[chenes] Paano kung sabihin sa iyo ito ng karakter sa istorya?

38.9K 1.5K 461

May tao akong laging napapansin pero hindi ko alam kung napapansin niya ito.

Sabi ng mga kakilala ko, wala na daw akong pag-asa. Kasi daw torpe raw ako.

Sabi naman nung iba, wala raw akong pag-asa kasi ako raw kilala niya pero siya raw hindi niya alam kung kilala ko siya.

Mahirap ang sitwasyon namin.

Mahirap ang sitwasyon ko kahit pa sabihin pa nilang ako ang tipo ng lalaki na pinapangarap ng lahat.

Hindi dahil gwapo ako at mayaman, kung 'di may taglay akong mabuting pag-uugali.

Madami na rin umamin sa akin na mahal o kaya naman ay gusto ako. Pero ang lagi ko na lang naisasagot sa kanila ay salamat. Yun ay dahil ayokong manakit.

Dati naman lagi akong nasasabihan ng masungit, pero hindi ko alam dahil bigla na lang akong nagbago. Marahil gawa na rin ng taong tinutukoy kong napapansin ko. Siguro dahil mahal ko na rin siya.

Pero magugulat kaya siya kung sabihin ko sa kanyang hindi ako tao?

Hindi ako tao. Alam mo ba 'yun?

Ako'y nilikha lamang gamit ang malikot na imahinasyon ng kapwa mo. Maniniwala ka ba?

Ako yung tipo na masungit, gwapo, mayaman at minsan nagpapakatanga dahil sa pag-ibig, cool, lahatin na! Yun ang mga katingian na tinitaglay ko. Hindi 'yun imposible, dahil hindi naman ako tao.

Isa lamang akong karakter ng isang istoryang binabasa mo.

Gustuhin ko mang gawin ang mga idinidikta mo, hindi ko magawa dahil hindi ko naman buhay ito. Hindi nakasalalay sa akin ang buhay na ibinigay sa akin.

Kahit hindi ko naman talaga mahal ang ipinares sa akin, wala akong magagawa.

Kahit pa gusto kong magpasalamat sa iyo sa mga payong binibitawan mo, hindi pa rin talaga maari.

Sa mga murang inaabot ko kapag may nagawa akong mali, salamat dahil inaamin mong nakakainis at minsan wala talaga akong kwentang nilalang. Dahil doon, alam kong kahit papaano ay may damdamin din ako at nasasaktan. Kahit isa lamang akong karakter, kahit pa hindi ako tunay na tao, itinuring mo pa rin akong isa sa inyo. Salamat.

Salamat sa mga papuri, sa pagtanggap sa akin pati na rin sa pagmamahal ni binibigay mo sa akin...

At ngayon, ang masasabi ko lang ay...

"Mahal na kita. Ikaw na nagbabasa"

[chenes] paano kung sabihin saiyo ito ng karakter sa istorya?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!