IV - 20

26 1 0

Rebbecca's POV

"Hoy! Ang kapal ng Face mo! Sinong tinatawag mong mukang aswang ha!?" kaloka tong lalaking to! Sa ganda kong to tawagin ba naman akong mukang aswang.

"Malamang Ikaw! Siguro di ka naman tanga para isipin na bukod sayo may iba pa akong kausap" sagot nya habang hinila nya sakin yung gitarang hawak ko.

"Hoy! Epal ka din noh! Pwede mo naman kunin ng maayos bakit kailangan mo pang hilahin!?"

"Eh ikaw? Bat nakikialam ka ng di mo gamit!?" pagtataas nya din ng boses sakin. Aba! Wala ata sa Vocabulary ng lalaking to ang salitang 'Pag-galang Sa Mga Babae'

"Leche! Bakit kasi iniwan iwan mo dito yang gamit mo tapos ngayon parang ako pa ang Mali dito!?" pagtukoy ko sa gitara nya

"Alangan naman dalihin ko pa yan habang Umiihi!" . Natigilan ako sa sinabi nya, Grabe Iew lang ha! Deretsuhin ba naman ako na kakagaling nya lang sa pagihi!

"Hoy! Kadiri ka! Pati ba pagihi mo kailangan mo pang sabihin saki-- ,HOY! SAN KA PUPUNTA!? DI PA KO TAPOS MAGSALITA TINATALIKURAN MO NA KO! HA!" Bastos na lalaki to! Nagsasalita pa ako bigla ba naman ako talikuran na parang Wala lang.

"Wala kasi akong Panahon para sa mga Kagaya mo" walang emosyon nyang sinabi. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil dere-deretso na syang naglakad paalis at bumaba sa hagdan.

Bwisit talaga yon! Dumagdag pa sa Badtrip ko!. Imbis na Gumaan yung loob ko lalo pa atang lumala dahil sa kanya. Teka! Anong oras na nga pala?..Tinignan ko yung Wrist Watch ko.

(11:59 pm)

Gabing-gabi na pala!?!?

Hala! Iniwan ako ng lalaking yon dito ng magisa!? Hindi man lang ako niyayang sumabay sa kanya!. Sabagay baka lalo lang akong Ma-buwisit kung sasabay pa ko sa lalaking yon! .

~~~~

Pagising Ko Ang Sakit-sakit ng Ulo ko dala ng Pagod at Hang-over ,Samahan mo pa ng Sobrang pagiyak kagabi. Pag check ko ng Cellphone ko bumungad kagad sakin yung text ni Marco.

[ Good Morning Soy! Anong nangyare sayo kagabi? Bkt ka bglang Nawala? ]

Pano nya di malalaman eh Mukang Enjoy na Enjoy sya kagabi kasama yung Ashley na yon!

[ Wala! Natae kasi ako. Dun kana nga! Natutulog pa ko! Istorbo ka ]

I have the right to be Masungit! Kainis naman kasi eh! Ngayon Magtatanong sya kung bakit ako biglang nawala, Eh sya nga bigla din nangiwan! . Palabas na ko ng pinto ,nang tumunog ulit yung phone ko.

[ Grabe ka pala Matulog soy! Di ko akalaing nakakapag reply ka ng nakapikit! WOW! :P ]

Magrereply palang ako pero tumunog nanaman yung phone ko.

[ Seryoso kasi Soy! Bakit ka nga nawala bigla? Di mo ba alam na pinag-alala mo ko ]

Wow ha! Nagalala pa pala sya sa lagay na yun? Ek-Ek nya bulok! Alam ko naman na Masyado syang naging masaya kagabi dahil ka-date nya si Ashley.

Napagisipan kong wag nalang magreply. Mahirap iexplain lahat sa text lang. Lalo na't masyadong madrama yung pangyayari kagabi. Pupunta nalang ako mamaya sakanila tutal sabado naman.

~~~~~

*Diiing Dong*

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Marco. Siguro nakadalawang pindot na ako sa doorbell pero wala pading nagbubukas ng gate. Hindi ganoon kalaki tong bahay nila Marco pero sa tingin pa lang halatang may kaya sila sa Buhay.

Tatalikod na sana Ako para Umalis nang, Narinig ko mula sa likod ko na may nagbukas ng gate ,Pagharap ko nakita ko si Tita Leila, Mama ni Marco.

"Becca? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni tita Leila habang binubuksan yung gate.

"GoodAfternoon po Tita, Nandyan po ba si Marco? " Nakangiti kong tanong kay tita.

"Ah oo, Tara pasok ka. May bisita din sya eh, Uhm Ano nga ba pangalan nun?.. Ah..AAH! Si Ashley! Kilala mo ba yun?" -Tita Leila

"Opo Tita.. Pero bakit po siya nandyan?" Papasok na kami ni tita sa Main door nang Makita ko si Ashley na nakaupo sa Sofa, Automatic naman siyang ngumiti sakin nang nagtama ang mga mata namin.

"Hi Rebbecca" bati ni Ashley sakin.

"Ashley Anong ginagawa mo dito kanila Marco?" Akmang sasagot na si Ashley pero Biglang sumulpot si Marco galing kitchen. May dala syang tray na may lamang Juice and Cookies.

"Soy! Nandito ka pala!? Kakadating mo lang?" Tanong ni Marco habang nilalapag yung dala nyang tray sa lamesa.

"Ah! Oo.. Nandito pala si Ashley? Bakit daw?" naloloka na talaga ko, Bakit sya nandito?. Dito ba natulog to? Ang dami kong tanong sa utak ko.

Napatingin muna si Marco kay Ashley ,Parang naguusap sila sa tingin. Matagal silang nagtitigan hanggang sa Tumango si Ashley kay Marco. Teka! May sayad ba tong mga to? Di ko sila maintindihan.

"Uhm kasi Soy.." Sumulyap muna sya Kay Ashley bago binalik ang tingin sakin.

"...Soy kami na ni Ashley" Ngiting-ngiti nyang sinabi sakin.

Jaw Drop.

WTH!?

"ANO!? KELAN PA!?!?" di ko sinasadyang mapasigaw, pero dala na talaga ng pagkagulat ko kaya di ko na napigilan

Shocks! Pano nangyare to?.

"Kagabi lang soy" Lumapit sya sa kinauupuan ni Ashley at hinawakan ang kamay nito.

______

End Of Chapter IV.

( Vote And Comment ❤ )

Eleven Fifty NineBasahin ang storyang ito ng LIBRE!