Ano? Teka, what? Carps what?


"Carps? Pinagsasasabi mo, tol?!" si Creed.


"Carps... Carpet... Rug... R-U-G? Duh?!" proud na sabi ni Isaiah sa'min. Binatukan siya ni Solaire at inirapan ko naman. "Masyado naman kayong bayolente. Narinig ko lang naman 'yon e," he scratched his nape.


Talaga itong si Isaiah. Sa sobrang lawak ng social circle niya, nakaabot na sa Manila. He also has friends from the States and East Asia. Ang alam ko, may connections din siya sa Lasalle kaya hindi na ako magtataka kung doon niya natutunan ang ka-conyohan niya. I mean.. Yes, Solaire and I are conyo but these Lasallians had it on another level.


"Okay, whatever. I'll book our hotel rooms na," presinta ko dahil mukhang walang mangyayari kung walang magsasabi ng plano. Napakagulo namin kapag nagsama-sama. "Car mo ulit ang gagamitin natin. Let Creed pay for the gas," sabi ko kay Isaiah.


"Ilang araw tayo roon?" tanong ni Creed.


"Four days siguro? So we could still spend time with our family," ani Isaiah.


Nag-usap pa kami tungkol sa ibang bagay hanggang sa napagkasunduang umuwi na. May tatapusin pa raw na article si Solaire at may pupuntahan pa raw si Isaiah, hindi nga lang sinabi kung saan. Nasa labas lang naman ang kotse namin kaya sumakay na ako roon at umuwi.


Nagkita kami ni Cali kinabukasan. It's already Saturday and sa Monday na ang alis namin papuntang Rizal. Magkaiba ang van na sasakyan namin ni Cali since we are from different schools, pero parehas lang ng lugar kung saan mag-stay. Nasa department store kami dahil kailangan daw niyang mamili ng ilang mga gamit na dadalhin sa Antipolo. Sumama naman ako dahil gusto ko ring bumili ng bagong sneakers.


"Mas bagay ito sa'yo," itinuro ko sa kaniya ang blue and white striped polo-shirt. I mean, bagay naman sa kaniya lahat. Kahit nga siguro walang suot. Charot.


Tumango siya. "Sure, basta sabi mo e."


"Aba! Tinatanong mo kung alin ang mas babagay sa'yo e," reklamo ko sa kaniya.


"Oh talaga? Bakit hindi mo sinagot na ikaw?"


"Ha?" nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at nagkunwaring naghahanap ng ibang damit.


"Ha?! Hang cute mo po, Ate Jaide!" he mocked in a girly voice. He laughed when I rolled my eyes at him.


"Bilisan mo na. Gutom na ako," sabi ko. Ala-una na at hindi pa kami kumakain ng lunch. Kaninang eight o'clock pa ako kumain ng breakfast.


"Okay po, Madam," he nodded and continued picking some clothes. Kanina pa ako nakapili ng sneakers. Parang sa aming dalawa, siya 'yong babae. Mas matagal pa siyang mamili kaysa sa'kin.


Nang matapos kaming kumain ng lunch, nag-ikot pa ulit kami. We were so occupied with each other's company that we haven't noticed that it's already past five. Dumiretso na kami sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. Hindi na niya ginagamit ang motorbike niya dahil palagi raw kaming magkasama at alam niyang mas komportable ako sa four-wheels.

Downfall of the Ace (Series of Epitome 1) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now