OBSESSION ENTRY # 18

" Are you ready for this Kuya?" hindi ko pinansin ang tanong na iyon ni Lean dahil kanina pa naglalakbay ang aking isipan. Kanina pa ako kinakabahan at the same time excited.. for the past three years that I am in coma in the hospital at idagdag mo pa ang 6 months na theraphy na pinagdaanan ko.. talagang sabik na sabik na akong makita sila.. si Jas at ang aking munting prinsesa.. kung ako nga lang ang masusunod the day that I opened my eyes ang unang unang pumasok sa aking isipan ay ang magpakita sa kanila para makasama ko na sila agad.. pero hindi ganoon kadali ang lahat.. gustuhin ko man ng mga oras na iyon hindi maaari dahil hindi ako makalakad.. sa tagal ng itinulog at inilagi ko sa ospital.. nakalimutan na ng katawan kong mag function ng tama.. ang paglalakad, ang paggalaw.. tanging pag iisip ko lang yata ang hindi naapektuhan .. which is a truly miracle sabi ng mga docotor ko.. kahit pa nga tatlong beses akong sumailalim sa brain surgery para ilang beses tanggalin ang dugong bumabara sa aking utak.. iniexpect nilang magkakaroon ako ng amnesia or something na magiging abnormal ako.. but they were shocked and amazed na hindi nila mapaniwalaang intact ang memory ko.. wala akong nakalimutan na pangyayari sa aking isipan, kahit mga taong malalapit sa akin kilalang kilala ko.. maliban na lang sa mga pangyayaring tulog ako.. 

Am I ready for this? kailangan pa ba talagang itanong yan.. I AM VERY VERY MUCH READY TO DO THIS. I WANT TO SEE THEM, TO HOLD THEM, TO FEEL THEM IN MY ARMS, TO KISS THEM.. GUSTO KONG PAWIIN AT BAWIIN YUNG TAON NA WALA AKO SA KANILANG TABI. . LALONG LALO NA YUNG PANAHON NA KAILANGAN NA KAILANGAN NIYA AKO.. ANG DAMI DAMI KONG MAHAHALAGANG PANGYAYARI NA NAPALAMPAS SA KANILANG DALAWA.. SA AKING ASAWA AT ANAK.. and the thought of that always bring me to hell.. to sorrow and pain that I am not there when she needed me most.. when they needed me most..

" Shit!! Not again." malakas na mura ni Lean na parang nadulas pa siya at ayaw niya iyong iparinig sa akin, kaya kunut noo kong tiningnan ang tinitingnan niya sa aming harapan.. at halos sumabog ang ulo ko sa sobrang galit, inis at.. selos sa mga eksenang nakikita namin ngayon sa aming harapan habang nasa loob kami ng sasakyan at nakatigil kami ilang pulgada ang layo sa bahay na tinitirahan ng aking mag ina dito sa tagaytay. No!!! How dare that man touch my wife !! Walang siyang karapatan na hawakan ni dulo ng daliri ng aking asawa!! kahit pa nga sa aking peripheral vision nakikita kong wala naman iyong malisya dahil tinulungan lang naman niyang buhatin ang mga pinamili ni Jas dahil sa sobrang bigat noon.. at hindi sinasadyang mahawakan niya ito!! pero kahit na!! Wala siyang karapatan!! shit lang!! I spend 3 fucking years in coma, 6 fucking months in theraphy para lang masaksihan  ng aking dalawang mata ang lalaking iyon na parang at home na at home na sa presensya ng aking asawa.. the way they talk, they laughed at each other they seemed close.. close for my liking... theyre gestures!!! papatay ako!! makakapatay ako ng wala sa oras!! Wala sa sariling inabot ko ang pintuan ng sasakyan at akmang lalabas na ako ng may brasong pumigil sa akin.. tinangka ko kung tanggalin iyon pero talagang matibay ang pagkakahawak ni Lean doon.. kahit ilang ulit kong palag.. wala.. matibay ang pagkakahawak niya sa aking braso.. " Let. me. go." puno ng diin kong utos sa kanya.

O  B  S  E  S  S  I  O  NBasahin ang storyang ito ng LIBRE!