NAGLALAKAD na kaming tatlo pauwi nila Alexa at Marlon sa gilid ng kalsada at puro chikahan ang dalawa habang ako dito ay buong araw na atang sisimangot.
"Hoy, Charmelle, anyare sayo?" puna sa akin ni Alexa habang kumakain ng fishball na nabili namin sa labas ng school. Hindi na ata nakatiis sa katahimikan ko, madalas kasi ako ang maingay sa aming tatlo.
"Wala," nunkang aminin ko sa inyo ang dahilan.
"Siguro, iniisip mo pa rin yung 'pinsan' ni Jonas, 'no?" pang-aasar ni Marlon. Nag-quotation sign pa.
"Hindi!"
"Eh sino? Si Jonas?" nakangising tanong ni Alexa.
"O, baka naman si Aaron?" dagdag pa ni Marlon.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanila. "Nakakainis kayo ngayon, alam niyo ba?"
Natawa sila sa sinabi ko. "Ngayon alam mo na ang pakiramdam kapag inaasar mo kami?"
Inirapan ko sila at mabilis na naglakad. Bahala silang dalawa, huwag nila akong kakausapin dahil nag-iinit talaga ang ulo ko ngayon.
Bakit ba kasi bumalik pa 'yon dito!? At saka, pinsan niya si Jonas? BAKIT HINDI KO ALAM?! PUNYEMAS NAMAN!
Nang makita kong huminto na ang mga sasakyan ay mabilis akong tumawid, narinig ko pa ang mga tawag nila Marlon at Alexa kaya huminto ako nang makarating ako sa kabila.
"Bilisan niyo!" inis kong sigaw. Puro kasi kwento ang ginagawa.
"Banak si Charmelle!" Natatawang sabi ni Marlon ng makalapit sila ni Alexa.
"Jonas lang pala ang panlaban!" Pang-aasar pa ni Alexa.
Mabilis namang umalma si Marlon. "Tongeks! Yung pinsan nga ata! Sino nga ulit 'yon, Charmelle? Allurem? Ohmygod! He's so gwapo! Kahit yung pangalan niya ang gwapo rin!" nagtititili pa siya at walang pakialam sa mga taong nakatingin sa amin.
Nagtalo pa sila kung sino daw ang ipang-aasar sa akin dahilan para mas lalong mag-init ang ulo ko. Kapag ako hindi nakapagtimpi iuuntog ko sila pareho sa isa't isa.
Hanggang sa nakauwi ako ay nakasimangot pa rin ako. Pagkapasok ko ng bahay ay hinagis ko ang bag ko sa sofa at naupo. Naiinis kong tinanggal ang sapatos at medyas ko. Paniguradong hanggang bukas ay aasarin ako ng dalawang iyon or worst! Habang buhay pa!
Nawala lang ang pagkayamot ko ng makarinig ako ng kalampag ng plato sa kusina.
"Ma?" pero imposibleng si Mama dahil paniguradong sumama 'yon sa pamamasada ni Papa.
Naglakad ako papunta kusina bitbit ang bag at sapatos ko. Nakita ko isa sa mga kuya ko na kumakain sa hapag.
"Kuya Simon?" paniniguradong tawag ko sa kanya. Bakit nandito 'to? Wala ba siyang pasok?
Tumingala siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Bakit ngayon ka lang?" heto na naman po tayo.
Nilagay ko sa lamesa ang bag ko at nilapag sa sahig ang sapatos. Umupo ako sa kaharap niyang upuan at nagsandok ng kanin at ulam. Nakakagutom, ikaw ba namang naglakad lang pauwi.
"Sumakay po kasi ako kasi kaya ngayon lang ako." sarkastikong boses na sagot ko sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin bago nagpatuloy sa pagkain, gano'n din ang ginawa ko. Matapos kumain ay nilagay ko muna sa lababo ang pinagkainan ko bago umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko dala-dala ang bag at sapatos ko. Kumuha ako ng damit pambahay at muling lumabas sa kwarto ko.
Nakita ko si Kuya Simon sa sala at nagsosoot ng sapatos niya, naka-uniform na siya ngayon na pang-college.
"Ngayon ka lang papasok, Kuya?"
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionShe never been inlove for someone. Never been crazy over someone. Never been dependent to someone. Ang sabi nila, kung sino daw ang ka-red string mo ay siya daw ang itinadhana o ibinigay para sayo at makakasama mo habang buhay. Hindi naniniwala doon...
