Eve Yuna POV

Sinundo ko na naman sa ministop si Jion.

“Sa susunod kasi magdala ka ng payong!”

Ngumiti lang siya. “Ang cute ng bagong payong mo.” Papuri niya.

Nagumpisa na kaming maglakad papunta ng school.

“Kamusta pala ang manliligaw mo?” Umpisa niya ng usapan.

“Ah—“ hindi ko alam anong sasabihin ko.

“Niyaya ka na ba niyang magdate?” tanong niya.

“Oo.” Sagot ko naman.

“Pumayag ka?” tanong niya ulit.

“Hindi.” Sagot ko.

“Ha? Bakit?” gulat na tanong niya.

“Hindi ko kasi alam anong gagawin ko! Sinabi ko nalang na mag group study nalang tayong tatlo.” nagpapanic na sagot ko.

Nagfacepalm siya.

“Eh pano ka magkakaroon ng boyfriend kung hindi ka makikipagdate?” sabi niya.

“Ewan ko!!” sigaw ko sa kanya.

“Lalabas lang naman kayo eh. Mamasyal. Parang tayo lang.” explain niya saken.

“Kung ganon pagtitinginan din kami ng mga babae?” tanong ko.

“Minus yun.” Sabi niya.

Mataas ang confidence niyang mas gwapo siya.

“Pero bakit naman niya ko nagustuhan?” tanong ko sa kanya.

“Bakit di mo siya tanungin.” Sabi niya saken.

“Nakakahiya kaya!” sabi ko naman.

“Eh dati galit siya kasi nasaktan si Suzy.” Kwento ko.

“Bakit naman nasali si Suzy?” nagtatakang tanong niya.

“Hindi mo ba alam? Magbestfriend din kaya sila.” Sabi ko sa kanya.

“Ah-talaga? Hmm something’s fishy…” narinig kong bulong niya.

“Ha?”

Magkasama kami ulit kaming tatlo na kumain sa canteen.

Merong konting conversation pero pag si Gabby at Jion ang naguusap… hindi ko alam kung bakit pero parang parati silang nagaaway kahit na sa tingin ko dapat nagkakasundo sila kasi halos parehas sila ng ugali.

Nagkita kami ni Suzy sa CR.

“ah-Hi.” Bati ko.

Nginitian naman niya ako.

“Napansin ko, naging close kayo kay Gabriel.” Sabi niya.

“ah-Oo.” Sabi ko.

“Tutal, bestfriend ka niya, bakit hindi ka nalang sumama samen?” alok ko.

“ah… hindi bale nalang.” Alanganing tanggi niya.

“Bakit naman?” tanong ko.

“Ex ko na kasi ang bestfriend mo.” Sagot niya.

Hindi ko magets. Pwede naman silang maging magkaibigan ni Jion.

“Hindi ka kasi pwedeng makipagkaibigan sa Ex mo.” Dugtong niya.

Ha? Pero bakit?

“Uhm nililigawan ka ba ni Gabriel?” tanong niya.

Overly Attached Best FriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!