For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

First Encounter.

239 0 0

Galing akong Laguna.
Kararating ko lang ng Naga City kung saan ako nag-aaral. Almost 10years na ako dito, yung family ko lahat na sa Laguna. Ni-isang relatives wala kami dito. Grade 5 palang kami dumayo na kami dito at nag try na mag business kaso nang magka family problem kami nag decide si Mama na umuwi nalang sa Laguna. Naiwan ako dito dahil 3rd year college na ako, dito ko nalang daw tapusin ang degree ko. Pumayag ako dahil uuwi pa naman ako dun tuwing bakasyon o kapag mahaba yung araw na walang klase.

Intramurals namin nung time na yon. Ilang araw akong wala dito at di pumasok. Dahil nagka measles ako. Almost 2weeks ako nagpagaling. Excited ako, hindi para pumasok kundi para mag cheer at ma-reunite sa mga kaklase at mga kaibigan ko. Una kong nakita si Sheela. She hugged me..

Sheela: Haze! I miss you! Magaling kana?

Me: Alangan naman! Hahaha

Sheela: Bat di ka man lang nagsabi na uuwi kana?

Me: Surpriseee! Hahaha

Sheela: Next week mag ojt kana ulit. Hinahanap kana samin ni Sir.

Me: Oo naman. Tara manood tayo!

Sheela: Panoorin natin si Kim! Championship ngayon ng Girls Football!

Me: Saan?

Sheela: sa Oval. Tara na.

Sabay hila ng kamay ko.

Si Sheela ang close friend kong babae na alam kong makakaintindi ng nararamdaman ko dahil nagka-girlfriend na sya. Oo, nagka-gf. Tumagal din sila non' kaso nawala din dahil na pumunta ng California yun at di nila kinaya ang Long Distance Relationship. At luckily, may boyfriend na sya ngayon. Hanga ako sa lalaking yun na tinanggap sya kung ano man ang past nya. That is the true meaning of being a man. Di nya hinusgahan ang kaibigan ko at imbis na tinanggap dahil mahal nya yon. At ngayon, masaya ako para sakanya at para sakanilang dalawa. I know magtatagal sila dahil nakikita ko yung strong foundation of love sakanilang dalawa. Kahit papano nagpapasalamat ako na may kaibigan akong tulad nya dahil naexperience nya na, na alam kong maiintindihan ako. Kaso pakiramdam ko nagsasawa na sya sa mga kadramahan ko sa buhay, ka echosan ko sa mga crushes ko. Hahaha

Pagdating namin sa oval. Nag cheer kaagad kami. Nakita ko kaagad si Kim. Nag cheer kami sakanya. Worth it naman ang cheer namin dahil panalo kami. I mean our department. Hahaha Hindi kase ako into sports e. Medyo may katamaran ako at di ganun ka flexible ang katawan ko.

Papalapit samin si Kim.

Kim: Pardssss! Nandito kana pala!

Me: Oo naman! Ano balita?

Kim: Maraming balita! Chika later. Hahaha Magkita tayo sa Quarter namin. Lets talk there.

Me: Osige. Susunod ako.

Naiwan kami ni Sheela. Dahil inaantay namin ang boyfriend nya. Ang boyfriend nya kase ang coach nila e.

Humarap ako kay sheela at kinausap sya.

Me: Bat parang ang saya saya ni Kim? Di ba wala na sila ni Angelica?

Sheela: Naku. May pinopormahan nanaman kase yon. Si Carmie. Accountancy ang course. Transferee daw. Tapos yung babae kumakagat din.

Me: Oh talaga? Kelan pa?

Sheela: Last week lang. Nahingi nya yung number sa mutual friends nyo daw. Si Khloe ba yon?

Me: Ah si Khloe. Alam ba to' ni Angelica?

Sheela: Ewan ko. Bahala sila. Away bati naman yung dalawang yon. Parehas naman silang may reserba tuwing nag bbreak sila e.

A Forbidden LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!