'Anong virus naman 'yon?'
Kahit hindi ko maintindihan si mommy ay tumango nalang ako. Bata palang ako pero napakarami konang katanungang hindi nasasagot.
'Kagaya ng bakit bawal akong lumabas ng gate? Bakit ang daming naka itim na mga lalake? Ganito rin ba sa ibang bahay?' Mga tanong ko sa isip ko na hindi nasasagot.
p>__<q
Kapag tinanong ko si mommy sa mga bagay-bagay na nakikita ko ay sinasagot naman nya, kaso sa tingin ko napakalayo ng mga sagot nya sa'kin dahil mas lalo akong naguguluhan.
'Yung daddy ko? Ayun laging wala. Hindi ko alam ang trabaho ng daddy ko at wala nakong pake alam don.Wala rin naman syang pake alam sa'kin. Tuwing nandito sya sa bahay ay dinadaanan nya'lang ako. Walang away na namamagitan sa'min pero ilag ako sakanya at ilag sya sa'kin.'
Lahat ng ginagawa ng mga bata ay hindi ko nagawa. Ni hindi ko nga alam yung itsura ng buong labas dahil ni minsan hindi ako pinayagang lumabas ng daddy ko. Wala rin akong kaibigan ni isa. Bawal rin ako maglaro ng mga laruan. Iniisip ko ano bang nangyayare?
'Bakit lahat nalang bawal?'
Bilang bata na limang (5) taong gulang hindi ko maintindihan 'yung mga nangyayare. Pakiramdam ko nasa malaking kulungan ako. Sinusustentuhan, pinapakain, binibihisan, pero yung kapalit ng mga yan yung kalayaan ko. Naisip ko nung bata ako, hiningi koba na tratuhin nila ako ng ganito? kung kapalit naman ay yung kalayaan ko. Pakiramdam ko nasa maluwag akong lugar pero hindi ako makahinga. Para akong ibong walang kanang pakpak kaya hindi makalipad ng malaya kagaya ng iba. Buong pagkabata ko hindi ako naging masaya.
Dumating nasa puntong nagalit nako sa daddy ko. Bilang bata hindi ko maiiwasang mapa-isip ng kung ano ano at madaling mapaniwala lalo na sa mga nakikita ko. Nagalit ako sa daddy ko dahil hindi nyako hinayaang maging masaya. Ayan ang sa tingin ko o napapaniwalaan ko dahil ayan ang nararamdaman ko. Hindi ko naman maiwasan na maramdamang magalit dahil bata pa ako at mahirap umintindi. Pero sana naisip din ng daddy ko na tao ako, na kailangan korin ng eksplanasyon nya kung bakit nya ginagawa to pero wala. Napakaraming pagkakataon. Nasa bahay lang ako pero ni minsan hindi nya pinaliwanag kung bakit ayaw nya akong lumabas. Nag ho-home schooling lang din ako dahil nga hindi ako makalabas ng bahay.
Naalala kopa no'n kung paano nya apakan 'yung paborito kong laruan na sasakyan dahil regalo sa'kin to ng mommy ko no'ng birthday ko no'ng 4 years old palang ako.
" Broom!! Brooommm!" Sabi ko habang nilalaro ko 'yung laruan kong sasakyan. Nagulat ako ng biglang apakan ng daddy ko yung laruan at nasira.
p>_____<q
Nagsimula na'kong umiyak dahil hindi ko alam 'yung dahilan ni daddy kung bakit nya ginawa 'yon. Nang mga oras na'yon lalong nadagdagan 'yung galit ko sa daddy ko.
'Ano bang problema nya sa'kin? Buti nalang nandyan yung mommy ko para patahanin ako ng oras nayon.'
" Shhh, tahan na darling. Kakausapin ko si daddy ah? Papaluin ko sya kasi sinira nya yung laruan na bigay ni mommy sayo." Pag-aalo sa'kin ni mommy. Tumango tango naman ako no'n at tumigil nasa pag-iyak.
'Bakit nyaba ginagawa sa'kin 'to? Kaonti nalang iisipin kona ayaw nya sa'kin.'
Umalis na si mommy at umakyat sa taas upang puntahan kung nasan si daddy. Nakita kong pumasok si mommy sa kwarto nila ni daddy at sinara. Sinundan ko naman sya at nakinig sa pag-uusap nila.
" Hon, bakit mo naman ginawa sa bata yon?" Rinig kong patanong ni mommy kay daddy na may halong inis.
" Sorry wifey. Paranoid lang siguro ako para isipin na baril dapat ang hawak ng anak natin kesa laruan para maprotektahan nya 'yung sarili nya sa panganib. Alam mo naman 'yung trabaho ko wifey diba? Maraming galit sa'kin ngayon at alam nilang hindi nila ako mapapataob, kaya naman 'yung mga mahal ko sa buhay yung pupuntiryahin nila." Rinig kong seryosong piliwanang ni daddy kay mom na ikinakunot ng noo ko. Pinunasan ko ang sipon kong tumutulo sa ilong at inayos ko ang posisyon ng mukha ko sa pinto para lalong makarinig ng usapan nila.
YOU ARE READING
'Til The Perfect Day
RandomKahit kailan ay hindi naging pantay ang buhay ng mga tao. Nasa iisang mundo pero ang iba'y naguguluhan, nalilito, masakit pero 'yan ang totoo. Sa hirap ng buhay minsan gusto monalang sumuko, pero sila? hindi nagpaapekto. Sila 'yung taong pin...
~♥~ Flashbacks (2) ~♥~
Start from the beginning
