Prologue

1.2M 16.8K 590
                                    

Maki Say's: Alam kong madami ang hindi magbabasa ng Note ko pero sasabihin ko na din kung anyayare. I am revising this story. Yes. Cray cray month for me. Revising a loooot of my stories para sa ekonomiya. Sana magustuhan niyo :) 

And No! Hindi porque revision sunod sunod na ang update. Currently revising so parang nag-susulat ulit ng panibago. Hindi lang basta proof reading ang ginagawa ko. 

HIGHEST RANK: #3 In WATTPAD ROMANCE


--

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--


"AKIN NA YAN" Pumailanlang ang malakas na sigaw ng lalaki sa kabila ng ingay ng arcade games sa paligid. 

Magkasalubong ang kanyang kilay. The man's literally throwing daggers at me. Ang kanyang singkit na mata ay mas lalong naningkit. His narrow lips pressed in one line. Goodness, he's tall, like 6 foot tall at napakaweird na nakikipaghilahan siya sa akin sa star stuffed toy sa gitna ng Gamezone.

"Bakit? Ikaw ba ang  nakakuha nito sa claw crane? Ako, hindi ba? Bakit ko naman ibibigay? Once in a blue moon 'to. It is like an Axial Tilt. Once in 41,000 years lang ang phenomena na yun sa astronomy, and this!" Itinaas ko hawak kong stuffed toy, "—Is my Axial Tilt!" 

 His perfectly chiseled nose wrinkled. Humakbang siya ng isa kaya napaatras ako. His presence screams dominance despite his soft, boy next door features. Mukhang wala siyang sasantuhin. He may look good, but definitely not nice.

"It was my coin you used to get that!" Reklamo niya.

Well, he's right. Eksaktong tumanggap siya ng tawag nung nag-hulog siya ng coin sa claw crane. Kinuha ko ang pagkakataon para maglaro doon kanina at sinuwerte ako. Otherwise, the coin will be forfeited. Still! Ako pa din ang nag-effort!

"Calla, tara na. Hayaan mo na yan." Hinila ng kakambal kong si Clover ang laylayan ng suot kong blouse pero pinalis ko iyon. Hindi ako aalis hangga't hindi bumibitiw ang lalaki sa stuffed toy ko!

"You are testing my patience."

The guy's expressive caramel eyes went dark and brooding, and it reminded me a beautiful dying star in the constellation of Aquarius. Ha, so what if his eyes looks like the Helix Nebula

I cringed. Ano bang iniisip ko? He can never level to my astronomical obsession. I can stare at the galaxy doing nothing the whole day. Pero sa lalaking ito? Hindi ko matatagalan na makasama sa susunod na tatlong minuto.

"Bakla ka ba?" Humalukipkip ako at binitawan ang kamay ng star stuffed toy.

Umatras ang kausap ko, nag-salubong ang makakapal niyang kilay. His strong jawline moved with hate. 

"Ano?" Pakli niya, naiirita.

"Oh. That's it. Fair skinned, tall, pink thin lips, caramel eyes, high cheekbones, straight nose." Kinuha ko ang kamay niya pero agad ding ibinagsak iyon, "Long, straight fingers."

"If that is your strategy for me to kiss you, sorry, it won't work. Give me my toy."

Hindi talaga siya susuko. Huminga ako ng malalim at naisip na makipagnegosasyon na lang para matapos na.

"Fine. Isosoli ko ang coin mo, tapos maglaro ka na lang ulit." Suhestyon ko.  "Clover, bigyan mo ng coin." Utos ko sa kakambal ko na agad na lumapit at saka nag-abot ng coin.

"No! I want the toy."  Pinaliit ng lalaki ang aming distansiya, halatang nauubusan na ng pasensya. Pumikit siya ng mariin at nang dumilat ay parang naging maamong tupa ang mga mata. Ang labi niya ay lumapit sa aking tainga at ang mainit niyang hininga ay kumiliti sa balat ko. He's gonna flirt with me, sigurado iyon. It won't work. 

"Okay, Bro. I know you want to impress your girlfriend but I want to impress my date, too. Her niece wants the goddamn toy." Mahinahon niyang sabi na ikinalaglag ng panga ko.

Bro? Girlfriend?

Tiningnan ko ang kakambal ko na impit na tumatawa sa aking likuran.

"Napagkamalan kang lalaki, Calla." Kahit mahina ang boses ni Clover ko ay sapat na iyon para mainsulto ako.

"Sinasabi mo bang---"

"Please, I have no time anymore. Papunta na dito ang date ko at ang pamangkin niya. I will just buy this then we will all live in peace. Me and my date, you and your girlfriend."

"Live in—" Kumurap kurap ako. Loading ang sinasabi ng lalaking may matang parang Helix Nebula.

Nang makabawi ako ay wala sa sariling tumingkayad ako at pilit na inabot ang kanyang tainga pero hanggang leeg lang niya talaga ako. Blame it to my 5 foot three height. Naglambitin ako sa kanyang leeg at sinarhan ang distansiya namin. Pinanlakihan ang lalaki ng mga mata dahil sa gulat

I inhaled and made sure my diaphragm is properly working for a one deafening shout.

"Hindi ako lalaki at hindi din ako tomboy!" Sigaw ko ng buong lakas na halos umagaw ng atensyon sa kabila ng ingay sa Gamezone.

Napakapit ako sa kuwelyo niya nang naging mabuway ako mula sa pagtingkayad, wala sa sariling tinanggap niya ang bigat ko at maingat na sinalo sa baywang.

For a split second, napatitig ako sa maamo niyang mukha na parang hindi gagawa ng masama sa malapitan. Mas nadagdagan lang non ang pagiging kyuryoso ko sa pagkatao niya. His scent was beyond legal, it was too strong, too masculine and too good to be true. He licked his lower lip and worse, I mimicked it. A small smile curved on his lips and he looks dangerously beautiful now. Matigas akong umiling. Hindi ito maari.

Hindi ko siya pinupuri. Hindi, dahil kahindik-hindik iyon.

Umatras ako para iwasan siya. I smirked when I saw a blank reception on his eyes. Kinuha ko ang pagkakataon para muling umabante papunta sa kanya at malakas na tinuhod ang Comet Hartley sa pagitan ng kanyang mga hita.

He screamed in a very manly way. He patted his crotch and then he curled into a ball. Lukot na lukot ang mukha niya.

"Ah! What did you do?!" Galit at namimilipit na sigaw ng lalaki.

I giggled. It reminded me the moment I came first on a triathlon. Gusto kong mag-celebrate.

"Tara na, Clover." Anyaya ko sa kakambal ko. Hindi man lang ako nasindak sa pag-sigaw sigaw ng lalaki.

"You will never get away with this!" Baritonong banta niya pa.

"You'll never see me again even in Milkway!" Sagot ko pabalik na tumatawa pa.

He Married His Secretary I (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon