito upang harapin ang First Triad.


Mukha itong walang magawa kaya naglakad na lang ito papaalis.


Leilina Lucerne Lusitania


Nagulat ako dahil kamay ni Blythe ang humarang sa bibig ko. Anong ginagawa niya rito? Kailan pa siya nakalapit?


“Kung may problema ka sa amin, huwag mo siyang idamay.” Parang may kung anong mga nilalang ang gumagalaw siya tiyan ko dahil sa mga sinabi niya.


“Hah! Nagtawag ka pa talaga ng kakampi mo. Bat ba nangingialam ka?” Naramdaman kong tumataas ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa.


Nakita kong nagsisimula nang mabuo ang apoy sa kamay ni Blythe kaya hinawakan ko ito.


Tinignan niya muna ang kamay naming bago niya ako tinitigan.


“Alam kong wala pa akong gaanong alam dito sa Academia pero alam ko kung bawal gumamit ng kapangyarihan kapag hindi ito pinahintulutan ng guro.”


“Hayaan mo na siya. Huwag mong ibaba ang sarili mo para sa isang makitid na katulad niya.” Pinilit Kong pagaanin ang boses ko para kumalma siya.


Salamat na lang dahil mukha naman siyang kumalma dahil sa mga sinabi ko. Mabuti naman.


“Ikaw na naman?!” Kilala ba ni Pierre itong lalaking nakasagutan ko?


“Hindi pa ba sapat ang suntok sa iyo ni Pierre?” Dagdag pa ni Dahlia. Magkakilala nga sila pero parang hind inga sila magkasundo.


“Ang lakas naman ng loob niyang banggain ang Royals.”


“Kala mo kung sino?”


“Oo nga, lalo na si Prince Blythe.”


“Sana ako na lang ang ipinagtanggol niya.”


Mukhang nainis ito sa mga bulungan ng mge estudyante kaya umalis na ito sa harapan namin.


“What’s with the holding hands?” Nagtaka ako sa tanong ni Auria.


Sabay-sabay na napatingin sa amin sila Dahlia kaya sinundan ko ang tinitignan nila.


Napabitiw ako sa kamay ni Blythe. Kami pala ang tinutukoy niya. Bakit hindi niya pa tinanggal? Pwede naman siya ang unang bumitaw ah. Walang sinabi na iba si Blythe at umalis na. Saan punta yun?


“Sinaktan ka ba niya Lista?” Tanong ni Maxwell at hinawakan ang magkabilang balikat ko.


“Nung nakita namin na mayroong nagkukumpulan na estudyante ay nilapitan na naming kayo.”


“Ayos lang ako.”


“Ano bang gustong patunayan ng lalaki na iyon?”


“Sino ba siya? May nagawa ba siyang kasalanan sa inyo.”


“Siya si Alexander Waiola. Siya rin yung nakaaway ni Pierre kaya kami pinagbantay noon sa front gate ng Academia. Tatanga tanga din kasi si Pierre, nabangga niya.”


“Kasalanan ko pa ngayon?” Natawa ako sa reaksiyon ni Pierre.


“Dahil lang sa ganun na kaliit na bagay?” Sabi ko.


“Gumawa kami ng imbestigasyon namin tungkol sa kaniya, matagal na niyang gustong mapabilang sa First Triad ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya nakakapasok.”


“Kaya siguro galit siya sa akin dahil ako wala pang nagagawa ay nakapasok na kaagad.”


“Wag mong isipin yun Lina, sigurado ako na may nakita si Headmaster sa iyo kaya ka niya inilagay sa First Triad.” Ngumiti lang ako sa sinabi ni Skye.


“Matanong ko nga Lina, sigurado ako sa nakita ko eh.”


“Ano yun Misty?”


“Nakita kong lumabas na ang apoy sa kamay ni Blythe, ibig sabihin nawala siya sa control niya. Papaano mo nahawakan ang kamay ni Blythe na nag-aapoy gayung walang nakakahawak nito dahil siguradong masusunog ang balat mo?”


Ha?





Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now