Chapter 24: Suspect

2.5K 78 2

Suspect

Wesley's POV

"Ilang oras ng patay yung biktima?" Tanong ko kay Andrew.

"Ang ETD five hours and twenty minutes." Tumingin siya sa orasan bago magsalitang muli. "One twenty na ngayon ibig sabihin bandang alas otso ng umaga ng patayin ang biktima."

At kaninang umaga parin nawawala si Kenna.

"Mr. Otis pwede ba namin malaman kung may kilala kang may motibo para gawin ang krimen na'to." Wala ng paligoy ligoy na tinanong ng Inspector si Sir Otis.

"Sa totoo lang kadarating niya lang dito three days ago, balak na sana namin magsama tutal ay isang taon na kaming kasal. Hindi ko akalain na mangyayari to, sana ay hindi ko nalang siya pinilit na pumunta dito." Umiyak na ang professor, lihis ang sagot niya sa tanong ni Inspector Donovan.

"Tsk...tsk....tsk kahit pala ang kagaya niya ay may puso din." Bulong ni Clifford.

"Shut up Clifford baka may makarinig sayo." Saway ni Amber sa kanya.

"Kung ganun bakit nandito ang cellphone ni Kenna?" Nakuha ni Craig ang atensyon ng lahat dahil sa lakas ng boses niya.

"Ikaw dapat ang nakakaalam niyan! Siguradong magkasabwat kayo!" Paratang ni Sir Otis kay Craig.

"Teka lang Sir. Anong ibig niyong sabihin?" Pigil ni Ms. Laura kay Sir Otis na akmang lalapit kay Craig.

"Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong estudyante kung magkaano ano si Kenna at Eliziana." Palaisipan na sagot ni Mr. Otis.

Kung ganun tama ang kutob ko kagabi na may mali sa pagitan ni Kenna at ng ginang.

"Craig ano?" Naghihintay ng sagot si Ms. Laura.

"Bakit pa kailangang sabihin? Iniisip mo ba talagang may kinalaman si Kenna dito?" Pagalit na sagot ni Craig kay Ms. Laura

"Sige, kung ganoon nasaan ang magaling mong kaibigan?" Tanong ni Otis.

Walang nakasagot samin bago magsalita si Amber.

"Nawawala siya kanina pang umaga pero hindi ibig sabihin ay may kinalaman na siya." Nag aalangan na sinabi ni Amber sa kanya.

"Pwede ko ba kayong maibitahan lahat para mag usap usap?" Si Inspector na ang nagsalita, nakahawak sa noo niya dahil mukhang naguguluhan sa lahat.

Sumang ayon ang lahat maliban kay Craig na kinumbinsi pa ni Ms. Laura para sumama. Kailangan niyang sumama dahil baka lalo pa siyang mapag initan.

Nandito kaming lahat sa conference room ng academy.

"Mr. Otis maaari ko na bang malaman kung sinong naiisip mo na may motibo para gawin ang pag paslang kay Mrs. Eliziana Malcolm?" Ani Inspector Donovan.

Malcolm kung ganoon ay mag kamag anak sila. Kaya pala pamilyar ang mga mata.

"Sino pa nga ba kundi ang bastarda ng mga Malcolm. Sigurado akong matagal ng galit si Kenna kay Eliziana dahil hindi siya matanggap ng sariling kapatid ng ama niya."

"Sinasabi mo bang pamangkin ni Ms. Eliziana si Kenna?" Paglilinaw ni Inspector.

"Oo anak siya ng kuya ni Eliziana, bastarda kaya hindi matanggap ng pamilya." May diin niyang sinabi.

"Mr. Otis sa palagay ko ay dapat kang magdahan dahan sa pananalita mo tandaan mong professor ka parin dito sa Cuthbert." Nagulat kami dahil sa presensya ni Ms. Roswell ngayon.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!