2nd

9.9K 262 141
                                    

Sakit

"Winkaye, bakit ang alat-alat naman ata netong isda na prinito mo? Hindi ka ba marunong tumikim-tikim? Kung kailan ka tumanda, saka ka naging papalpak-palpak!" reklamo ni Inay. Ang kanyang mukha ay nangangasim habang matalim na nagpalipat-lipat ng tingin sa akin at sa isdang iniluto ko para sa kanya.

Pinunasan ko ang namumuong pawis sa aking noo at tuwid na tumayo. Maaga pa pero pawisan na ako. Marami-rami na rin kase akong nagawa. Nakapagsaing, nakapagluto ng ulam, nakapag-igib at nakapagsibak narin ng kaunting kahoy kaya etong pagwawalis nalamang ang kailangan kong tapusin. Ang gawaing bahay sa umaga ang aking ehersisyo.

"Pasensya na po Inay, inuna ko pa kase ng luto iyong tuyo dahil nagutom po ako-"

"Aba wala akong pakialam kung nagugutom ka! Kaya ba may bawas na ang kanin kanina, dahil nauna ka nang kumain? Ano ang karapatan mo para unahan ako sa pagkain? Wala ka na talagang respeto kahit kailan ano?" pinandilatan niya ako at inambahan ng tinidor

Sa takot ay humigpit ang hawak ko sa walis ting-ting.

"Wala po kase akong hapunan kahapon Inay..." paliwanag ko. Naubusan kase ako ng kanin at ulam kagabi kaya nagutom ako kanina. Kaunti lang kase ang aking isinaing dahil wala dito si Itay, andoon siya sa aming maliit na kubo sa palayan, nagbabantay dahil malapit na ang ani.

Hindi ko naman sinasadyang sumama ang loob ni Inay sa akin. Sadyang sobra na ang pagkalam ng aking sikmura kaya inuna kong lutuin iyong tuyo na aking ulam bago iyong kay Inay.

"Nagdadahilan ka pa?!?" hiyaw niya

Kumabog ang aking puso. Nababasa ko kase ang matinding galit ni Inay sa akin mula sa kanyang nag-aalab na mga mata, hindi ko alam kung dahil iyon sa ulam o dahil sa aking presensya.

"Pasensya na po. Nagsasabi lang naman po ako-"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla niyang ibinagsak ang kanyang pinggan na punong-puno ng kanin at isda. Nagkalat ang laman ng kanyang plato sa sahig.

Napaigtad ako at nabitawan ang walis ting-ting. Ginapangan ako ng kaba lalo na nang tumayo si Inay at lumapit sa akin habang ang kanyang dibdib ay nagtataas-baba, dala ng galit.

"Punyeta ka! Talagang sumasagot ka na ngayon ah?!? Sinisira mo ang araw ko!"

Napatili ako ng mahina nang biglang hablutin ni Inay ang aking buhok at hilahin iyon. Pakiramdam ko ay nahila niya pati ang aking anit sa lakas ng kanyang pwersa.

"Nasasaktan po ako Ina-"

"Talagang masasaktan ka! Alam mo, kating-kati na akong gawin ulit sa'yo to! Ngayong wala si Winnie, hayaan mo akong patikimin ka ng kaunti ah?" panunuya niya habang nakangisi

Masyadong mabilis ang pangyayari.  Natagpuan ko na lamang ang aking sariling nakasubsob sa sahig, katabi ng aking mukha ang iilang butil ng kanin na nahulog kanina. May iilan pa na dumikit sa aking labi at pisngi dahil sa pagdidiin ni Inay sa aking mukha. Ramdam ko ang lamig ng sahig pero mas ramdam ko ang panlalamig ng aking puso.

"Ayan! Diba gutom ka kamo? Lamunin mo ang lahat ng yan!!"

Ang matigas at malamig na sahig ay lalo kong naramdaman nang isubsob pa ako lalo ni Inay. Nang makontento ay binitawan niya ng marahas ang aking buhok at inutusan akong kainin ang nagkalat na kanin.

Gusto kong umangal at magmakaawa pero tahimik ko nalamang na sinunod ang gusto niyang mangyari. Isa-isa kong kinain ang butil ng kanin gamit ang aking bibig.

Hindi ko na maramdaman ang lasa, ang tanging naramdaman lang ng aking labi ay ang lamig ng kanin at ulam na dulot ng sahig. Ang sahig at pagkain ay malamig...... malamig lahat. Ang tanging mainit lang na nararamdaman ko sa kasalukuyan ay ang luhang naglalandas mula sa aking mga mata patungo sa aking pisngi.

Along The River (Albuera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon