Kabanata5 (The Rivals)

Magsimula sa umpisa

"Sinusundo ka. I miss you." Wait lang ha. Anong nangyayari sa earth? Sino ang babaeng ito?

"Diane. Diba sabi ko na-"

"Babe. Im sorry ok. Alam ko naman na pinagseselos mo lang ako eh. Sorry kung iniwan kita. Nandito na ako oh. Huwag mo na akong pagselosin nasasaktan na ako. Sabi ni Mommy ginagawa mo lang to para makita ko ang worth mo. And Im telling you Babe its working" Biglang sumakit ang puso ko sa sinabi niya. Para pagselosin siya? Ano yon? Lokohan? Planado?

"Diane. Hindi tayo--" nanlaki ang mata ko ng bigla niyang halikan si Axel sa labi.

Ok. I can't take this anymore. Sakto naman ang pagdating at pagbusina ni Mommy. Agad akong tumakbo at iniwan sila.

"Gianna!" Bwisit ka. Hindi ka sana makahinga sa yakap ng babaeng yan.

Hindi ka pwedeng umiyak Gianna. Hindi. Mahahalata ka ng Mommy so bawal. Bumaba pa si Mom para salubungin ako pero napansin kong sa direksyon siya ni Axel nakatingin.

"H-hi Mom" pinilit kong alisin ang bara sa lalamunan ko. Humalik ako sa pisngi niya bago ako pumunta sa passengers seat.

"Hi baby. Are you ok?" Tipid ngiting tumango ako sa kanya.

Pagdating sa bahay tumakbo na ako agad sa room ko dahil hindi ko na mapipigil pa ang mga luha ko.

Ayan ang problema sa maagang pagalalandi. Nakakaasar ka. Talaga. Paano nga naman maiinlove sayo ang lalaking iyon. Bukod sa boring ka ang plain mo pa. Nakita mo ba ang itsura ng babaeng iyon? Maganda siya,sexy kahit hindi siya mukhang matalino pero ganoon malamang ang tipo ng katulad ni Axel.

"Baby?" Agad kong pinunasan ang mukha ko pero huli na dahil nakapasok na si Mom at nakita akong umiiyak. Nakita ko agad ang taranta sa mukha niya.

Ang sama mo Gianna. Pati ang mommy mo dinadamay mo. "Anak, anong problema?" Pinunasan niya ang mukha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil feeling ko yun ang pinaka kailangan ko ngayon.

"Im sorry Mom. Im sorry po."

"Young love" bulong ni Mom. Inangat ko ang mukh ko at nakita siyang nakangiti.

"I know. I'm your mom. Alam kong may relasyon kayo ng Axel na yon. Iba ang saya na meron ka nitong mga nakaraang linggo. I'm just waiting for you to tell me." Mas lalo akong nakaramdam ng guilty.

"Im sorry Mommy" niyakap ko ulit siya. "So pwede mo na bang ikwento kay Mommy bakit umiiyak ang Baby ko?" Tumango ako.

"Anak kasama sa pagmamahal ang sakit. Dahil bata ka pa feeling mo ang perfect ng relationship ninyo. At dahil feeling mo perfect na siya hindi mo napaghandaan ang problema." Pinunasan ni Mom ang mukha ko pagkatapos kong kwento ang lahatlahat.

"Ang love nakakapagantay yan pero para tayong nagmamadali kapag nararamdaman na natin. Sa case niyo ni Axel pag-uusap ang kailangan dyan. Nasabi mo na ilang linggo na siyang parang balisa at may iniisip, so baka yung babae na nga na yon ang pinoproblema niya diba?"

"Hindi ka po galit sa akin Mommy?"

"Ofcourse not baby." Niyakap niya ulit ako habang nakaupo sa kama ko. "Nagtatampo lang kasi mas alam pa ni Ninang Jana mo kesa sa akin, unang kita ko pa lang sa Axel na iyon alam ko ng type ka nun eh pakiramdam ko naman mabait siya. Pero anak, bata ka pa ha. Huwag ka munang mag asawa." Natawa naman ako don.

"Mommy naman, asawa agad?"

"Kung galit ka sa kanya maiintindihan ko pero ayaw kong patagalin ninyo ang ayaw na yan dahil baka makaapekto yan sa pag-aaral mo at kapag naapektuhan ang class standing mo Gianna hindi lang ako ang magagalit pati na rin ang Daddy mo. Pag isipan mo kung ano ang gagawin mo. Kung makikipaghiwalay ka kausapin mo ng maayos at malinaw" tumango ako. Siguro nga hindi pa ako handa para sa ganito.

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!