limit

81 5 0

CARLO POV:

Simula nang malaman ko si Karl ang magiging kaagaw ko kay Adelina nagsimula ako dumistansya. Ayoko kasi masira kung ano meron kami ni Karl at isa pa kapatid ko siya.

Pinilit ko limutin si Adelina, sinubukan ko! Pero bakit sa tuwing pinipilit ko limutin siya, bumabalik parin ang isip ko sa kanya.

Nakakabaliw na! Para ako sira pinipilit ko ituon ang sarili ko sa pagaaral at gawin busy ang mga araw ko lumilipas na hindi siya nakikita. Pero sino ba niloloko ko? Alam ko siya parin ang laman nito.

Napatingin ako sa hagdan na ngayon nasa harapan ko. Dinala ako ng mga paa ko dito. Siguro alam mg isip ko kung gaano ko gusto makita si Adelina kung gaano ko kasabik makita ang mga ngiti niya matagal ko na hindi nasisilayan.

Umakyat na ako sa hagdan. Hindi ko alam kung ano mga sasabihin ko pagkaharap ko na si Adelina. Bahala na ang mahalaga ang makita ko siya.

Humingi muna ako ng malalim ng nasa harapan na ako ng pinto nagpasiya ako kumatok. Nang mapansin bukas pala ang pinto.

Nagalangan pa ako buksan to pero binuksan ko to ng malaki. Bukas ang ilaw ng apartment ni Adelina pero bumugad saken ang magulo loob nito.

Sari sari na ang pumapasok sa isip ko. Baka nalooban si Adelina? Baka kidninap? O kaya baka sinaktan na.

Nagbalik ako sa ulirat. " Adelina! Adelina!". Pagaalala sigaw ko.

Mabilis ko siya hinanap. Nakita ko ang isang babae nasa sulok, nakaupo ito yakap yakap ang binti nito at nakayuko. habang nakasandal ito sa pader.

Madali ko to nilapitan. Puwesto ako sa harapan niya. Taman lang para masilayan ko siya ng mabuti. " Ano nangyari? Sinaktan ka ba nila?".pagaalala ko tanong.

Nakita ko siya inangat ang ulo nito. Nang makita niya ako nakita ko amg takot nang makita ako nangikabigla ko at ipagtaka ko naman. Agad siya umatras palayo. "karl! Tama na! Wag maaya ka Karl!". Nanginginig na sabi nito.

Nakita ko ang takot sa mga mata nito. Patuloy ito sa pagiyak at sa panginnginig ng katawan. Naramdaman ko ang pagkaawa dito kaya madali ko siya nilapitan. Niyakap ko siya. Nagpumipiglas ito. Pero di nagtagal napagod din to at wala nagawan kundi umiyak ng umiyak.

Binuhay ko to at dinala sa kwarto niya. Hinaplos ko ang buhok niya na para mapakalma na ito. "shhh. Okay na lahat. Andito na ako.". Mahina sabi ko.

Hanggang sa nakatulugan niya na ang pagiyak. Pinunasan ko ang luha niya tumutulo sa mukha niya sabay ang paglagay ng kumot sa katawan nito. Hinaplos ko ang buhok niya at binigyan siya ng halik sa noo.

Hindi ko alam kung ano nangyari sa kanya pero isa lang ang alam ko dahilan si Karl.

------------------------

Kumatok ako sa pinto at pinagbuksan ako ng maid namin."si Karl nakauwi na ba?". Pagtatanong ko.

"opo sir asa kwarto na po". Agad na sagot nito.

Nagmadali na ako umakyat sa taas. Wala ako pakielam kung magising sila mama at papa ang importante maprotektahan ko si Adelina sa kapatid ko.

Hindi ko na kinatok ang kwato nito binuksan ko to agad at bumugad saken ang isang lalaki nakatayo, nakatingin sa pintana habang tumutunga ng alak. Nakita ko napalingon ito saken pero madali din bumalik ang tingin sa bintana.

"ohh. Ano dahilan at napasyal ang kapatid ko sa kaharian ko.". Pangaasar na sabi nito.

Hindi ako sumagot. Mabilis ako lumapit at hinatak ko ang damit nito mabilis ko to sinuntok sa mukha. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hanggang ngayon naalala ko si Adelina kung paano ang panginginig ng katawan nito, ang luha nito at takot sa mukha nito.

"sabihin mo! Ano ginawa mo kay Adelina!". Sigaw ko.

Matalas ang tingin ko dito na ngayon nakahiga ito sa sahig. Dahil sa lasing ito wala ito lakas para lumaban. Wala ako narinig na sagot mula dito kaya hinatak ko siya sa kwelyo niya ng dalawa ko kamay. Tinaas ko to at sinandal siya sa pader.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "sabihin mo! Bakit mo yun ginawa sa kanya hah?!". Sigaw ko tanong.

"Ginawa ko lang ang dapat!".sagot nito at Nasilayan ko ang ngiti nito sa labi.

Nagdilim ang paningin ko sa mga narinig ko sa kanya. Kaya sinuntok ko siya ulit hanggang sa napahiga na lang ulit ito sa sahig. Iniinda nito ang sakit ng mga suntok na galing sakin.

"Hinyaan ko siya sayo! Akala ko magiging maayos siya sayo Karl! Akala ko iba ka! Pero nagkamali pala ako. Playboy ka nga pala. Playboy is alway be a playboy!". Sigaw ko.

Lumapit ako dito at hinawakan ko ng dalawa ko kamay ang damit niya dahilan para umangat siya ng bahagya.

"Wag na wag ka na lalapit sa kanya! Subukan mo saktan siya ulit! Baka hindi ako magdalawa isip na kalimutan kita bilang kapatid!". Diin ko sabi.

"jusko! Carlo ano ginawa mo sa kapatid mo". Sigaw nito.

Madali ako tinulak ni mama at dahilan para mabitawan ko si karl. Dali dali nito hinawakan si Karl na wari'y taranta ito. Hindi nito alam kung ano gagawin.

"Carlo ano ginawa mo sa kapatid. Jusko!". Luha napatingin si mama saken.

Para naman ako nabuhusan ng yelo. Napatingin ako sa kamay na wari'y hindi ako makapaniwala nagawa ko yun. "sorry! Hindi ko sinasadya! Sinakt-". Paputol ko sabi.

"magkapatid kayo! Hindi kayo dapat nagkakasakitan. Carlo naman. Dapat ikaw na nagpasensya alam mo naman ganito si Karl!". paninermon nito.

Tinayo nila si Karl kasama ang katulong at hiniga ito sa kama. "ma naman hindi naman sa lahat ng bagay ako nagpapasensiya. Ehh-". Pagpapaliwanag ko.

"tama na! Pumunta ka na sa kwarto mo". Galit na tingin saken ni mama.

Nagulat ako sa mga tingin ni mama na parang ako ang may malaking kasalanan dito. Hindi na ako nakasagot, hindi ko na nagawa ipagtanggol ang sarili ko. Naglakad na ako paalis sa kwarto ni Karl. Pumunta ako sa kwarto ko at sinara ang pinto.

Napaupo na lang ako sa sahig habang sabunot ko ang buhok ko. Ayoko na! Pagod na ako! Gusto ko naman ipaglaban ang sarili ko. Ayoko na maging anino na lang ng kapatid ko. Nakakapagod na din maging kapatid mo Karl. Bulong ko sa sarili ko.

Twin HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!