The Twenty-seventh Chapter

993 23 0

The Twenty-seventh Chapter: In which the rebuilt trust gets broken again

I didn't realize I was crying along with him until I felt that hot liquid on my cheeks. Hindi ko siya kayang harapin. Nahihiya akong makita niya ang aking tear-strained face.

My heart felt full of so much emotion, kaya hindi ko na napigil pa nung lumabas na ang mga luha ng tuluyan. Hindi ko siya sinagot, iniyak ko nalang muna lahat.

"Ellie..." He whispered against my neck.

"Bakit?" I asked sabay singhot pa. Salaula.

"Hindi mo pa ako sinasagot."

"Ano ba ang dapat kong isagot?" I inquired.

"Do you still feel the same way? May pag-asa pa ba ako sayo?"

Hinarap ko na siya at pinisil ko ang kaniyang ilong. "Paano kung wala na?"

Mabilis naman siyang pumaibabaw sa akin. "Mapipilitan akong idaan ka sa santong paspasan." He replied as he poised himself against my entrance.
++

"Ang tagal niyo namang mag-usap. Tapos na ang party." His dad welcomed us warmly kinabukasan. Umaga na kasi kaming bumaba at nagbi-breakfast na ang daddy niya mag-isa.

"Good morning po." I greeted him. Suot ko ang dress na suot ko kagabi dahil ayaw kong magsuot ng shirt ni Seth tapos haharap kami sa daddy niya.

"Have a seat. Join me for breakfast." He replied as he warmly smiled at Seth and I.

Pinaghila ako ni Seth ng upuan bago siya umupo sa tabi ko.

"So, is there any good news?" Tanong ni Tito Alfredo.

"Hindi na aalis si Ellie, dad." Sagot ni Seth. Napatingin ako sa kaniya. Sinong may sabi? Bakit hindi ako na-inform?

"Really? That's good, then." Tito Alfredo smiled again. "Alam mo Ellie, ang dami kong dapat na ipagpasalamat sayo at hindi ko alam kung paano ko sisimulan."

"Tito, actually, wala naman po akong ginawa." Sagot ko.

"Meron kaya. You seduced me." Singit ni Seth and I scowled at him.

"Kapal mo!" Singhal ko.

Aliw na aliw naman ang daddy niya sa panunuod sa bangayan namin. Nahiya tuloy ako kaya inirapan ko nalang si Seth at nagsimula ng kumain ng agahan.

"You should try this." Pag-uumepal na naman ni Seth at saka nilagyan ng chicken fillet ang pinggan ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Ano ba ako, baldado? May kamay naman ako at kaya kong kumuha ng pagkain mag-isa. What is the damn treatment for?

"O, ang sama na naman ng tingin mo." Puna niya. Inirapan ko nalang siya at kumain na. Mamaya ko siya aawayin kapag wala na ang daddy niya.

"Dumating po ba si Tito kagabi?" I asked Seth's father. Wala naman kasing message si Tito Bien kaya hindi ko alam kung dumating siya kagabi o hindi.

"Sumaglit lamang siya dahil may inaayos raw siyang financial reports na kailangan ng isubmit today. Ibinilin ka niya sa akin, na ituring na parang prinsesa. But even without his reminders, I would still treat you like a princess because I owe you a lot of things. Thanks for bringing my son back. Really, Ellie. Salamat."

I pursed my lips and tried not to blush. Wala po talaga akong kinalaman sa pagbabagong anyo ni Seth, pramis!

"Bilang pasasalamat ay ako na ang bahala sa kasal ninyo." He added. "Ako na ang gagastos sa lahat."

"Kasal agad?" Walang preno kong wika. Hindi pa nga kami mag boyfriend eh, kasal agad? Atat lang?

"Sinasabi ko lang naman na if ever you decided to get married, ako na ang bahala sa gastusin but of course kayo ang magdedesisyon kung kailan." He explained and I blushed profusely. Pakisabi po muna diyan sa anak niyo na ligawan ako.

Cinderellie (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!